News that Vic Sotto and Bong Revilla have been crowned Box-Office Kings and Ai-Ai delas Alas, Box-Office Queen a "false alarm"

IMAGE 0


Not true: Senator Bong Revilla and Vic Sotto (top) have not been crowned Box-Office Kings. Neither is Ai-Ai delas Alas (bottom) Box-Office Queen. The Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. said they have yet to begin their deliberation and no winners have been announced.


Kumalat sa text messaging noong Martes, March 15, ang balitang may itinanghal nang Box-Office King at Box-Office Queen ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. (GMMSF).

Tie raw sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla bilang Box-Office King dahil sa box-office success ng kanilang 2010 Metro Manila Film Festival entry, Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Si Ai-Ai delas Alas naman daw ang itinanghal na Box-Office Queen dahil certified blockbuster ang pelikula niyang Ang Tanging Ina Mo Rin, na naging entry rin sa MMFF.

Sa panayam nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai noong Miyerkules, March 16, pinasalamatan niya ang GMMSF dahil sa karangalan na ipinagkaloob sa kanya. Nagpasalamat din siya sa Diyos dahil sa suwerte na dumarating sa kanya, sa kabila ng kaguluhan na nagaganap sa iba't ibang panig ng mundo.

Pero muling mababahiran ng kontrobersiya ang Box-Office King and Queen dahil sa pahayag ng mga miyembro at organizer ng GMMSF na hindi pa sila nagkakaroon ng botohan, inaayos pa raw ang listahan at hindi pa kumpleto ang box-office returns.

Pagtataka rin ang sagot ni Tessie Celestino nang hingin namin ang kanyang panig tungkol sa Box-Office King and Queen controversy. Si Tessie ang producer ng Airtime Marketing Inc. at isa siya sa mga tumutulong kay Mrs. Corazon Samaniego, ang organizer ng GMMSF.

"Ewan ko, baka mga speculation lang nila dahil wala pang deliberation and voting. Saan ang source nila and who confirmed it. Their movies are in the 10 blockbusters last year, but that cannot be a basis for considering them as winners at this point as there are other criteria to consider," sabi niya.

Ayon sa isang voting member ng GMMS, gaganapin ang deliberation at pagboto sa Box Office King and Queen winners pagkatapos pa ng Holy Week. Nakatakda naman sa May 8 ang awards night na idaraos sa RCBC Plaza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN