Marlene Aguilar on alleged VIP treatment of son Jason Ivler in jail: "Kung anuman ang binebentang treatment do'n, kahit sex pa iyon, kung gusto ng anak ko, I'll pay for it!"

IMAGE 0


Photos of Jason Ivler having a drinking session with friends inside the Quezon City jail circulated on the Internet. Jason's mother Marlene Aguilar-Pollard (in photo with Jason) said parties in jail are normal in the Philippines. "Kultura na po iyan ng jail sa Pilipinas!"


Kumalat muna sa Internet noon pang nakaraang taon ang mga litrato ni Jason Ivler habang "nagko-concert" sa loob ng bilangguan.

Itong taong ito, pasa-pasahan naman sa blogosphere at iba pang social networking sites, lalo na sa Facebook, ang mga larawan ni Jason na nakikipag-inuman pa kasama ang ilang mga kaibigan sa loob mismo ng kinakukulungan niyang Quezon City Jail. May video pa itong may mga bisitang babae sa loob mismo ng selda niya.

May mga kuha pa si Jason kasama ang kanyang ina at ang bunso niyang kapatid na babae giving the "dirty finger" sign.

Pinaghihinalaan tuloy na may VIP treatment ang pamangkin na ito ng 1970s Pinoy folk song singer na si Freddie Aguilar sa loob ng bilangguan.

Akusado si Jason sa salang pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ni Undersecretary Renato Ebarle na nagtrabaho sa Office of the Executive Secretary noong nakaraang administrasyon. Nabaril diumano ni Jason si Renato Jr. matapos ng isang pagtatalo sa trapiko noong Nobyembre 18, 2009. (CLICK HERE to read related story.)

SURPRISED WITH THE PHOTOS. Sa panayam na ipinalabas ng TV Patrol kagabi, March 31, sa abogado ng pamilya Ebarle na si Atty. Amelita Garayblas, nagpahayag ito ng pagkagulat at pagkadismaya sa kumalat na mga larawan at video.

"We were very much surprised, because that's not ordinary. That an inmate for a high [profile] case can enjoy such perks of having a party in his cell," anang abogado.

Patunay raw ito ng VIP treatment nga na nakukuha ni Jason sa loob ng Quezon City jail. Kaya't pinamamadali na ng Prosecution na ma-transfer na si Jason sa Bicutan detention center sa Camp Bagong Diwa.

PARTIES IN JAIL, NORMAL. Buwelta naman ng ina ni Jason na si Marlene Aguilar-Pollard, normal lang daw at laging may mga party sa loob ng mga bilangguan sa buong Pilipinas.

"Kultura na po iyan ng jail sa Pilipinas," sabi ni Marlene. At kung ipinakita man na nakikipag-inuman si Jason, iyon ay dahil naiimbitahan lang daw ang anak niya ng mga kakosa nito sa loob para makipag-party sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala tayong magagawa, hari siya ng selda. Yung mga bilanggo ro'n naka-tattoo pa yung mukha niya sa mga dibdib nila.

"Idol si Jason Ivler ng bayan," dagdag pa niya.

Tungkol naman sa pagpunta ng menor de edad niyang anak na babae sa loob ng bilangguan, idiniin ni Aguilar-Pollard na kailangang mamulat na sa ganoong tanawin at sitwasyon ang kanyang bunsong anak.

"She should learn at age 8, that she should... to me that is right. That is not wrong to me," ani Marlene.

Tungkol naman sa mga babaeng nagpupunta sa selda ni Jason, ang mga ito raw ang lumalapit sa kanyang anak, sabi ni Marlene.

"Kung anuman ang binebentang treatment do'n, kahit sex pa iyon, kung gusto ng anak ko, I'll pay for it!" diretsang pahayag ng ina ni Jason.

STATEMENTS FROM JAIL DIRECTOR AND WARDEN. Ayon naman sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director na si Rosendo Dial, sa panayam nito sa programang The Rundown ng ABS-CBN cable channel na ANC, walang special treatment na ibinibigay kay Jason Ivler.

"Lahat po ng inmates ay nag-o-observe ng policy. Wala pong exemption," sabi ng jail director.

Agad daw niyang paiimbestigahan ang isyung ito, at inutusan na ang Quezon City jail warden na si Senior Superintendent Hernan Grande na magpaliwanag tungkol sa mga kumalat na report ng diumano'y VIP treatment kay Jason.

Sa panayam naman ni Superintendent Grande sa GMA-7 radio station na dzBB, itinanggi nito na may ganun ngang treatment si Jason. Binantaan naman ni Director Dial si Grande na sisibakin ito sa puwesto kapag napatunayang may katotohanan nga ang mga report.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN