Ariel Villasanta's mom gives their house title to Cristina Decena; he says it's okay, "Asawa ko naman siya, e."

IMAGE 0


Plano nina Ariel Villasanta at ni Cristina Decena na magpakasal sa iba't-ibang bansa sa mundo. Last year, ikinasal sila sa Hong Kong, their very first wedding. Sa darating na Holy Week ay tutungo ang mag-asawa sa Las Vegas at Mexico para magpakasal, at pagkatapos ay babalik sa Thailand upang doon naman ikasal.


Sa show na Mommy Elvie at 18, labingwalong kahilingan ng ina ng komedyanteng si Ariel Villasanta, si Mommy Elvie, ang iniiikutan ng show na ipinapalabas tuwing Sabado ng umaga sa GMA News TV 11, 10:30 a.m. to 11 a.m.

Ilan sa mga wishes ni Mommy Elvie ay ang makagawa ng isang ice cream commercial, ng isang pelikula kasama ang King of Comedy na si Dolphy, ma-meet ng personal si President Noynoy Aquino, muling makapagsayaw ng cha cha at boogie, makain ang lahat ng bawal na pagkain, at ang makatagpo si Ariel ng mag-aalaga dito.

Ang ilan naman sa mga personal na gusto mismo ni Ariel sa mga hiling ng kanyang ina ay ang...

"Yung peace in our country, nakakatuwa kasi e, kasi alam naman nating napaka-imposible nun, tsaka yung home for the homeless.

"Gusto ko rin yung wish niya na food for the hungry, pati yung job for the jobless. Gusto ko rin yung maging commercial model siya ng ice cream kasi alam ko favorite niya ang ice cream.

"Yung wish niya na may titingin sa akin, gusto ko rin yun, na natupad naman."

Kasal na si Ariel sa businesswoman na si Cristina Decena.

And in relation to this, ibinigay pala ni Mommy Elvie kay Cristina ang titulo ng lupa at bahay nila sa Provident Village three weeks ago lamang.

"Sabi ko nga sa kanya [Cristina], kung magloloko ako, itira lang niya yung damit na suot ko. Ang point ko, 'Pag ako nagloko, itira mo lang sa akin yung damit ko, sa yo na lahat yan, kahit sa kalye ako tumira.'

Ano ang naramdaman ni Ariel nang ibinigay ni Mommy Elvie kay Cristina ang titulo ng lupa?

"Okay lang, asawa ko naman siya, e. At siya ang babae kaya siya ang dapat humawak."

Ang lupa na may laking 360 sq. m. ay ang kinatatayuan ng bahay ni Ariel na sinalanta noon ng bagyong Ondoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At para maipa-ayos muli ang bahay ng mag-ina ay ibinenta ni Ariel noon ang pinakamamahal niyang BMW na kotse.

"Ipinaayos ko ang bahay para pagbalik ng mommy ko, huwag malungkot o ma-stress, na huwag na niyang maalala ang Ondoy, kaya yung mahal na mahal na sasakyan ko binenta ko para maipa-renovate ko agad at maipaayos ang bahay. Ang tagal kong minahal yung kotse na iyon."

Noong nagkakilala sila ni Cristina ay ayos na ayos na ang bahay nina Ariel at Mommy Elvie.

Sa ngayon raw ay pinadagdagan na ito ng second floor.

"Meron na siyang second floor, pero aayusin pa. Importante ang second floor, lalo na pag biglaang may baha na naman, meron kayong pupuntahan."

Pati raw mga antiques na mga plato ni Mommy Elvie ay ibinigay na nito sa misis ni Ariel.

Samantala, dahil plano nina Ariel at Cristina na magpakasal sa iba't-ibang bansa sa mundo, last January ay sa Thailand naman sila nagpunta. Last year ay ikinasal na sila sa Hong Kong, their very first wedding.

Pero hindi pa sila nakapagpakasal sa Thailand.

"Nag-apply pa lang, kasi may 17 days na balik e, hindi kaagad, e."

Sa darating na Holy Week ay tutungo ang mag-asawa sa Las Vegas at Mexico para magpakasal, at pagkatapos ay muling babalik sa Thailand upang doon naman ikasal.

Ilang beses ba nilang balak ikasal? Ilang bansa?

"Kung ilan abutin.

"Tapos baka ilagay din namin sa show, gagawin naming parang wedding around the world. Di ba ang ganda, iba-ibang culture?

"Depende kung saang network may slot, kung saan puwede ilagay, doon namin ipapalabas."

Bukod sa show nila ng mommy niya, may show pa rin si Ariel [with Maverick] sa TV5, ang Totoo TV.

At ang latest, may radio program na rin sila ni Maverick sa 92.3 FM na radio station ng TV5.

"Ano ito, from 2 p.m. to 4 p.m. every Saturday, ang title, Maverick and Ariel: The Love Idols. Nagso-solve kaming dalawa ng tungkol sa pag-ibig."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First radio program ito ni Ariel.

"Pero itong concept na ito, dito kami sumikat ni Maverick, wala pa yung mga ano, kami ang nauna dito, yung kay JM Rodriguez sa On Airsa Channel 5 nung araw, gumawa kami ng ganun.

"Ako gumawa ng concept, nagso-solve kami ng mga problema, minsan seryoso, na may sense of humor. Nakita naming malakas."

At ang unang suweldo niya sa radio ay inintrega [ibinigay] ni Ariel kay Cristina.

"Nakakahiya, maliit lang yun pero binigay ko sa kanya."

At kahit sinasabihan na siya ni Cristina [na isang successful businesswoman] na huwag nang magtrabaho ay nasa PLDT pa rin si Ariel bilang creative consultant at hindi nagre-resign.

"Marami nga ang nagtatanong sa akin, 'O nandun ka pa rin? 'Bakit hindi ka nagre-resign?'

"Hindi, kasi alam mo, hindi naman sa pride pero dapat kahit papaano meron kang sariling kayod o trabaho."

Kahit noon raw, mas sanay raw si Ariel na siya ang gumagastos sa babae.

"Alam mo kahit noong araw pa, ano ako, hindi naman sa ano, hindi ako mayaman pero medyo ayokong gumagastos ang babae.

"Kahit dun sa mga past ano ko, medyo galante ako. Hindi ako sanay na ako ang nililibre, ayoko ng ginagastusan ako, mas sanay ako na ako ang gumagastos sa babae."

Si Cristina Decena ay dating naugnay sa aktor na Phillip Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN