Heart Evangelista's family considering filing a case after their ancestral house was razed by fire

IMAGE 0


Actress Heart Evangelista finally talks about the fire that razed their ancestral home in Carmona, Cavite, last March 19. Their family suspects the fire started from a neighbor.


Malungkot na balita ang pagkasunog ng ancestral house nina Heart Evangelista sa Carmona, Cavite, noong Sabado, March 19.

Pero umiral pa rin ang pagiging professional ng aktres dahil nasa Bacolod siya nung time na nangyari ito para sa Kapuso mall show ng pinagbibidahan niyang telefantasya sa GMA-7, ang Dwarfina.

Kahit nakarating na sa kanya ang balita ay nakuha pa rin niyang isantabi ang pangamba nang tumuntong siya sa stage para mag-perform for her fans. Tinapos nga niya ang kanyang trabaho bago siya sumugod sa Cavite para damayan ang kanyang pamilya.

Dito na nga siya naging emosyonal habang kausap ang kanyang ina sa cell phone.

Sinubukan ng ilang showbiz talk shows na kunin ang pahayag ni Heart tungkol sa pangyayaring ito, pero tumanggi muna siyang magsalita.

Nagpadala lang ng official statement ang ina at manager ni Heart na si Mrs. Cecilia Ongpauco sa Showbiz Central noong Linggo, March 20, kung saan nakasaad na:

"Thanks to all the loyal fans of Heart for their unfailing support in these trying times. We are proud that Heart was able to show how, despite what happened, she could still be professional enough to finish her work while our home was on fire."

DADDY IS SAFE. Hanggang sa magpaunlak na ng interview si Heart sa Tweetbiz Insiders ng GMA News TV Channel 11, na napanood noong Lunes at Martes ng gabi, March 21 and 22. Dito nga ay idinetalye ng aktres ang trahedyang hinaharap nila.

Ibinahagi niya rin ang plano nilang aksyon kaugnay nito.

Ayon kay Heart, posibleng ang pagsisiga ng kapitbahay nila ang naging dahilan ng sunog. Matagal na raw kasi nilang sinasabihan ito.

"Well, kasi for the longest time, yung bahay doon sa harapan ng house namin, talagang nagsisiga parati. Unfortunately, this time, umabot na siya... yung parts ng fire lumipad sa loob ng bahay namin," sabi ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti na lang daw at nakaligtas ang daddy niya na naroon nung maganap ang sunog.

Kuwento ng aktres, "At that time, my dad was in the shower. Yung mga yaya, kinatok siya. Sabi nila, 'Sir, may apoy!' Paglabas ng daddy ko, sobrang laki na ng apoy, almost hindi na siya makababa sa stairs kasi nandun na yung apoy."

Pero humanga raw si Heart sa daddy niya dahil nagawa raw nitong iligtas ang 12 nilang mga aso.

"Naisip nga niya yung mga aso namin. Hindi na niya kinuha yung mga gamit niya."

Kasama raw sa nasunog ang koleksiyon nila ng mga mamahaling alahas at bags. Pero ang mahalaga raw ay walang nasaktan sa sunog, lalo na ang daddy niya.

"Everything is gone. Although in a way, even if it's all gone, madali lang naman yun, e, dahil siyempre bagay lang naman yun, e. Kaya namang bumili ulit.

"Siyempre minsan nakakalungkot, kasi yung mga pictures namin, nandun. Pero buhay ang daddy namin, buhay ang mommy namin. Walang nasaktan, kaya okay na rin siguro yun," sabi ni Heart.

LEGAL ACTION. Bagamat tanggap na raw nila Heart ang nangyari, hindi naman daw nila puwedeng palagpasin ito ng ganun na lang. Plano nga ng pamilya niya ngayon na paimbestigahan ang nangyari at gumawa ng legal action para panagutin ang maysala.

"I don't know if I [can] reveal this but it's a pretty big [case]. Although, kasi sa amin naman yung buong lupa na yun," sabi ni Heart.

Isa pa raw na hinaharap nila ngayon ay ang naging epekto ng trahedyang ito sa daddy niya.

"Kung minsan, may biglang naaalala siyang, 'Uy, naku, yung ano nakalimutan ko.' Yung ganun. Nakaka-awa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN