JM de Guzman's presscon disrupted by the ghost of Rico Yan?

IMAGE 0


JM de Guzman has a possible explanation for the technical glitches at the press conference Thursday of the ABS-CBN remake of Mula sa Puso which originally starred Claudine Barretto and the late Rico Yan. "May feeling akong nagmumulto... Sabi ko nga, 'Sir, may mali ba akong nagawa?'" kuwento ni JM.


Biggest break na maituturing ni JM De Guzman ang pagiging lead actor sa remake ng Mula Sa Puso, ang teleseryeng unang pinagbidahan nina Claudine Baretto, Deither Ocampo at Rico Yan sa ABS-CBN 2 noong 1997.

Kung dati ay supporting role ang ibinibigay sa kanya, ngayon ang role ng yumaong si Rico Yan ang gagampanan niya sa pagbabalik ng serye sa telebisyon.

Sabi nga ni JM sa interview ng PEP sa kanya, 14 years siyang naghintay para mapansin naman ang kanyang kakayahan.

Kuwento ni JM, 14 years old siya nang magsimula sa ABS-CBN 2 sa Ang TV. Pero anim na taong gulang pa lang siya ay umaarte na siya.

"Mga commercials po ang mga ginagawa ko noon. Then, yun nga napasok na po ako sa Ang TV, pagbabalik-tanaw niya.

Napapangiti si JM sa mga nagsasabing he bears an uncanny resemblance to Rico Yan, lalo na pagdating sa kanilang mga mata. Pareho raw kasing charming ang kanilang mga mata.

"Wow! Sobra naman. Baka kaya nasisira yung sound system sa presscon dahil hindi siya (Rico) agree doon," nangingiting sambit ni JM.

GHOST OF RICO YAN? Sa presscon ng serye noong huwebes ng hapon, naging uncomfortable ang lahat sa kapalpakan ng sound system. Madalas itong namamatay sa kalagitnaan ng question and answer ng press sa cast.

Hindi rin gumana nang maayos ang audio ng trailer-teaser ng soap bago matapos ang presscon proper samantalang maayos naman ang pagpapalabas nito bago nagsimula ang conference.

Iba ang naging interpretasyon ni JM sa pangyayari, feeling raw niya nagmumulto si Rico.

"May feeling akong ganon. Sabi ko nga, 'Sir, may mali ba akong nagawa?'" kuwento niya.

Inisip na lang niyang nagkataon lang ang pagkakasira ng audio and video system sa conference.

Parang ngayon lang nagsisimula uli sa kanyang showbiz career si JM. Ipinaliwanag niya kung bakit hindi siya naging aktibo sa showbiz matapos siyang lumabas sa Ang TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-aral po ako. Nag-take ako ng Theater Arts sa UP. Then, nag-indie po ako. Ayun pakalat-kalat po muna ako doon, gawa-gawa ako ng indie."

SECOND TIME AROUND. Si Direk Lauren Dyogi ang nagbukas ulit ng pintuan sa Kapamilya Network para kay JM.

"Nakita po nila ako sa Cinemalaya. Siya po talaga. Nakita niya ako, pinag-audition niya ako sa Midnight Phantom. Nakuha po ako.

"Tapos pinag-audition po niya ako sa Alyna, Kristine. Awa po ng Diyos, nakuha pa rin po ako.

"Yun pong Midnight Phantom, bale ang nagbukas po talaga ng pintuan sa akin sa ABS-CBN 2."

Sa pagkaka-alam ni JM, kinakailangang mag-audition ang halos lahat ng mga young and new talents ng ABS-CBN 2 sa mga shows o soaps bago mapasama sa kahit na anong TV project sa network.

"Alam ko po, lahat po kailangang mag-audition. Hindi na po yata puwede yung hindi nag-o-audition. Lahat po talaga dumadaan doon."

May umiinit namang isyu sa pagitan nila ng isa pa ring young actor na si Ejay Falcon. Sabi-sabi kaya raw kumokonti ang mga TV projects ni Ejay ay dahil napupunta ang mga it kay JM.

"Hindi po ako aware sa ganon," nagtataka niyang pahayag.

Masasabi ba niyang wala siyang tinatapakan para lang mapansin?

"Hindi po yun ang aim ko kaya ako nandito. Gusto ko lang po talagang gawin yung trabaho ko. Yun ang talagang gusto ko."

COMPARISONS. Bukod sa excited siya sa paglabas ng pilot telecast ng Mula Sa Puso ngayong Lunes, nakakaramdam rin ng pressure si JM sa posibleng pagkukumpara sa ibibigay niyang acting at sa nagawa ni Rico.

"Opo nga e. Pero sinasabi ko nga po pag ganyan ang tanong sa akin na hindi na po natin maalis yung ibinigay ni sir Rico e, tumatak na po yun sa puso. Maski ako noong napanood ko yung Mula sa Puso, 8 years old ako,in-idolized ko si Rico Yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung magpapadala po ako sa pressure, hindi ko magagawa nang mabuti yung trabaho. Magpu-focus na lang ako sa trabaho o yung sitwasyon ko ngayon."

LOVE TEAM. Nagsisimula pa lang ang serye pero may tumutukso na sa love team nila ni Lauren Young na siyang bida rin sa serye na unang ginampanan ni Claudine Barretto.

Sa conference pa lang nag-dialogue na si Lauren na kaya niyang wag ma in-love sa kanyang kapareha sa serye; hindi lang niya alam kay JM.

Sa unang serye ganito rin ang mga pahayag nina Claudine at Rico, pero noong tumagal ang serye nagka-developan sila at nauwi sa totoong buhay ang pagiging magkasintahan nila.

Posible kayang umabot rin sa ganito sina Lauren at JM?

"Hindi ko po alam. Sa ngayon po, hindi pa po namin naiisip yan," pahayag niya.

Hindi ba siya attracted kay Lauren?

"Hindi ko po sasabihing hindi," mabilis niyang tugon.

Aminado naman si JM na natutulala siya minsan kapag napapatingin siya sa mukha ng kapareha.

"Pag na-in-love ka naman hindi mo talaga mapipigil yun e." pahayag niya.

Magiging Kim Chiu-Gerald Anderson ba sila na itinago ang relasyon?

"Hindi ko po talaga alam," ang sagot niya.

Nilinaw ni JM na wala siyang girlfriend sa kasalukuyan.

"Single po ako, focus muna po talaga sa work," aniya.

"Hindi ko naman po sinasabing ayoko po ng inspirasyon mula sa isang babae pero sa ngayon mas pre-occupied po ako sa dapat kong gawin. Mas malaki po yung responsibilidad na ito, hindi po biro."

INTRIGUES. Ngayong nagsisimula nang magliwanag ang career ni JM, inaasahan namang magsisimula na rin ang intriga sa kanya. Hindi na kami magtataka kung ma-tsismis itong may buma-back up o sumusuportang bading sa kanya.

"Sa akin lang po. Ako po yung tipo ng tao na kapag meron akong hindi nakukuha o kulang sa akin, pagta-trabahuhan ko po yun kahit gaano kahirap. Kasi yun ang fulfillment sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang masasabi ko na at the end of the day, nagawa ko ito, nakuha ko ito. Kahit mag-fail ako nang mag-fail babalik ako sa simula, uulitin ko lang siya. Ganun po akong klaseng tao.

"Hindi naman po sa ayokong humingi ng tulong. Humihingi rin naman po ako ng tulong sa mga kamag-anak ko. Meron lang po akong ganung ugali na kung kaya ko, bakit ko hihingiin sa iba?" paliwanag niya.

Nakaranas na ba siya ng mga panliligaw, pagpaparamdam o indecent proposal sa mga bading?

"Wala. Wala po talaga. Magsisinungaling pa po ba ako? Hindi ko po alam. Wala po talaga. Siguro may mga nagkakagusto na hindi ko alam. Pero yung offer wala pa," ang sabi niya.

Kung may mga regalo o gifts na ibibigay sa kanya, okey lang ba?


"Okey lang. Gift nga, e, di ba? Pero kung may kapalit, salamat na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN