Jace Flores to go topless in Best Men, a show which offers manly advice

IMAGE 0


"When I started na with Best Men, I started working out again. Balik ako sa diet ko. Summer na kasi and may mga pagkakataon na we have to shoot sa beach or minsan kailangan shirtless tayo. I want to look really good," Jace Flores says.



Masuwerte ang former castaway ng kauna-unahang Survivor Philippines na si Jace Flores dahil hindi siya nawawalan ng trabaho sa telebisyon. Tulad nga ngayon ay may programa siya sa GMA News TV na Best Men at kasama rin siya sa top-rating afternoon drama series na My Lover, My Wife.

Nasabi nga namin kay Jace na iilan na lang sa ka-batch niya from the first Survivor Philippines ang active pa rin sa TV tulad ni JC Tiuseco (who will soon be seen as one of Jackie Rice's leading men in Sisid), Kiko Rustia (na naghu-host ng Born To Be Wild), Rob Sy (na kontrabida sa ilang drama series) at Patani Dano (na lumabas at nagge-guest sa ilang shows ng GMA-7).

Very thankful nga si Jace dahil nagtuluy-tuloy ang trabaho niya sa GMA-7.

"Siguro kanya-kanyang suwerte lang 'yan. If something is meant for you, mangyayari at mangyayari 'yon," ngiti pa ni Jace.

"Yung iba namang ka-batch namin, iba naman ang pinagkaabalahan nila. Like si Nanay Zita [Ortiga], she has her own laundry shop. Si Marlon [Carmen], he has his own restaurant business naman. Si Vern [Domingo], I heard she's in another country teaching taekwando. Si Charisse [Yacapin], I think she's still working for Smart. And si John [Lopez], he's still modeling and he has his own business.

"So kanya-kanya naman kami ng field and it just so happens na kami nila JC, Kiko, Rob and Patani, nagtagal kami sa showbiz.

"I'm very thankful sa GMA Artist Center because ever since na nag-sign up ako with them, hindi ako nawalan ng projects. Hindi lang sa entertainment TV ang work ko kundi pati sa news and public affairs ng GMA-7. I'm not just working as an actor but also as a TV host.

Kaya it's something na I am grateful for and I am working hard for it. Ayoko namang mabigo sila since magaganda ang mga projects na binibigay nila sa akin parati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging part na nga si Jace ng mga drama series na Luna Mystika, Kung Aaagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Obra, The Last Prince at pinaka-latest nga ay My Lover, My Wife.

Naging host nga si Jace ng show na True Stories noon sa QTV Channel 11.

ADVICE TO MEN. Ngayon ay isa siya sa host ng Best Men ng GMA News TV kunsaan kasama niya sila Jun Veneracion at RJ Ledesma. The three hosts give practical advice to men on various topics: relationships, family, friends, sports, fashion, even house chores.

"It's a fun show that deals with men in general. Mostly kasi ang mga shows ngayon, they deal with women. Ito naman para sa mga lalake and what we do and how we deal with things in our everyday life," paliwanag ni Jace.

"We want to break the myth that men don't care, that we take things for granted... In the show, we make fun of every situation a man goes through. And it's up to us to make that situation a good thing for every man out there."

Isa nga si Jace sa may maipagmamalaking katawan. Noong Survivor Philippines pa lang, marami na ang gustong makita siya sa mga sexy pictorials. Marami nga daw offer sa kanya para gumawa ng mga sexy underwear pictorials. Nagkakataon lang daw na wala sa porma ang katawan niya kaya hindi niya ito matanggap.

"Medyo out of shape tayo ngayon dahil sa sunud-sunod na work natin. Yung katawan ko noong Survivor Philippines ay medyo mahirap nang maulit ngayon. Kailangan kasi tutok lang tayo sa pag-workout. And may kasamang diet iyon.

"E sa mga ginagawa ko ngayon, napupuyat tayo, napapakain ng marami. Tapos no time to really workout parati. Kaya medyo nawala ang abs ko," aniya.

"But when I started na with Best Men, I started working out again. Balik ako sa diet ko. Summer na kasi and may mga pagkakataon na we have to shoot sa beach or minsan kailangan shirtless tayo. I want to look really good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon kung okey na ako physically, that's when I can do some sexy photo shoots. Abangan na lang nila kung kelan ko yun gagawin," pahayag pa ni Jace.

LOVE LIFE. Sa personal life naman ni Jace ay masaya at inspired ito dahil sa girlfriend niyang si Katrina Puno. Ilang months pa lang daw ang relationship nila pero sobra ang suporta sa kanya ng kanyang girlfriend.

"I've been in a few relationships before. But this one with Katrina is very different," diin niya.

"Walang matinding pressure because she understands my work. Kahit na may times na we don't get to see one another parati, yung hanggang tawag lang sa phone or text messages lang, hindi siya nagde-demand ng kung anu-ano. She knows na kapag wala akong time for her, it's because I'm working.

"Kapag may time naman ako, I really spend it with her. I'm not the party guy anymore. Tapos na tayo diyan. I would rather spend a quiet evening with my girl rather than get drunk in some bar with strangers."

Nabalita ngang malapit na nga raw silang ikasal.

"That's not true. May nagtanong nga sa akin niyan dati kung kelan daw ang date ng pagpapakasal ko? Natawa lang ako because I haven't even proposed [to her.]

"Ilang months pa lang kami ni Katrina and it will be too early to even think of getting married. Hindi naman sa ayoko pa pero marami pa kaming gustong gawin sa buhay. There are things you can do while you're single na hindi mo na magagawa when you're married.

"Tsaka hindi pa ako prepared for married life. Financially and mentally ay hindi pa ako handa. Emotionally, I can say yes. Pero ang pag-aasawa ay hindi naman based on emotions lang. Marami kang dapat na iku-consider pa."

Kelan sa tingin ni Jace ang tamang panahon para mag-asawa siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can't tell right now. Pero kung sa edad, gusto ko when I'm like 28 years old, may sarili na akong family. I don't want to be too old kapag may mga anak na ako. I want to grow up with them and be able to do things with them.

"Kaya nga habang marami tayong trabaho, ipon lang ng ipon for the future. If my goal is to have my own family by age 28, I should be thinking about it now and do my best para maging ready na tayo for that," pagtatapos pa ni Jace Flores.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN