Illac Diaz vehemently denies Angelica Jones's allegations

IMAGE 0


My Shelter Foundation chairman Illac Diaz denies all the allegations of Laguna board member Angelica Jones (inset), who is suing him for "grave oral defamation."


Pagkatapos makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica Jones ay kaagad naming hiningan ng reaksyon si Illac Diaz. Ito ay kaugnay ng "grave oral defamation" case na isinampa laban sa kanya ng dating sexy comedienne at ngayo'y Laguna board member.

Pinabulaanan ni Illac ang lahat na mga ibinibintang ni Angelica laban sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Itinanggi ng chairman ng My Shelter Foundation na may nangyaring gulo sa kanila ni Angelica noong nakaraang Biyernes, March 11, taliwas sa pahayag ng board member ng Laguna.

Ayon kay Illac, "To tell you the truth, we were there. We sent an official letter to her office. My Shelter Foundation wanted to secure whatever machines, so we sent a letter to her that we are now separating from her office."

Ang dahilan daw ng desisyon nilang humiwalay na sa opisina ni Angelica ay "lack of liquidation" at "lack of transparency."

Dagdag niya, "And then with the billings that she sent us, we could not accept the way she liquidated the funds. So to preserve whatever is left, we wanted to get the machines, we wanted to collect the cement, which we had asked from our donors.

"She sent over a lot of police who where there and then she arrived. And then, when we said we were just taking the cement, she said, 'No, this is ours.'

"And I said, 'No, you sent over two trucks to collect 1,200 bags of cement, we've only seen 400 here. So, as early as now, we would like to secure this. And since this is the property of My Shelter Foundation, no provincial funds... It's very clear that the funds came from us. We wanted to transport them to another secured warehouse," aniya.

"That's when she started hitting me," patuloy na kuwento ni Illac. "She said, 'Wala kang pasalamat.' And then she was saying, 'Don't do this sa bayan ko' and started hitting me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then her mother [came from behind me] and the mother grabbed and pulled my hair. And if the police didn't [intervene], her brother would have punched me, and he was calling me 'bakla.'

"I said, 'Is this the way you treat people who want to donate and volunteer?' So, I said, 'Ganito ba yung board member n'yo dito sa Laguna? How can somebody in such a position act this way?'

"So, Ms. Celia Lopez [pulled] me out because nga, Angelica Jones was attacking me and I did not do anything. I did not say anything bad, I did not accuse her [of anything] na slander," mahabang saad ni Illac.

Ang tinutukoy ni Illac na si Ms. Celia Lopez ay ang ina ng dating Laguna councilor na si Pamboy Lopez. Ayon sa reports, nakaaway raw ni Angelica si Ms. Lopez dahil sa pagtutol diumano ng huli sa bottle school project.

LIQUIDATION ISSUE. Ang gusto lang naman daw sana ni Illac ay maibigay ni Angelica ang liquidation ng mga nagastos nito sa bottle school project.

Ayon sa dating modelo at aktor, mahigit isang milyon na raw ang naibigay niyang pera kay Angelica galing sa mga nakuha nitong sponsors.

Wala pa raw ang pondo mula sa Laguna. Lahat daw yun ay mula sa kanyang foundation at mga sponsors.

Kailangan daw niyang maayos yun para sa kanilang tax returns dahil malapit na ang filing of income tax, at dapat na maayos ito sa kanyang foundation.

May natanggap daw siyang liquidation mula sa tanggapan ni Angelica, pero tingin niya ay hindi raw nagamit nang tama ng actress-politician ang pera.

"They sent over on February 15 their liquidation reports that have nothing to do with the original agreement," sabi ni Illac.

"This is the original agreement — if we give 2.4 million pesos worth of materials, the province of Laguna will give 20 percent labor. So, private-public partnership. We give 2.4 [million pesos] and they should give 480,000 pesos worth of labor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakita pa ni Illac sa PEP ang liquidation na isinumite ni Angelica na may labinlimang mason at labingsiyam na laborers na sinuswelduhan gayong isang classroom pa lang daw ang ipinapatayo nila.

Sa dami raw ng mga laborers na sinusuwelduhan araw-araw, parang isang building na raw ang ipinapatayo nito.

Kapag tinitingnan naman daw ni Illac ang naturang construction, hindi naman daw ganun kadami ang mga nagtatrabaho. Mga bote lang daw kasi na may lamang liquefied mud ang ginagamit para sa dingding kaya hindi raw kailangan ang ganun karaming tao.

Ang isa pang napansin ni Illac sa liquidation ay malaki rin daw ang nagastos sa representation allowance, pati ang mga nagagastos ng ina ni Angelica na si Mrs. Beth Jones.

Muling nilinaw ni Illac na hindi niya sinasabing ninakaw ni Angelica ang pondo. Baka hindi lang daw nito naintindihan kung saan dapat gastusin ang pera para sa kanilang proyekto.

Kaya gusto raw sana niyang maglabas ito ng resibo para maipaliwanag niya ito nang maayos sa kanilang mga sponsors at pati na rin sa pagsumite sa BIR.

NO ROMANTIC RELATIONSHIP. Pero dito na nagsimula ang gulo at nadawit na pati si Julia Clarete, ang kasintahan ni Illac.

Mariing itinanggi ni Illac na nagkaroon sila ng romantic relationship ni Angelica. Ang lahat daw na mga sinasabi ni Angelica ay walang katotohanan at pilit daw nitong inililigaw ang isyu na dapat sagutin: Paano niya maipapaliwanag ang kuwestiyonableng paggastos para sa kanilang Laguna Bottle School project?

"Yung pantasya ay dun lang sa panaginip," sabi ni Illac.

"Julia and I are strong. She's a wonderful woman and at the same time, she's very busy. She has priorities, so do I.

"What we really want is if we're being harassed by something that doesn't exist, then there shouldn't be pain... The media should understand that they're being taken for a ride, so no amount of crying, no amount of telling stories..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw nakarating kay Illac ang sinasabing kasong isinampa ni Angelica laban sa kanya. Pero nakatakda raw siyang makipagkita sa ilan pang opisyal ng Laguna para maipaliwanag niya ang nangyaring gulo. Gusto pa rin daw niyang ituloy ang proyekto na hindi na kasali si Angelika.

Ang gusto na lang niyang iparating sa actress-politician ay ito:

"Yung public leadership is for public good. This kind of controversy [creates destruction]. I did not say anything and it was you who attacked me...

"Schools are important. We should do everything possible to spend the money wisely... As a public leader, your role is not to create showbiz tsismis, [but to work for] the public good."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN