Mikael Daez: Meet Marian Rivera's new leading man

IMAGE 0


"Like I always tell people, she's been so supportive and helpful. Sinasabi niya, what I should look out for, how should I act, yung mga gano'n. So, I'm really thankful that, you know, she's been helping me out," says Mikael Daez about Bampirella and Amaya leading lady Marian Rivera.


Matagal pinag-usapan at inabangan kung sino ang magiging leading men ni Marian Rivera sa epicserye ng GMA-7 na Amaya. Nagpatawag pa nga ng audition ang Kapuso network noong isang taon para rito.

At noon ngang Pebrero ay inanunsiyo ng GMA-7 na ang model na si Mikael Daez ang napili nila sa dami ng nag-audition para gumanap bilang isa sa leading men ni Marian.

Ang isa pa ay ang award-winning actor na si Sid Lucero, na nakumbinsing lumipat sa Kapuso network pagkatapos ng sunud-sunod niyang shows sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Pero bago ang Amaya, na nakatakdang ipalabas simula sa May 9, mapapanood muna sina Marian at Mikael sa Bampirella, ang unang episode sa weekly horror-comedy series na Spooky Stories.

Sa presscon ng Bampirella noong Lunes ng gabi, March 21, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mikael.

RELUCTANT ACTOR? Si Mikael ay nagtapos ng kursong Business Management sa Ateneo de Manila University noong 2010. He turned 23 years old last January 6.

Dahil nga nakatapos naman siya ng pag-aaral, sa palagay ba ni Mikael ay magagamit niya ang kanyang pinag-aralan ngayong pumasok na siya sa showbiz?

"Of course, marami akong kilalang artista na maraming side businesses. Eventually, in the future, gusto ko ring magkaroon ng sariling business. So, sigurado ako na I would put my education to good use in the future," sagot ng model turned actor.

Talaga bang gusto niyang mag-artista noon pa?

"Well, I was very reluctant at first, I admit. Kasi, you know, in my family, wala namang showbiz, lahat sila business lang. So, at first, it was a very alien industry to me. Wala akong masyadong alam.

"Pero eventually, I got to know people, I got to know the environment, yung atmosphere, and nagustuhan ko siya. Right now, nag-e-enjoy ako. I'm having a lot of fun, I'm learning so much, and acting has become an interesting craft for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong pinasok na niya ang showbiz, handa na ba siya sa mga intrigang darating sa kanya? Paano niya iha-handle ang mga isyung ipupukol sa kanya?

"Just go with the flow," sambit ni Mikael. "I don't know naman what to expect. So whatever happens na lang, you just deal with it the best possible way and don't react negatively.

"Of course, you have to be a bit more aware of what you do kasi you're in the spotlight na. So I just take it into consideration."

Ano naman ang naging reaksiyon ng pamilya niya sa kanyang pagpasok sa showbiz?

"Well, like I said, we don't know much about showbiz, kasi lahat kami [nasa business]. But eventually, they became supportive. At first, they were like, 'Uy, Mikael, what happens ba?' As in, wala kaming masyadong alam, kung paano ba yung taping, ano ba ang nangyayari...

"Tapos 'yon, slowly, kinukuwentuhan ko sila lagi. Lagi ko silang kinukuwentuhan. I talk to my mom, my brothers and sisters... Kuwentuhan lang, parang it's just like any other job," sabi ni Mikael.

Si Mikael ay pangalawa sa walong magkakapatid. Halos sunud-sunod daw silang ipinanganak na magkakapatid, na ang pinakabata ay 11 years old.

Pumanaw ang ama ni Mikael seven years ago dahil sa isang car accident.

AMAYA AUDITION. Paano siya nakumbinsi na mag-audition sa Amaya?

"At that time, nagko-commercials lang ako and fashion shows. I think sinabi lang sa akin ni Jonas [Gaffud], my manager, 'O, Mik, may audition ka yata. You want to try it out?' Tapos, sabi ko, 'Ha, anong mangyayari?' 'Wala lang, audition lang.'

"I think that's why I said yes. It was something new, I was not committing to anything naman. So, sabi ko, 'O sige, subukan ko 'to.' So 'yon, I think that's how it started," kuwento ni Mikael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ipinagawa sa kanya sa audition?

"Sa audition, nagulat nga ako, e. Pagpasok ko no'ng audition, sabi nila, 'Okay, costume change, costume change!' Sabi ko, 'Ha, costume change agad?' Kasi sanay ako sa VTR na you just say hi, say your name, costume change..."

Ano ang pinasuot sa kanya sa audition?

"Yung ano, tribal costume na. So, ako, gulat na gulat ako! And then, may script, pina-memorize na ako agad. Nagulat talaga ako! Sobrang nanibago ako, pero I just did it the best way that I could and thank God it worked out. Now, I'm here."

Kailan niya nalaman na siya ang napili sa audition?

"Actually, hindi ko maalala," sabi ni Mikael. "Pero, I think late last year, mga December yata, pinag-uusapan na yata. Hindi pa naman ako nakuha, pero that's when they started talking, sinabi ho nila na, 'It looks like your audition is looking good, they like it.' And then, eventually, na-confirm nga. Sabi ko, 'Wow, okay!'"

Gagampanan ni Mikael sa Amaya ang papel ng isang mandirigma.

MARIAN RIVERA. Sa audition ni Mikael sa Amaya noong October 2010 una niyang nakita si Marian Rivera, na gaganap sa pangunahing papel.

Kumusta sila ni Marian noong una silang nagkasama?

"She's very nice. The first time... Well, during the audition, I wasn't really able to talk to her," nakangiting pag-amin ng baguhang aktor.

Na-intimidate ba siya kay Marian?

"Sa audition, na-intimidate ako sa lahat, kasi baguhan talaga ako!" natatawa niyang sabi. "Pero the next time I met Marian... storycon na yata, or some sort of meeting. Tapos, when I met her, she started talking lang. She's very nice.

"Like I always tell people, she's been so supportive and so helpful. Sinasabi niya, what I should look out for, how should I act, yung mga gano'n. So, I'm really thankful that, you know, she's been helping me out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman kaila sa lahat na very much identified si Marian kay Dingdong Dantes, hindi lang bilang ka-loveteam nito kundi bilang kasintahan nito sa tunay na buhay.

Hindi ba ito nakaapekto kay Mikael bilang bagong kapareha ni Marian?

"Oh, well, sa totoo lang, I never really thought about it because, I mean, work is work. And I'm sure naman, other actors and actresses, may boyfriend-girlfriend sila, and then may loveteam sila, or may iba silang partner na male or female.

"So, me, I came into it, you know... Ang iniisip ko, 'Okay, this is work.' And Marian is so successful, she's a big star already. I'm sure it's not a problem. It never even crossed my mind, actually," sabi niya.

Magkakilala ba sila ni Dingdong?

"Well, we don't know each other... We're not like friends. But I think I met him once already. I think it was during taping," banggit ni Mikael tungkol sa kapwa niya Atenista.

May guest appearance din sa Bampirella si Dingdong, pero wala raw silang eksena na magkasama.

WORLD PREMIERE. Bukod sa Bampirella at Amaya, mapapanood din si Mikael sa travel show na World Premiere sa GMA News TV Channel 11 simula sa April 2.

"Basically, we cover Filipino films that join film festivals around the world. Kasi, especially now, ang daming pelikula and film directors and other Filipino talents who are, you know, exposed internationally. And that's what we want to show to the Filipino people," paglalarawan ni Mikael sa isa pa niyang show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN