John Apacible's mentors in the fashion world remember the late actor

IMAGE 0


Fashion designer Gener Gozum (inset, top) and fashion director Bobbit Patag (inset, bottom) "discovered" John Apacible (main photo) when he started his modelling career back in 1992. The two share with PEP their fondest memories about their "alaga."


Sa ikalawang gabi, March 21, ng lamay ng yumaong aktor na si John Apacible sa kanilang tahanan sa Greenland Executive Village, Cainta Rizal, hindi lamang ang live-in partner nitong si Anna Leah Javier ang nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kundi pati na rin ang ilang malalapit nitong mga kaibigan.

Bago sumabak sa pag-aartista si John ay naging professional print, ramp, and commerical model muna siya. Nakausap namin ang dalawang tao sa fashion industry na pinaka-nakakakilala sa pagsisimula ni John bilang modelo bago pa man siya pumasok sa local show business almost 20 years ago.

Si Bobbit Patag, isang batikang fashion director at PR man ng ilang corporate companies, at si Gener Gozum, isang veteran fashion designer na very close family friend ng mga Apacible, at tubong-Taytay, Rizal ang mga "naka-discover" kay John sa mundo ng fashion.

FASHION MODEL. Ano ba ang fondest memories nila kay John?

"Of course, ang very first project niya ay sa akin," pagbabalik-tanaw ni Direk Bobbit. "It was an editorial fashion shoot. Mga 1992. For Celia Umali fashion show yun. Then, fashion shows na."

Hirit naman ni Gener, na katabi lang sa usapan naming yun with Direk Bobbit: "Sa akin talaga siya nagsimula ng lahat..."

Paano ba nagsimula si John sa mundo ng fashion?

"Sa akin muna, Mama [Gener]," pagpapa-alala ni Direk Bobbit sa kaibigan. "Pinuntahan mo si Roderick [kuya ni John], ipinakilala mo siya sa akin. Nakita nating nagsu-swimming sila sa kanilang club house dito mismo sa Greenland.

"Pagkatapos noon, kinabukasan, sabi ko, 'Mama, kukunin ko si John for pictorial, ha.' Ayun, nagpi-pictorial na for Celia Umali the following day.

"Pinakilala ni Mama Gener si John sa akin, kasi nga, kapatid ni Roderick... Nung pinuntahan namin si Roderick sa club house, nagsu-swimming ang John."

"Pero sa akin nagsimula ang lahat," pabirong pagke-claim naman ni Gener. "Yung sa kanya [Bobbit], para sa kanya yun. Pero sa akin talaga nagsimula ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very close family friend nga kasi ng mga Apacible si Gener, kung kaya't dati na niyang nakikita si John, as early as "bagets" days nito.

Paano nagka-idea si John ng modeling?

"Ang una muna, modeling talaga, saka pa lang nag-krus sa pag-aartista," sabi ni Gener. "Pero bago mag-model, nakikitaan ko na siya ng potential. Meron talaga, e. Mga 15-16 years old siya noon, as early as high school... Parang yung anak niya ngayong si John."

Sumasali na ba si John sa mga modeling contest noon?

"Wala pa, hindi pa uso ang mga gano'ng eksena. Parang di pa uso masyado ang mga male contest noon, e," sagot ni Gener.

Since si Gener ang nagpakilala kay Bobbit kay John, at si Bobbit naman ang nagsimulang bigyan ng trabaho ito as a fashion model, masasabi ba ni Bobbit na si Gener ang tumatayong "discoverer" nito sa fashion industry?

"Something like that," pagsang-ayon ni Bobbit. "Kasi, nung mga panahon na yun, e, wala namang discovery-discovery na gano'n, e. Basta, ang drama lang, go lang, sama lang! Gano'n lang talaga ang drama.

"Hindi tulad ngayon na talagang inaakit mo siya, 'Ako ang discoverer mo!' Ang panahon ngayon, iba na, e. Pero sa pag-aartista, iba na yun."

REMEMBERING JOHN. Going back to Direk Bobbit, ano naman ang mga memories niya kay John, the fact na sa kanya ito nagsimula as model?

"Madami, madami... Ang daming projects niyan. Nakita mo naman, di ba? Panay mall events ako diyan. Lagi siyang kasama sa lahat.

"Yung very first fashion editorial shoot namin, sa Intramuros, ke Celia Umali nga, mga wedding gown and barong. Kasama niya noon si Michelle Bautista at Alma Concepcion... The instrument was, of course, Gener Gozum. He paved the way na makilala ko si John.

"Ang unang pictorial niya was for WQ Magazine. Wala pang Chic Magazine noon. Kasama rin si Michelle Carballo, Pebbles de Asis..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung 1996 nagsimulang mag-artista si John, at 1992 nag-start magmodelo, mga four years din muna itong nag-modelo kay Bobbit, at sa iba pang fashion director and designers.

Sabi ni Bobbit, "Matagal talaga siya sa akin, at saka kahit nga nung nag-aartista na siya, gumagawa pa rin siya ng fashion shows sa akin... Kasama siya sa Heaven Eleven fashion series ko, e. Sampung taon yun! Ten years yun, e. Kasama siya sa lahat noon, sa SM Supermalls, yearly yun. Parang 1992 to 2002, basta one decade yun."

Wala bang naging sakit ng ulo si Direk Bobbit sa namayapang 38-year-old model-turned-actor?

"Never," sagot niya. "Very professional 'yan. Sila ni Tyrone, sila magkakasabay. Kasabayan niya rin sina Alvin Degamo, Alvin Santillan, si Ron de Castro..."

Ang Tyrone na binanggit ni Direk Bobbit ay si Tyrone Suarez, model-turned-actor din na kasama ni John sa first movie nilang Nights of Serafina. Yumao na rin si Tyrone last year dahil sa cancer.

Paano naman mai-de-describe ni Gener si John?

"Ang hindi alam ng tao, si John ay very, very sweet talaga," sagot nito. "Napaka-sweet ni John. Napakalambing. As in, talagang very thoughtful ang dating niya. Talagang lahat ng klase ng makikita mong hindi ginagawa ng oridinaryong lalaki... Kasi 'yan, tunay na tunay na lalaki. Talagang nasa kanya yun.

"Sasabihin niyan, 'O, mama, ano ba? Ano na?' Ganyan... Hihimas-himasin ka niyan, wala ka namang relasyon sa kanya. Yung tipong gano'n. Something like that. Napaka-sweet talaga. Napakalambing talaga... Yun ay kapag hindi siya nakainom."

Nag-iiba na siya kapag nakainom?

"Medyo wild siya kapag medyo nakainom 'yan," pag-amin ni Gener. "Kahit noon pa, nakikita ko na sa kanya yun. Maski sa bahay, pag nag-iinom 'yan, parati kong sinasabi, 'O, tama na yung ganyan, ha. Kasi nga, ayoko ng gano'n.

"Basta yun lang ang masasabi ko sa kanya."

As for Bobbit naman?

"Ganoon din, mabait. Napakabait. At hindi lamang sa co-talents o models niya. Wala akong naririnig na nag-complain, never. Wala talaga. Very professional. Kahit na sa backstage, kasundo niya lahat ng staff ko, e. Walang attitude problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang biggest project na nabigay ko sa kanya, yung pictorial sa Ever Department Store. Print ad model siya ng Ever. Ang kasabay pa niyang nag-print ad model sa akin for that ay si Hayden Kho! Summer print ng Ever Department Store," pag-alala ng fashion director.

SHOCKING NEWS. Kung kaya't malaking pagkabigla raw para sa dalawa ang kamatayan ng kanilang "alaga."

"Kabigla-bigla naman talaga... Hindi ko talaga ine-expect," saad ni Gener. "Yung mga gano'ng scene [pagbaril ng tiyuhin sa kanya], hindi ko ine-expect. Pero marami nang incidents na parang related doon kay John na nangyayari, na parang gano'n ang dating.

"Kaya parang alam ko yung gano'ng scenario. Si John, malimit kasi yung gano'n, e. Yung parating nai-involve sa gano'n. Iba kasi talaga siya kapag nakainom, e.

"At hindi ko rin talaga inaasahan na ang uncle ang kikitil ng buhay niya. Wala namang... Talagang magugulat ka. Hindi ko inaasahan talagang gano'n... Wala! Na ang kanyang katapusan ay gano'n pala.

"Kasi, si John, pareho ng pagkamatay ng father niya."

Ano ang kinamatay ng father niya?

"Ang father niya ay nabaril din. Pulis ang bumaril. Parehong-pareho niya," rebelasyon ni Gener at hindi na ito nag-elaborate pa.

Napag-alaman ng PEP na namatay ang ama ni John, na isang pulis, noong 13 years old pa lang ang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN