Tirso Cruz III enjoying his role as drag queen in I ♥ You Pare

IMAGE 0


"Ako naman, wala naman akong ina-avoid, di ba? Sabi ko nga, ano nga ito ngayon, enjoy ako. It's something new from the regular na ginagawa ko, like corrupt na senador, corrupt na congressman, puro walang hiya nga!" says Tirso Cruz III about playing a gay role.


Naka-tatlong costume change si Tirso Cruz III para sa role niyang Sarsi nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang taping ng GMA-7 primetime series na I ♥ You Pare kahapon, March 15, sa isang parlor sa Marikina City.

Habang kausap nga namin si Pip (palayaw ng batikang aktor) ay in character pa rin siya kahit wala siyang eksena.

Ayon sa aktor, marami siyang nagiging peg for his role kahit sa set mismo.

Kuwento niya sa PEP, "Yung dalawa pong baklang performers namin, nandiyan si Direk Andoy [Ranay], assistant director namin, pati mga make-up artist namin."

Hindi ba niya nadadala ang pagiging Sarsi kapag nasa bahay na siya?

"Sometimes!" natatawa niyang sabi.

"Basta naka-get-up lang ako. Kaya nga tawa nang tawa minsan si Lyn [Ynchausti, Pip's wife] kapag pumapasyal siya. Nandoon kami sa Marikina, e, minsan mahangin. Ang haba ng hair ng lola mo, di ba? E, kung minsan, kapag gumaganun ang buhok, yung kamay ko, gumaganun," sabay muwestra ng paghawi ng buhok.

"Sasabihin niya, 'Uy, ako ang kausap mo!' Sasabihin ko naman, 'Huwag kang magulo, in character ako! Huwag mong sinisira ang pagka-Sarsi ko!' Aliw na aliw siya. Pinagtatawanan ako.

"Kahit noong una, yung mga pictorial namin, di ba? Hindi pa nga puwedeng i-post noon, pinadalhan ko. Sabi ko, 'For your eyes only yan, ha, hindi puwedeng i-post. Mapapagalitan ako.'"

Kahit daw ang mga anak niya ay natutuwa sa kanya.

"Noong una, pumasyal sila Djanin sa set. Nakita niya nakaganito ako, tawa nang tawa. Tapos noong napanood niya ako, nag-tweet talaga sa akin, sabi niya, 'Pa, nakakaloka ka, hindi kita ma-take!'

"Tawa na siya ng tawa noong nakita niya ako. Pero mas tawa siya nang tawa noong first time niya akong mapanood sa TV," kuwento pa ng aktor.

PLAYING A GAY ROLE. Bago kay Pip ang pagganap ng gay. Madalang daw kasi siyang mabigyan ng ganitong klase ng character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na matagal na... I think I did one for Artista pa yata yun, or sa workshop. A long, long time ago. Pero yung ganito na full-length talaga at saka drag talaga, di ba?" sabi niya.

Iniiwasan ba niya noon na gumanap ng bading?

"Hindi naman, wala lang talaga," sagot ni Pip.

"Ako naman, wala naman akong ina-avoid, di ba? Sabi ko nga, ano nga ito ngayon, enjoy ako. It's something new from the regular na ginagawa ko, like corrupt na senador, corrupt na congressman, puro walang hiya nga!"

Kapag nasa parlor daw ang location nila, silang tatlo nina Joel Saracho at Boy Alano—na gumaganap bilang mga kaibigan niyang bading—ang madalas na nagkukuhanan.

Kuwento pa ni Pip, may "boylet" na raw siya sa I You Pare.

"Si Arthur [Solinap] ang boylet ko na, later on, mabubuko na tauhan pala ni Antonio Aquitania. Mabo-boldyak na naman kami dahil sa kalandian ko!" natatawa niyang kuwento.

Si Antonio ang gumaganap na leader ng hired killers na naghahanap kay Regine bilang Tonya.

Kahit si Pip daw ay natatawa sa sarili niya sa mga ginagawa nila sa show.

"Sabi ko nga, the role itself is a challenge for us. But at the same time, nag-e-enjoy kami sa challenge kasi light, e.

"At the same time, wary rin naman kami. Ayaw naman naming maging pushy. Lalo na third sex, sabi ko, delikado rin ang ano natin... we're treading on dangerous waters, baka mamaya ma-misinterpret tayo sa ginagawa natin.

"Kahit si Direk [Andoy] is very wary. Kaya we're trying so hard na the situation will dictate the comedy, hindi namin pinupuwersa. And we're not putting down the third sex at hindi rin namin pinu-promote. Talagang sitwasyon lang lahat," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN