Ethel Booba attributes latest depression to her miscarriage; denies Romanian boyfriend is gay

IMAGE 0


"Napapansin lang ako na grabe akong magmahal, na luka-luka akong magmahal kasi ako 'to, e. Pero may mga iba pa sigurong tao na grabe pa sa akin. Actually, mabait pa ako nito, behave pa ako nito compared sa ibang mga kilala ko na parang tayo, kapag love na talaga, wala na," says Ethel Booba.


Ang controversial comedienne na si Ethel Booba ang sumalang sa "Straight From The Heart" segment ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz kahapon, March 20.

Siyempre pa, may kaugnayan sa pinakabagong kontrobersiya sa buhay ni Ethel ang pinag-usapan nila. Ito ay ang muntik nang pagkasunog ng condo unit niya dahil sa away nila ng kanyang Romanian boyfriend na si Marius Miria.

Itinanggi ni Ethel na sinadya niyang sunugin ang ilang mga kasangkapan sa loob ng condo unit niya sa Prince June Condominium sa Tomas Morato, Quezon City, noong March 11. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ano ba ang naglalaro sa isipan ng komedyana nung mga oras na 'yon?

"Sobrang depression, talaga," sagot niya. "Kasi, ibang problem ang nangyayari sa akin that time. Tapos, sobrang lasing na lasing ako na that time, uminom pa ako ng antibiotic na hindi pa dapat. Sobrang ang sama ng loob ko talaga, as in sa lahat."

MISCARRIAGE. Isa raw dahilan ng depression niya ay nang nakunan ang anim na buwang baby na dinadala niya.

Kuwento ni Ethel, "Two days kasi akong nasa bed lang. Tapos, biglang sumakit lang yung dito, yung nasa likod ko, and then masakit siya. So, natulog ako. And then, naramdaman ko noong first night, parang nagtsi-chill ako, parang kinukumbulsiyon ka, ganoon.

"Tapos, yung alam mo na nagugutom ako, pero hindi ako makatayo. Kinokombulsiyon talaga. Hindi ko na makuha yung blanket. Nandiyan lang sa paanan ko, hindi ko na makilos ang katawan ko."

Sino ang unang tinawagan ni Ethel?

"Yung isang phone ko, konti na lang ang battery, sobra. Akala ko nga mamamatay na ako noon, sobra. Wala akong mahingan ng tulong kasi mag-isa lang ako noon," sabi niya.

Ang kapatid niyang si Boobita at isang kaibigan daw niya ang nagdala sa kanya sa hospital.

Dahil sa paglilipat niya ng bahay, napilitan daw si Ethel na magbuhat ng mabibigat. Sinisisi ba ni Ethel ang sarili sa pagkakaroon niya ng miscarriage?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi naman talaga yun maano... Kasi, six months, di ba, dapat sobrang makapit na siya? Sanay na yung katawan ko na lagi akong nagbubuhat. Mas gusto ko na ako yung gumagawa.

"Mas ano yata... mas mabilis daw mawala ang baby kapag magulo ang isip mo, nadi-depress ka. Bawal daw yun sa buntis," sabi niya.

REJECTED AND NEGLECTED. Nasaan ang pamilya iya nnoong mga panahong yun?

"Hindi ko alam.... Yun yung ano, na hindi sila naniniwala."

Very painful daw yun for Ethel dahil maging mga kaibigan daw niya ay hindi naniniwalang buntis siya.

"Kahit nag-pregnancy test na ako sa harapan nila, parang hindi ko alam... Baka uminom lang daw ako ng mga fertility pills kaya nagpa-positive. Kasi nga, hindi lumalaki ang tiyan ko. Tapos, hindi ako masyadong kumakain."

Because she was all alone, Ethel felt "rejected and neglected."

"Pero napatawad ko na sila," sabi niya.

Ikinuwento rin ni Ethel ang araw na nakunan siya at nakita niya ang kanyang patay na sanggol—na pinangalanan niyang Angelo.

"Actually, hindi ako kasama noong piniktyuran... Noong nangyari yun, ako ang nagle-labor mag-isa. Parang yung mga napapanood mo sa pelikula na yung ang sakit-sakit. Ako ang naglabas sa kanya, e.

"Ako yung talagang mismong nag-ano... Sabi ko sa baby ko, 'O, ayan na.' Hawak ko, tapos ayaw ko siyang tingnan. Sabi ko nga sa sister ko, 'Ilayo mo siya sa akin.' Kaso, hindi pala siya malalayo dahil may pusod.

"Naano ko kasi konti na lang, magiging baby na siya. Hindi ko siya tiningnan. Tapos noong nasa hospital ako, piniktyuran nila. Hanggang ngayon, hindi ko tinitingnan sa cell phone ng sister ko."

Kinausap ba niya si Angelo?

"Sabi ko na lang, sobrang ano kasi, yung relationship namin ni Marius ngayon, simula nang makilala ko siya, ngayon lang ako sobrang naano, sobrang na-challenge doon sa lalaki. Na yung dating ginagawa ko sa ibang karelasyon ko, sobrang pinag-iisip ko sila kung sino talaga ako, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, eto, e, siya yung ganoon sa akin. So, naano ako, masama ang loob ko kay Marius that time. So, sinabi ko na lang, 'Siguro merong dahilan kaya hindi ka nabuhay. Nahihirapan ako sa feeling ng daddy mo.'"

HER BABY'S FATHER. Ayon kay Ethel, parang hindi rin daw happy ang ama ng anak niya nang malamang magkaka-baby nga sila.

"Parang hindi siya happy. Parang ano... Sabi niya nga, 'Piniktyuran mo ba during my miscarriage?' Sabi ng sister ko, 'Puwede ba yun?'

"Parang hindi ko lang din maintindihan ang pananaw niya. Kasi, magkaiba ang ano naman, religion and then taga-Romania siya, sobrang ibang-iba."

Si Marius ba talaga ang father ng baby niya?

"Walang iba, siya talaga ang father," sagot ni Ethel.

Pero aware ba si Ethel na marami ang nagdududa na si Marius nga ang ama ng anak niya?

"Siguro marami talagang ganyan, sa mga pregnant women. Sobrang marami ang nagdududa kahit ang tino naman na ng babae.

"E, ako nga, ganito ang hitsura ko, tapos yung mga time na nag-aaway kami palagi, naglalayas ako, e. So, hindi ko rin mawawala sa kanila, sa mga friends ko, dahil alam nilang palagi akong naglalayas.

"Pati siya, kasi nagkaroon yata siya ng girlfriend na six or seven years, hindi sila nagka-baby. So, okay lang na mag-doubt siya, pero alam ko," sabi niya.

Natawa naman si Ethel sa tanong ni Charlene kung bakla ba si Marius. Ang lumabas kasi sa reports ay nalaman daw kasi niyang bakla si Marius kaya sila nag-away.

"No, hindi siya bakla," sabi ng comedienne.

Naging close na raw kasi ni Marius ang mga friends niya kaya niya nasabing parang ganoon na rin ang ugali nito.

ETHEL IN LOVE. Marami ang nakakapansin na sobra kung ma-in love si Ethel. Ano ba ang hinanap niya sa isang lalaki and why does she always long to be loved and accepted?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napapansin lang ako na grabe akong magmahal, na luka-luka akong magmahal kasi ako 'to, e. Pero may mga iba pa sigurong tao na grabe pa sa akin. Actually, mabait pa ako nito, behave pa ako nito compared sa ibang mga kilala ko na parang tayo, kapag love na talaga, wala na."

Eleven years old pa lang daw si Ethel ay siya na ang nagha-hanapbuhay para sa kanyang pamilya. Inamin niyang kapag nagkakaroon siya ng relasyon, doon siya nakakakuha ng security sa buhay.

"Oo, si Marius kasi, para siyang sobrang istrikto. Parang nakita ko sa kanya yung parang father. Tinuturuan niya akong magtipid. Yung ganoon. Ang cute nga. Lahat pinakikialaman niya... nasabi ko nga na sana siya na nga."

Bakit niya nasabing ibang klase ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Marius?

"Iba. Kasi, kaya nga ako... Alam naman natin kapag mabubuntis tayo o hindi. Kaya ako desidido na ituloy yun kasi ready ako for him," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN