Princess Snell and show promoter have word war over five thousand pesos

IMAGE 0


Ikinakalat umano ni Erika Lopez, isang show promoter ang isyung hindi sumisipot si Princess Snell sa kanyang commitments partikular na sa isang show sa Abra. "Totoo hindi ako sumipot sa show na iyon, pero sinabi ko sa kanya iyon three days before the show. Binigyan ko siya ng mga walong artista o anim na artista so bakit hindi... alam mo yun? Sa isang araw pa lang puwede ka ng kumuha ng ibang artista, ano'ng problema niya?" Princess says.


Nagpupuyos ang kalooban ni StarStruck Season 5 avenger Princess Snell sa isang show promoter na nagpakilala bilang Erika Lopez.

Ikinakalat umano ni Erika ang isyung hindi sumisipot si Princess sa kanyang commitments partikular na sa isang show sa Abra.

Inamin naman ito ni Princess in a taped interview sa kanya ng StarTalk TX.

"Totoo hindi ako sumipot sa show na iyon, pero sinabi ko sa kanya iyon three days before the show. Binigyan ko siya ng mga walong artista o anim na artista so bakit hindi... alam mo yun? Sa isang araw pa lang puwede ka ng kumuha ng ibang artista, ano'ng problema niya?

"Ngayon bakit kailangan niya akong siraan sa mga tao na hindi ako pumupunta sa show?"

Ayon naman kay Erika na nainterbyu rin ng StarTalk TX ...

"Nagbigay ako ng ten thousand [pesos] three weeks before the show. Last two minutes na niya akong sinabihan. Kumbaga flight na namin bukas, ngayon pa lang siya magpapaalam. Paano naman iyon?

"Na-receive niya ang ten thousand tapos hindi siya sisipot.

"Ang [nakasulat sa] tarpaulin, Princess Snell... ang expected ng mga tao is Princess Snell.

"Ayokong masira sa taong kausap ko, na parang kaibigan ko na yung mayor."

Ang isa pang isyung ibinato ng nasabing show promoter kay Princess ay ang hindi nito pagsasauli ng tinanggap na downpayment para sa nasabing show.

Nguni't ayon kay Princess...

"Actually nagbigay siya sa akin ng ten thousand pesos tapos may utang siya sa aking five thousand pesos. Matagal na yun, Diyos ko, StarStruck days ago pa yun!

"So siyempre inaasahan ko yung five thousand na ibalik niya sa akin, di ba? So siyempre nung hindi ako pumunta sa show, ibinalik ko sa kanya yung dinownpayment niya [minus] five thousand... kasi may five thousand siyang utang sa akin.

"Bakit niya papalakihin yung isyu? Tatawagan niya lahat ng tao na ako yung may utang sa kanya. Siya yung may utang sa akin!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sagot naman dito ni Erika...

"Yung sinasabi niyang utang ko nagka-misplace nung binayaran ko siya. Utang pero hindi yung, I mean, personal akong umutang sa kanya. Nagkapalit lang, accident kumbaga."

Binantaan pa raw si Princess na idedemanda ito.

"Hindi, meron akong lawyer kinonsulta ko muna sa kanya kung ano ang dapat gawin namin, sabi ng lawyer ko kausapin natin ng maayos," ang sabi ni Erika.

Ang pahayag naman ni Princess tungkol dito...

"Sabi idedemanda raw ako dahil sa five thousand, na kulang yung binigay ko ng limang linbo. Ano yun, five thousand, mas mahal pa yung five thousand sa abodgado, noh?! Tigilan nga nila ako!"

Sinabi naman ni Erika: "Kasi sa akin gusto ko lang mag-sorry sa akin si Princess pero wala siyang tinext sa akin, wala akong na-receive na message."

"Ayokong makipag-away sa kanya pero kung sisiraan niya ako, aba magsasalita rin ako," pahayag naman ni Princess.

Bilang pagtatapos, ito ang pahayag ni Erika...

"Ang mesaage ko [kay Princess] magbago ka na, huwag mong ulitin itong nangyari sa atin. Sabi ko kukunin pa naman kita, e.

"Pangako ko yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN