Ai-Ai delas Alas, in the event she fails to bag Box-Office Queen title: "Magse-celebrate pa rin ako. Ang importante, alam naman ng mga tao ang totoo."

IMAGE 0


"Two weeks ago pa nakarating sa akin ang tungkol diyan. Si Mother Jinky kasi, yung make-up artist ko, kinongratulate ako... Tapos, five days ago, yung Backroom, tinext ako na ako na raw yung Box-Office Queen, kung available ba ako ng May 8," says Ai-Ai delas Alas about the "premature news" that she has been named Box-Office Queen.


Two weeks ago ay lumabas ang balita na si Ai-Ai delas Alas na raw ang Box-Office Queen ng 2010, samantalang sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla naman ang Box-Office Kings ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI).

Ito ay dahil daw sa box-office success ng mga pelikula nilang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To) ni Ai-Ai at Si Agimat at Si Enteng Kabisote nina Vic at Senator Bong, na parehong entries sa 2010 Metro Manila Film Festival. (CLICK HERE to read related story.)

Marami sa mga tagahanga nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz ang umalma sa balitang ito. Ayon sa kanila, mas kumita raw ang pinagbidahang pelikula ng dalawa, ang My Amnesia Girl, kumpara sa pelikula nina Ai-Ai, Vic, at Senator Bong.

Pero pinabulaanan ng pamunuan ng GMMSFI na may napili na silang Box-Office King and Queen dahil hindi pa raw tapos ang deliberation nila. Hinihintay pa raw kasi nila ang box-office gross ng mga pelikulang ipinalabas last year mula sa movie companies.

AI-AI REACTS. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai sa taping ng Pilipinas Got Talent last week, tinanong namin siya kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling hindi siya ang tanghaling Box-Office Queen this year.

Kung saka-sakali, pangalawang beses na itong mangyayari kay Ai-Ai dahil noong 2009 ay nakuha ni Sarah Geronimo ang korona para sa A Very Special Love, bagamat mas kumita raw ang pelikula ng komedyana na Ang Tanging Ina N'yong Lahat.

"Pag ganun, parang napagod na ako, siguro sa bahay na lang ako. Siyempre lahat naman ng mga tao, gusto ng recognition or award. Pero kung hindi para sa akin, okay lang," sabi ni Ai-Ai.

Kung saka-sakali ngang hindi siya ang manalo, may plano pa rin si Ai-Ai na mag-celebrate.

"Oo, magse-celebrate pa rin ako. Ang importante, alam naman ng mga tao ang totoo," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahigpit na kalaban naman ni Ai-Ai para sa titulong Box-Office Queen ng 2010 ay si Toni Gonzaga.

Pero sa interview ng PEP kay Toni, sinabi na nito na karapat-dapat ang nasabing karangalan para kay kay Ai-Ai. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Ai-Ai sa pahayag na ito ni Toni?

"Alam mo 'yang si Celestine [tawag niya kay Toni], mahal ko 'yang batang 'yan. Anak ko 'yan sa Ang Tanging Pamilya [2009]. Thank you naman Celestine, I love you so much!" sambit ni Ai-Ai.

CONFUSING RULE. Bagamat sinasabi ng GMMSFI na wala pa silang ginagawang deliberation, ayon kay Ai-Ai ay nasabihan na raw siya na i-block off ang petsang May 8 dahil ito ang coronation night ng Box-Office King & Queen.

Kuwento niya, "Two weeks ago pa nakarating sa akin ang tungkol diyan. Si Mother Jinky kasi, yung makeup artist ko, kinon-gratulate ako... Tapos, five days ago, yung Backroom, tinext ako na ako na raw yung Box-Office Queen, kung available ba ako ng May 8."

Ang Backroom ang management company na nagha-handle sa career ni Ai-Ai. Ito ay pinamamahalaan ng TV host na si Boy Abunda, ang manager ng komedyana.

Isa pa sa nagpapalito sa pagpili ng Box-Office King & Queen ay ang hindi malinaw na ruling ng GMMSFI tungkol sa cut-off ng mga pelikula. Sa kaso kasi ng MMFF entries, mula December 25 hanggang sa unang linggo ng January ng sunod na taon ang theater run ng mga pelikulang ito.

Ang cut-off daw kasi ng GMMSFI ay hanggang December 31 na kaya hindi kasama ang kinita ng MMFF entries mula January 1 hanggang sa extension nito sa mga sinehan.

Ayon kay Ai-Ai, para fair ang labanan, dapat daw isama ang kinita ng mga pelikulang kalahok sa MMFF hanggang January.

"Oo, kasi yung cut-off ng December 25 'til December 31, ano naman ang laban ng anim na araw sa isang buwang itinakbo ng isang pelikula? Sa akin, para fair, kung isasama ang MMFF entries, bibilangin n'yo hanggang January, basta kung ano yung total running days nung pelikula. Kasi, di ba, nakakatawa naman yun na six days, ilalaban mo sa isang buwan?" paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Ai-Ai na ang ganitong mga recognition ay nagbibigay na higit na inspirasyon sa mga tulad niyang artista.

"Siyempre, iba yung may recognition ka. Kumbaga, may prize ka sa mga ginagawa mo, lalo kang magsisipag, lalo mong ginagalingan," prangkang saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN