A star-studded Sangyaw Festival in Tacloban City!

IMAGE 0


On June 28, Tacloban City held its annual Sangyaw Festival, which was organized by Mayor Alfred Romualdez (middle), together with his wife Cristina Gonzalez (right)—who's also a city councilor and the committee head on tourism. Beside the couple was Senator Bongbong Marcos, whose mom—former First Lady Imelda Romualdez Marcos—spearheaded the very first celebration of Sangyaw.


Masaya at makulay ang parada ng Sangyaw Festival sa Tacloban City nitong June 29, 2011.

Dinaluhan ito ng iba't ibang barangay, paaralan, kasama rin ang iba't ibang lugar sa Leyte at Samar, at siyempre, mga artista.

Ang naturang Fiesta ay pangatlong taon nang sine-celebrate. Naibalik lang ito noong taong 2009, noong nagging aktibong muli sa politika ang dating First Lady Imelda Romualdez Marcos, na siyang nagpasimula nito.

Ngayon, ang punong abala sa selebrasyon ay si Mayor Alfred Romualdez at ng kanyang maybahay na si Councilor Cristina Gonzales Romualdez.

Sa bungad ng mahabang parada—na nagsimula ng ala una at natapos ng alas singko ng hapon—ay namataan naming ang Mayor at ang kanyang mga opisyales, kasama si Senator Bongbong Marcos.

Siyempre, hindi mawawala ang partisipasyon ng mga artista, kung saan maraming kinikilig at naghiyawan nung dumaan ang float ng Captain Barbel na pinangunahan nina Richard Guttierrez, Michelle Madrigal, Ervic Vejandre, at Tj Trinidad. Sayang, hindi nakasama sa parade itong si Jillian Ward, na inumaga ng taping sa Maynila.

PRE-EVENT. Bago nangyari ang parada, nagkaroon ng concert ang Toto lead vocalist na si Bobby Kimball sa Tacloban Convention Center or Astrodome noong June 28.

Puno ang venue, kung saan hinintay si Kimball at ang Zoo, na naging back-up band niya. Nagsimulang mag-enjoy ang audience noong kinanta nito ang " Jump" ng Van Halen at ang "Come Together" ng Beatles.

Ilan pa sa mga kanta ng inawit niya noong gabing iyon: "99," "I' Wont Hold You Back," "Stairway To Heaven," "Hold The Line," " Africa," at ang duet nila ni Kring Kring na "Twist & Shout"—na pinalakpakan ng mga tao.

Sa finale, inawit nito ang "Rossana," na in-enjoy ng Mayor, ni Senator Bongbong, at ang congressman ng 2nd district ng Leyte na si Ferdinand Martin Romualdez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN