Ai-Ai delas Alas wants to match Sharon Cuneta's record as nine-time Box-Office Queen

IMAGE 0


"Ang mga ka-level ko na, FPJ, Sharon Cuneta, Vilma Santos...Nora Aunor. Si BFF [Sharon Cuneta], siyam ang box-office [queen titles]. Kulang pa ako ng lima!" says Ai-Ai delas Alas about her fourth trophy from the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.


Panatag na ang kalooban ni Ai-Ai delas Alas ngayong sigurado na niyang matatanggap ang award bilang Box-Office Queen mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSF).

Naging kontrobersiyal ang naturang award-giving body dahil sa mga leakage na lumabas, at sinasabing si Toni Gonzaga ang posibleng mabigyan ng box-office-queen title dahil sa pagtabo sa takilya ng My Amnesia Girl noong nakaraang taon.

Pero mas malakas ang espekulasyong mapupunta ang korona kay Ai-Ai dahil sa total gross ng pelikula niya noong 2010 Metro Manila Film Festival, ang Ang Tanging Ina Niyo, Last Na 'To!, na kumita ng P198 million.

Kaya nga noong April 9, opisyal nang in-announce ng GMMSF na si Ai-Ai ang Box-Office Queen at sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla ang Box-Office Kings. (CLICK HERE to read related story.)

BOX-OFFICE QUEEN TITLE. Sa isang dinner-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling press kay Ai-Ai last Sunday, April 10, sa Shangri-la Mall, itinanggi nitong magwawala siya kapag hindi napasakamay niya ang Box-Office Queen award.

"Hindi naman ako magwawala. Parang naniniwala naman ako na kung hindi man ako ang Box-Office Queen, ako naman ang Comedy Box-Office Queen.

"Pero between the two, mas gusto ko siyempre yung Box-Office Queen. Kasi yun ang overall. Yun talaga yun," sabi niya.

Napakaimportante rin kay Ai-Ai ng dalawang beses niyang pagkakapanalo bilang Comedy Box-Office Queen.

"Hindi naman lahat dramatic actress. Saka mas maraming komedyanteng babae ngayon na nagso-solo na. Dati wala, puro mga lalake lang. Ngayon, may sariling mundo na kaming mga komedyante," saad niya.

Ito ang unang award ni Ai-Ai sa taong ito kaya naman may kakaibang hatid sa kanya ang Box-Office Queen award niya.

"Natuwa ako. Parang nabunutan ako ng tinik," sabi niya.

Biniro namin siyang parang inasahan naman niyang siya ang mananalo.

"Hindi. Hindi na," tanggi niya. "Dati inasahan ko. Dati, no'ng una, inasahan ko. Pero nawalan ako ng pag-asa, kasi may cut-off-cut-off na naman. From ganito to ganyan, may cut-off pag Metro Manila Filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong una, ako talaga. Pero no'ng sinabi ni Kuya Boy, ni Ama, na may cut-off, na-stress na ako. Feeling ko, hindi na ako. Okey lang, may Comedy Box-Office Queen naman. Ayun! Meron naman na ako no'n. Feeling ko, na-create yun dahil sa akin.

"Wala yung dati. Feeling ko lang naman na na-create yung title na yun [Comedy Box-Office Queen] dahil sa akin. Wala naman talaga yun no'ng dati. Wala no'n. Sige, i-review mo yung history nila, walang gano'n. Parang, tumahimik na lang ako."

LEVEL UP. Dalawa na ang Box-Office Queen title ni Ai-Ai, at dalawa na rin ang kanyang Comedy Box-Office Queen award. Sa kabuuan, apat na ang trophies niya mula sa GMMSF.

"Ang mga ka-level ko na, FPJ, Sharon Cuneta, Vilma Santos...Nora Aunor.

"Si BFF [Sharon Cuneta], siyam ang box-office [queen titles]. Kulang pa ako ng lima!" natatawa niyang pahiwatig na gusto niyang tapatan ang siyam na awards ng Megastar.

Aliw na aliw si Ai-Ai sa naiisip na lume-level na siya sa icons ng Philippine showbiz.

Feeling niya, malaking bagay ang "power of the mind" para makuha niya ang Box-Office Queen title.

Kuwento niya sa amin, magkakahilera raw sa isang shelf ang apat niyang Box-Office Queen trophies. Inusog na raw niya ang tatlo para magbigay-daan sa isang espasyo na paglalagyan niya ng bago niyang trophy. At ito na nga yung matatanggap niyang award.

"Siguro mga three months ago, after ng showing ng Metro Manila Filmfest, inusog ko na yung mga trophies. 'May paglalagyan na ito, pang-apat,' sabi ko sa sarili ko. O, di ba? Nandiyan na siya.

"Kung hindi ako nanalo, ibabalik ko uli. Madali lang naman iusog at ibalik sa dating puwesto!" natatawa niyang kuwento.

OTHER AWARDEES. Hindi lang si Ai-Ai ang humataw ng awards this year. Maging sina Angelica Panganiban at John Lapus, na tumanggap ng acting awards sa Golden Screen Awards last week para sa pelikulang Here Comes The Bride, ay pararangalan din ng GMMSF bilang Comedy Actress and Actor of the Year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinalo ni Angelica si Ai-Ai sa kategoryang Best Actress (Comedy-Musical) sa Golden Screen Awards.

"Ayokong mag-comment kasi hindi ko naman alam ang kategorya nila, e," iwas na pahayag ni Ai-Ai nang hingan namin siya ng komento tungkol dito.

"Basta, ang alam ko, according to Ama [Boy Abunda]... Usually, ang normal talaga, hindi deliberative. Katulad ng box-office title, by numbers yun, e. Hindi dini-deliberate yun. Titingnan mo lang yung numbers, yun na yun. Hindi katulad ng best actor-best actress, dini-deliberate yun. Subjective yun. Gusto mo o ayaw mo? Idi-defend mo yun.

"Yung box-office, by numbers yun. Paano mo idi-defend yun, e, may record, may figures. Kaya hindi ako puwedeng mag-comment kung ano ang masasabi ko sa best actor, best actress, mahirap din kasi subjective yun, e."

Noong 2009, kumita ang dalawang pelikula ni Ai-Ai. Nagtala ng P125 million ang BFF na pinagbidahan nila ni Sharon Cuneta, samantalang P75 million naman ang kinita ng Tanging Pamilya na pinagbidahan naman nila ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Kaya nga nakuha ni Ai-Ai ang ikalawa niyang award na Comedy Box-Office Queen noong sumunod na taon.

MYSTERY GUY. Samantala, isa ring isyu kay Ai-Ai ngayon ang mystery guy na handa raw niyang bigyan ng Porsche dahil sa qualities nito.

Ayaw magbigay ng detalye ang komedyana sa identity ng lalaki, maliban sa sinasabi niyang nasa kabilang istasyon ito.

"Huwag na yun! Huwag muna! Itatanong ko muna sa kanya, baka magalit siya. Basta, sabihin mo, yung initial ng pangalan niya ay nasa ABCDEFGHIJ! Hulaan na lang nila kung saan doon sa mga alphabet na yun!" natatawa niyang sabi.

Ayon kay Ai-Ai, dating friend lang niya ang naturang lalaki at hindi pa seryosohan ang kanilang pagkakilala.

Kinumusta rin namin sa kanya ang status nila ng Italian-Colombian na naka-date niya ng ilang beses noong February. Aminado si Ai-Ai na siya na mismo ang dumistansiya sa part-time model na nabanggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako napagod sa kanya. Nawalan lang ako ng interes," pag-amin niya. "Kasi panggabi yung work niya, e. Ako rin, panggabi ang work ko.

"Saka parati siyang puyat. Alangan namang sa umaga kami nagdi-date! Katsipan naman, di ba? Putok ang araw? Ayoko naman. Saka hindi ako fresh sa umaga. Pang-after lunch lang ako!

"Wala na kaming communication. Nagpalit kasi ako ng phone. Nakakatawa nga kapag nagpapalit ako ng phone, pag may nagti-text sa akin, doon ko lang naalala na, 'Ay, hindi ko pa na-send sa kanya ang bago kong number.'

"Yung iba naman, kapag nakikita ko sila, 'Uy, nagpalit ka na ba phone?' Saka ko lang naalala na hindi ko pa sila na-advice. 'Sorry-sorry!'

"Feeling ko kasi nabigay ko sa kanila, hindi pa pala. Tamad kasi akong mag-text. Ewan ko ba!" nangingiti niyang sabi.

DREAM MOVIE. Isa sa mga pangarap pa rin ni Ai-Ai ang makasama sa pelikula si Dolphy. Kaya lang, mukhang malabo na raw itong mangyari dahil kailangang huwag mapagod nang husto ang Comedy King.

Nagpapasalamat lang si Ai-Ai dahil nakasama na niya sa pelikula si dating Pangulong Joseph Estrada, na pinaniniwalaan niyang isa rin sa icons ng showbiz industry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN