Actor John Apacible killed in shooting incident

IMAGE 0


Model turned actor John Apacible was shot dead in a shooting incident that happened around 3 a.m. today, March 20, in Cainta, Rizal. John was reportedly shot by his uncle.


Dalawang tama ng bala sa dibdib ang kumitil sa buhay ng aktor na si John Apacible—o Enrique Rustia Apacible sa tunay na buhay. Namatay si John sa edad na 38.

Nangyari ang insidente kaninang alas-tres ng madaling-araw, March 20, sa Primerose Street, Greenland Subdivision, Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Ang 61-year-old uncle ni John na si Armando Rustia ang suspect sa pagpatay sa kanya. Sa initial investigation ng Cainta Police, naganap ang pamamaril sa aktor habang umiinom sila ng alak ng kanyang mga kasama.

Dead on arrival si John nang isugod siya sa Metro Rizal Doctors Hospital sa Cainta, Rizal.

Nagsimula ang acting career ni John noong 1996. Kabilang siya sa mga model na ipinakilala sa pelikulang Nights of Serafina ng Regal Films.

Nalinya si John sa paggawa ng mga sexy movie gaya ng Phone Sex bilang leading man ni Ara Mina. Lumabas din siya sa mga TV series ng GMA-7 at ABS-CBN.

Napapanood si John bilang Lt. Col. Santiago sa Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN.

Nakaburol ang labi ni John Apacible sa kanilang tahanan sa 26 Primrose St. Phase 1 Greenland Executive Village, Cainta, Rizal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN