(UPDATED) Kris Aquino's The Price is Right to change airing schedule

IMAGE 0


Kris Aquino has hosted several game shows before The Price is Right, including the highly successful Kapamilya Deal or No Deal, Game KNB?, and Pinoy Bingo Night.


Mawawala na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang The Price is Right ni Kris Aquino.

Ang balitang ito ay galing sa isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, March 24.

Simula pa lang ng linggong ito, umiikot na ang usap-usapan na ang Monday to Friday game show hosted by the Queen of All Media, na napapanood bago mag-TV Patrol, ay magiging once a week na lang.

Ang sinasabi umanong dahilan: poor ratings.

Noong February 5—o pitong linggo lang ang nakakaraan—nang ito'y nag-premiere.

Ngunit ayon sa March 17-21 ratings results ng Kantar Media-TNS National Household, nagtamo ito ng average na 14.93% viewership, na mas mababa kumpara sa 19.26% ng Magic Palayok, na pinangungunahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, sa GMA-7.

Samantala, ayon naman sa March 18-21 data ng AGB Mega Manila People Ratings, nagkaroon ang The Price is Right ng average na 4.55%, habang ang Magic Palayok ay nakakuha ng 9.85%.

Ayon pa sa source, "nagalit" si Kris nang ipaalam sa kanya ang pagbabago sa timeslot ng kanyang show. Hindi raw ito makapaniwala, at gusto raw nitong malaman kung bakit naging ganoon ang desisyon ng management.

Ngayong gabi, nang usisain ng PEP ang PR director ng ABS-CBN na si Kane Choa, nilinaw nitong hindi tuluyang mawawala sa ere ang The Price is Right. Lilipat nga lang daw ito ng Sabado.

Tulad din ng sinabi ng PEP source, sinabi ng PR director na ang remake ng Mula sa Puso ang papalit sa weekday primetime schedule ng game show.

Ang Mula sa Puso ay pinangungunahan ng young stars na sina Lauren Young, JM de Guzman, at Enrique Gil, at mga senior stars na sina Dawn Zulueta, Eula Valdes, at Ariel Rivera.

Ito ang buong pahayag ni Kane, na ipinadala kay Rommel Llanes, ang associate editor ng PEP, sa pamamagitan ng text message:

"Price Is Right will now air on Saturdays starting April to better serve the majority of its viewers. Its original weekday schedule will be taken over by Mula sa Puso starting March 28, Monday, before TV Patrol. -- Bong Osorio, Head of ABS-CBN Corp. Comm."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Kris tungkol sa reaksiyon niya sa desisyon ng management. Nilinaw naman ng isang taong malapit sa kanya, "I'm sure hindi siya nagalit."

Bukas ang PEP para sa anumang pahayag ni Kris.

Bago ang The Price is Right, naging host na si Kris ng ilang game shows, tulad ng Game KNB?, Kapamilya Deal or No Deal, at Pinoy Bingo Night. Lahat ng ito ay ipinalabas ng weekdays.

Naging host si Kris ng Game KNB? mula 2001 hanggang 2007. Naka-tatlong season naman ang Kapamilya Deal or No Deal mula 2006 hanggang 2009. At ang Pinoy Bingo Night ay umere mula March to June 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN