Bianca King is looking for a new manager; returns to primetime after almost a year

IMAGE 0


"Ayoko namang sabihing zero, kasi baka naman sabihin ng tao na ang lungkot-lungkot ko naman. Meron din naman. Pero, siyempre, ako talaga yung tao na last thing na gusto kong pag-usapan talaga is lovelife," says Bianca King when asked about her lovelife.


Naghahanap ng bagong manager ngayon ang young actress na si Bianca King.

"Naka-sign po ako ng co-management with GMA Artist Center, pero kay Arnold pa ako noon. Pero now, naghahanap pa ako," sabi ni Bianca nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Gloria Maris restaurant pagkatapos ng press screening ng Captain Barbell sa Cinema 2 ng SM The Block.

Noon pang 2009 natapos ang kontrata ni Bianca kay Arnold Vegafria—na namamahala rin sa careers nina Carla Abellana, JR, Baron Geisler at marami pang entertainers—pero nananatili raw silang magkaibigan ng kanyang manager of seven years.

"Yeah, super okay, nag-breakfast kami this morning," banggit niya.

Bakit siya umalis sa poder ni Arnold?

"A, ano lang, parang gusto ko rin kasing... Marami rin siyang alaga, e. So, naghahanap ako ng sa akin lang nakatutok. Kung andito nga lang ang mommy ko, gusto ko siya, e.

"Kasi co-management ako sa [GMA] Artist Center so, kumbaga, kailangan ko lang ng representative na magsasalita for me," paliwanag niya.

Bakit hindi na lang niya gawing solo manager ang Artist Center, na siyang talent-management arm ng GMA-7?

"A, hindi pa po namin napag-uusapan ang arrangement. Pero okay po ako na magkaroon pa ng isang co-manager. Yun po talaga yung gusto ko.

"Pero mahabang ano 'yan, e, mahabang thought process. I can't decide on it right away. Gusto ko munang alamin kung sino talaga ang may gusto sa akin," sabi ni Bianca.

Hanggang 2013 pa ang contract ni Bianca sa GMAAC.

Wala pa ba siyang naiisip na kuning manager?

"Wala pa po. Kung sino na lang yung ano...mag-i-interview pa ako," sagot niya.

May kinausap na ba siya?

"A, meron na akong nakausap, na in passing na nabanggit ko. Pero yung talagang masinsinang usapan, siguro by this week tatrabahuhin ko na siya."

Nang mabanggit ang pag-alis din ng iba pang talents ni Arnold noon—tulad nina Marco Alcaraz at Ronnie Liang—sinabi ni Bianca na wala itong koneksiyon sa desisyon niyang humanap ng ibang manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam yung sa kanila, I don't really... Hindi ko po masyado ka-close si Marco. Hindi ko nga alam na umalis sila, e, nalaman ko na lang later on.

"Pero ako naman, my reasons are different. I don't know po kung ano yung sa kanila. At sa amin ni Arnold, malinis, malinaw lahat.

"We're good friends talaga—sobrang good friends kami talaga. And he wishes me luck, at saka parang usapan nga namin na baka sa iba susuwertihin ako.

"Kasi yung iba, sinuwerte sa kanya. E, ako, seven years na ako, e. Parang kailangan na siguro ng change, change in environment... 'yon."

BACK IN PRIMETIME. Matagal ding nabakante si Bianca sa telebisyon.

Ang huling regular project na ginawa niya sa Kapuso network ay ang The Last Prince nina Aljur Abrenica at Kris Bernal early last year pa.

"Ganun na katagal, pero I had a guest role in Ilumina," banggit ni Bianca.

Ayon kay Bianca, mabait ang role niya rito sa Captain Barbell, malayong-malayo sa kontrabida role niya noon sa The Last Prince.

Pero hindi naman daw nahirapan si Bianca sa transition niya from being bad to good.

Sa Captain Barbell, kahit wala raw siyang kapangyarihan ay mahalaga ang kanyang papel.

"Ako po yung naghahanap sa mga superhumans, ako magte-train sa kanila. Ako yung bumuo ng liga. It wasn't Captain Barbell [Richard Gutierrez].

"Parang ako pa nga naghikayat kay Captain Barbell na sumali kasi parang natatalo na siya, nahihirapan siya. So, kami ni Tito Eddie Gutierrez [as Gen. Armando] ang nagka-idea na 'Let's form a group,' ganyan-ganyan."

Bakit sila nag-form ng superhumans? May hidden agenda ba sila?

"Yun ang hindi pa natin alam, pero as of now, sa week two to four, 'yon po yung ginagawa ko, na kinikilala ko lahat ng superhumans. Kino-convince ko sila na kaya nilang gamitin yung powers nila for good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Bianca na hindi niya kinailangang mag-audition for her role.

"Actually, yung role ko, hindi po siya talaga kasama sa original story ng Captain Barbell. Yung ibang girls, nag-audition sila, ako lang yung hindi. Even si Lovi Poe [as Althea], actually hindi rin kasama talaga, it was written in later."

Masuwerte raw si Bianca na hindi na siya dumaan sa audition.

"Super-thankful po talaga and in a role na gustung-gusto ko talaga! Matagal ko nang gustong gawin yung ganitong klaseng role, action, kasi medyo dito ako nababagay.

"Kasi, sabi nga, athletic ako tsaka hindi ako natatakot humawak ng guns. And sa mga fight scenes, kaya ko din," sabi niya.

Hindi siya nag-aral bumaril?

"Not formally po. Sa mga shoots before, palaging real guns yun, we shoot blanks, sa Marimar pa lang, sa Dyesebel. Iyon ang parang naging training ko.

"Nag-training rin ako ng Muay Thai and then nag-start ako mag- ballet ulit," banggit ni Bianca.

BIANCA'S LOVELIFE. Kinumusta rin ng PEP ang lovelife ni Bianca.

"Wala lang! Alam n'yo naman ako, hindi naman importante ang lovelife sa akin, e," sabi niya.

Zero ba ang lovelife niya?

"Hindi naman... Ayoko namang sabihing zero, kasi baka naman sabihin ng tao na ang lungkot-lungkot ko naman. Meron din naman. Pero, siyempre, ako talaga yung tao na last thing na gusto kong pag-usapan talaga is lovelife.

"Kasi gusto ko muna siyempreng pag-usapan yung show, yung work, yung ganun. Hindi talaga ako yung tipo ng artista na pinapa-press release ko kung ano'ng nangyayari sa lovelife ko," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN