Jean Garcia happy she's not a victim of typecasting; she can play "kontrabida" or "api"

IMAGE 0


Ano ba ang mas nakakapagod na role na gampanan—ang madalas umiyak o madalas magalit? "Pareho... pareho lang 'yan. Minsan mas nakakapagod pa ang galit kasi, stressful 'yan. Kung puwedeng yung tulog lang, yung comatose," natatawang sabi ni Jean Garcia.


Masuwerte si Jean Garcia dahil hindi na siya na mata-typecast o isang klase lang na character.

Tulad sa afternoon soap ng GMA-7 na Alakdana, nakakaawa ang character na ginagampanan niya bilang ina ng bidang si Louise delos Reyes. Hindi siya galit tulad ng past role niya; panay nga ang iyak ni Jean dito.

Ang tanong nga kay Jean ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kasama ng ibang entertainment press sa taping ng Alakdana noong Huwebes, March 17, ay kung ano ang mas nakakapagod na gampanan na roleā€”ang madalas umiyak or madalas magalit?

Aniya, "Pareho... pareho lang 'yan. Minsan mas nakakapagod pa ang galit kasi, stressful 'yan. Kung puwedeng yung tulog lang, yung comatose," natatawa niyang sabi.

"Pero sabi nga, walang madaling trabaho. Hamo na... basta kumikita, 'di ba?"

Masaya naman si Jean dahil halos lahat naman daw ng mga seryeng nakakasama siya ay nagri-rate.

"Oo nga, nakakatuwa, mabait ang Diyos."

Kung si Jean daw ang tatanungin, isa raw ang Alakdana sa favorite shows na nagawa niya.

"Magaan dalhin. Swak lahat, from the director down to utility. Magaan, walang umaarte. Everyone's on-time. Even the A.P., the E.P. [Sa iba], kunwari ang call time ng artista 8:00 ng umaga, minsan, hindi naman ako magbabanggit, pero minsan, nauuna pa ang mga artista sa staff.

"'Eto hindi, kung iisipin mo, noong ginawa namin ito, hawak pa nila ang Bantatay, so everyday silang nagta-trabaho, di ba? Pero, hindi nila na-take for granted ang show na ito. Tapos si Mac Alejandre, masaya siyang kasama sa set at masaya rin siya sa set namin. So, ang gaan lang talaga, para kaming naglalaro.

"Tapos lahat kami, looking forward every time may taping. Kapag wala kaming taping, parang, bakit wala akong taping, nami-miss ko sila. Usually isang tent lang kami, walang nagpapa-ano na, naku, ang sikip, isa pang tent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last month ay nanakawan si Jean sa mismong taping nila ng Alakdana. Nagpapasalamat na lang din ang aktres na isang bag lang naman daw ang nakuha sa kanya at ilang gamit na nakapaloob dito.

Ayon nga sa kuwento niya, "Isang bag lang naman, so, 'yung bag, tapos may mga gamit. Yun ang bag ko na pang-emergency ba, yung bigla kang babasain or mag-o-overnight. Yun nga lang, ang P.A. ko, parang nag-withdraw siya ng pera, ipapadala niya sa probinsiya, nilagay niya sa loob ng bag, may P10,000 siya, yun, nakuha yun.

"Sa set kasi namin nangyari yun, sa bahay sa Marikina. Ang masama lang kasi, hindi binasag ang salamin, pero, binutas nila, meron talaga silang cutter ng salamin, ang tawag diamond-cutter. Walang makakakita kasi, pader ang nasa side. Ang lakas ng loob kasi, tanghaling tapat."

Dugtong pa niya, "Pero sabi nga ng pulis na nag-investigate, mabuti na rin daw na walang nakakakita. Kasi, naka-kotse, baka raw magkaroon ng putukan. Pero sinasabi nga nila, baka raw... kasi, regular taping day namin, once-a-week doon kami nagti-taping. Okay na rin, at least, walang nasaktan."

LOVE LIFE. Open naman si Jean pagdating sa kanyang love life. Pero sa ngayon daw, wala raw siyang ka-relasyon.

"Date-date lang, pero walang commitment. Yun lang, chika-chika lang. Sa edad kong ito, huwag nang mag-commit. Unless worth it, di ba? Basta worth it, okay lang."

Ang ikalawang anak ni Jean ay anak niya sa dating ka-relasyon na Japanese. Pero wala raw siyang direct contact dito na siya mismo ang tatawag or mangangamusta kaya hindi rin niya masagot kung okay lang ba ito after the earthquake and tsunami in Japan.

"Hindi ko kasi siya makontak. Kasi usually, siya ang tumatawag sa amin, nangangamusta kapag may okasyon. Birthday ng anak ko, ganyan... pero ako wala akong direct contact sa kanya. At saka, dead lahat ng communication.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I have a friend na umuwi. Umuwi rito, pero, malayo sila doon."

Dagdag pa niya, "Nag-worry rin ako. Pero, wala naman tayong magagawa except magdasal. Biro mo, ang Japan mayaman na country pa 'yan and they are used to earthquakes because three times a day nag-e-earthquake sa kanila."

Nag-worry ba ang bunso niyang anak?

"Actually, si Jenica [Garcia] ang nag-ano na, si Daddy Koji, ganyan-ganyan. Kaso, dead lahat ng phone lines."

Sa Tokyo, Japan daw naka-base ang ama ng bunsong anak niya.

Dugtong pa niya, "Actually, na-stressed kami. Hindi ka ba naman ma-i-stress sa mga news? Like sa CNN, makikita mo what's happening. Ang pinaka-description ko nga ro'n, dahil top shot, para siyang basura lang dito sa kanal natin na hinahampas-hampas lang tubig. E, mga kotse yun, bahay.

"Tapos heto, first world country 'yun, wala silang magawa. May fire, hindi nila ma-contain ang fire."

In her opinion, ano ang nakikita niyang dahilan ng mga nangyayaring kalamidad ngayon?

"Oh well, kailangan nating magdasal. Sinisira natin ang kalikasan. We have to take good care."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN