Bodie Cruz ready to do mature and sexy roles: "Gusto ko kasing mag-level up."

IMAGE 0


"I'm not getting any younger kaya gusto ko rin na ma-try yung magpaka-daring sa indie film o magazine," Bodie Cruz explains his decision to do sexy roles. "Para sa akin, career move na rin ito para mas makatanggap ako ng mga pelikulang hahamon sa kakayahan ko bilang isang artista."


Mula sa pagiging cast ng fantaserye ng GMA-7 na Grazilda at pagkakaroon ng wholesome na imahe, handa na raw magtalop at magpakita ng katawan si Bodie Cruz sa isang indie film at magazine.

Kung nakaya raw ng ibang artistang lalaki na magpa-sexy sa pelikula at magazine, kaya rin daw gawin ito ni Bodie, anak ng aktor na si Tirso Cruz III.

Ayon kay Bodie, nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa coronation night ng Diwata at Maharlika ng Pitong Lawa sa San Pablo, Laguna, "career move" daw ito kaya sasabak na siya sa mature at sexy roles.

"Gusto ko kasing mag-level up, di na kasi ako bumabata kaya naman gusto kong i-try naman ang mga mature, medyo daring na roles. I'm not getting any younger kaya gusto ko rin na ma-try yung magpaka-daring sa indie film o magazine.

"Kaya naman kung kaya ng ibang artista na from wholesome ay nagpaka-daring at magpa-sexy, kaya ko rin yun. Para sa akin kasi, pelikula o sa magazine lang naman itong gagawin kong pagpapa-sexy at taliwas sa kung ano mang ginagawa mo sa pribado mong buhay.

"Tsaka para sa akin, career move na rin ito para mas makatanggap ako ng mga pelikulang hahamon sa kakayahan ko bilang isang artista. Gusto ko kasing mas mapaghusay pa ang pag-arte ko. Iba kasi pag gumawa ka ng indie film," aniya.

As long as maganda ang pelikula at dekalidad ang magiging director nito, handa na daw ngayong taon si Bodie sa pagpapa-sexy.

"Ako naman kasi, basta magaling yung director, alam kong magiging artistic yung mga shots at di bastos ang kalalabasan. Tsaka kung kailangan talaga sa ikagaganda ng pelikula, willing akong magpaka-daring sa mga eksena."

Sino naman ang gusto niyang makapareha kapag gagawa siya ng sexy, indie film?

"Kung papipiliin ako, gusto ko si Iza Calzado. Bukod kasi sa sexy si Iza, magaling pa siyang umarte. Masarap kasing magtrabaho kapag ang kapareha mo magaling na artista like Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bukod pa, isa si Iza sa maituturing kong showbiz crush ko," nangingiting pahayag ni Bodie.

"Bukod sa paggawa ng sexy indie films, willing na rin akong mag-pose ng sexy sa mga magazine, kaya naman puspusan ang ginagawa kong pagpapaganda ng katawan ngayon.

"Alam kong maraming matutuwa sa desisyon kong magpa-sexy, pero alam ko ring maraming magtataas ng kilay at magugulat sa akin. Pero kanya-kanyang diskarte at disisyon lang yan sa buhay at yun ang desisyon ko kaya sagot ko sarili ko.

"Basta positibo ang pananaw ko sa gagawin ko. Kung ano man ang kahinatnan ng pagpapasexy ko, tatanggapin ko 'yon ng buong puso at maluwag sa aking dibdib."

Bukod sa pagsabak nito sa pagpapa-sexy ay gusto rin daw mag-kontrabida ni Bodie sa mga shows na gagawin niya sa GMA-7 kung saan siya nakakontrata.

"Yun yung sabi ko sa kanila. Hindi ako naghahangad na magbida sa soap ng GMA-7. Mas gusto ko ang kontrabida role. Para sa akin kasi mas challenging ang role ng kontrabida.

"Mas gusto ko kasi na natsa-challenge ako at alam ko na sa pagkokontrabida ko lang yun makukuha. Bukod pa dun, naniniwala ako na pag kontrabida ka, hindi ka mawawalan ng projects dahil laging kailangan ng kontrabida sa show," ang sabi ni Bodie.

"Pero kung susuwertehen at mabigyan nila ako ng bida role, ipagpapasalamat ko 'yan sa kanila. Kasi sino ba namang artista ang ayaw na masubukang magbida sa sarili niyang projects?

"Pero sa ngayon kung ano ang dumating sa akin, tatanggapin ko basta ang mahalaga, may trabaho. Gusto ko kasi lagi akong busy, lagi akong may trabaho," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN