Arci Muñoz: "I prefer to be called sophisticated and classy than a sexy star."

IMAGE 0


Arci Muñoz still wants to join the Binibining Pilipinas pageant. "Actually, I'm not setting it aside. Ang hirap iwan yung dream na yun. It's been my dream since before I joined showbiz. It's still part of my plans," she says.


Naging emosyonal si Arci Muñoz sa presscon ng kauna-unahang drama series na pagbibidahan niya sa TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak, noong Martes ng gabi, March 15, sa Teatrino Greenhills, San Juan.

"Kasi I'm really overwhelmed sa lahat ng mga blessing na dumarating sa akin right now," sabi ni Arci nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang rason ng kanyang pagiging emosyonal sa kalagitnaan ng presscon ng kanyang TV soap.

"Siyempre, nagsimula yun nung pumasok ako kay Tita Annabelle [Rama, her manager]. Sunud-sunod yung mga blessing na dumating sa akin and napatunayan ko talaga na she's really the best manager in this industry.

"Now, I've signed up with TV5. It's tears of joy talaga and na-touch talaga ako and overwhelmed sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin."

Kung hindi ba siya lumipat ng TV5 mula sa GMA-7 ay posible pa kayang dumating ang ganitong opportunity sa kanya?

"I believe it's fate. And everything happens for a reason. If fate comes your way na ganito talaga, mangyayari sa iyo at any network," sagot ni Arci.

Aminado si Arci na malaki ang pressure na nakapatong sa balikat nila ni Ritz sa kanilang serye dahil sa trailer pa lang bumabandera na silang dalawa ng nasabing co-star niya.

"Yes po, kaya nga we're asking for your [press] support. And Ritz and I are doing... Ritz is doing well. Nagulat talaga ako. I don't think she's a beginner. Ang galing niyang umarte in every scene. She gives her best. When there are crying scenes, she cries. Hindi mahirap sa kanya ang mga eksena," papuri niya sa kanyang co-star.

BEAUTY QUEEN. Ngayong malaki ang tsansang maging big star si Arci, paano na ang plano at pangarap niyang maging beauty queen?

"Actually, I'm not setting it aside," sabi niya. "Ang hirap iwan yung dream na yun. It's been my dream since before I joined showbiz. It's still part of my plans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang hirap ring tumanggi sa mga opportunities na dumarating... Sabi nga nila, strike while the iron is hot. Yung [Binibining Pilipinas pageant], kung sasali ako doon, it's gonna be another feather in my [cap].

"Pero itong [acting], ang focus ko ngayon. Dito ako nagku-concentrate ngayon."

Hindi lang si Arci ang nangangarap at may planong sumali sa beauty contest. Ang co-star niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak at gumaganap pang kapatid niya sa istorya na si Ritz Azul ay nangangarap ding lumahok sa Binibining Pilipinas.

"Yun nga nga, e, alam kong gusto rin niyang mag-Binibini. Parang plan lang namin... Siyempre, I'm older sa kanya. She's 17. So, marami pa siyang years to pursue her dreams. I think mauuna muna ako. At nag-uusap kami about it," saad ni Arci.

Desidido na ba siyang sumali sa beauty pageant kahit isa na siyang big star?

"I really want to, I really want to. Kaya nga yung mga scenes namin na sexy, nililimitahan ko," sagot niya.

NOT A SEXY STAR. Pag-amin ni Arci, hindi raw niya gustong masilipan ng butas at gawing isyu ang mga role na ginagawa niya kaya ayaw niyang magpa-sexy sa acting projects niya.

"Di ba, kasi gano'n yun, e. Kasi kapag sasali ka sa Binibini, yung image ang tinitingnan nila, e. Ako naman, kahit anong mangyari, yung sexiness naman is another step, e.

"Right now, I'm focusing on drama, and itong show namin. Basta kung ano ang nire-require lang ng role ko," sabi niya.

Wala bang possibility na mag-pose siya nang sexy sa isang men's magazine?

"Hindi ko alam sa ngayon. Hindi ko pa nata-try yung isa ko pang dream. Kasi ang hirap, e. Parang pag nag-FHM ako or any men's magazine, ang dami ko nang hindi magagawa. Malilimitahan yung kapasidad ng work ko.

"Saka once na magsimula kang mag-sexy, tuluy-tuloy na 'yan, e. 'Yan ang iniiwasan ko. I wanna portray the image na parang sophisticated beauty, gano'n. Hindi sexy star," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw raw talaga ni Arci na mabansagang "sexy star."

"Ayoko po. As much as possible, huwag na. We are all sexy in our own little way. It's how you carry yourself. E, ako naman, I prefer to be called sophisticated and classy rather than a sexy star," sabi ng 22-year-old actress.

Baka maraming sexy stars ang mag-react sa statement niyang ito?

"Hindi ko naman sa inaano yung mga sexy stars," paglilinaw ni Arci. "Ako kasi, yun ang ano ko. Mas pini-prefer ko lang yung gano'n. In my opinion lang naman. Kasi sarili ko naman ito, di ba? Hindi ko naman gustong gawin yung hindi ako kumportable."

WET LOOK. Sa trailer ng Mga Nagbabagang Bulaklak, bakat na bakat ang katawan ni Arci sa eksenang naliligo sila ni Ritz sa batis.

May mas daring pa ba siyang gagawin maliban sa wet look scene nila?

"Abangan na lang nila. Pero alam ko meron kaya nag-uusap kami ng mga writers," sagot ni Arci.

First time daw ni Arci na gawin ang gano'ng kaseksing eksena. Pero may mga nagsasabing hindi logical na ang babaeng ginagampanan niya, na nakatira sa isang liblib na lugar ay nagsusuot ng bra.

Sa eksena kasi ay bumakat ang kanyang bra sa suot niyang basang kamison.

"Yun na nga, e. Dapat nga sana more hair on the front para hindi kita. Eto nga sa province, ewan ko lang. Pero ako, reality check, ha? Ang mga mahihirap, naliligo sa batis nang naka-T-shirt saka naka-shorts. Malaking T-shirt or maluwag na T-shirt at naka-shorts. Parang bata, di ba?

"E, gusto nila ipakita yung sexiness na ganyan-ganyan, na parang noong una, 'I don't wanna do that. Ano ba naman kayo?' I was crying on the set. Paano ba naman yun? 'My dad is very strict,' sabi kong gano'n.

"Si Direk Jon Red, kinausap niya ako. Sabi niya, 'This is art.' And Direk Jon is Direk Jon. He's done a lot of movies already. And pati sa TV, napakagaling niyang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko kinukuwestiyon ang kanyang abilidad. Magaling talagang director si Direk Jon and he's making me comfortable in every scene. He's guiding me."

Wala rin raw kinalaman ang pagiging loveless niya kaya nagagawa niya ang medyo sexy scenes sa kanyang serye.

"Actually po, ang daddy ko po ang ayaw ring magpa-sexy ako. Napaka-conservative ng dad ko," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN