Michelle Madrigal says she wants to stay friends with Jon Hall after breakup

IMAGE 0


In her own words, Michelle Madrigal explains why she and boyfriend Jon Hall broke up: "Nakakapagod na kasi, 'di ba? It's very hard to concentrate on work kung may problema ka sa personal na buhay. Kita n'yo naman, nagkakasakit na ako lately because stressed ako sa trabaho. Ayoko nang mahaluan pa iyon ng personal problems kaya we decided to end things. It's for the best."


Hindi na nga itinanggi ni Michelle Madrigal na matagal na silang hiwalay ng boyfriend niya of two years na si Jon Hall. Matagal na ngang nabalitang nagkaroon ng hindi magandang takbo ang relasyon nila Michelle at Jon kaya nagdesisyon na raw silang tapusin na bago pa umabot sa hindi magandang situwasyon ang dalawa.

Ayon kay Michelle ay mas nakakabuti raw na hindi na sila magkasama ng kanyang ex-boyfriend dahil lalo lang daw magiging kumplikado ang lahat. Hindi nga itinanggi ni Michelle na ang parating pag-aaway nila ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pero kahit gano'n pa man, gusto pa rin ni Michelle na maging magkaibigan sila ni Jon. Hindi naman daw basta na lang maitatapon ang two years na pagsasama nila.

Sa naganap nga na press preview ng GMA-7 telefantasya na Captain Barbell sa The Block ng SM North EDSA last March 25 (Thursday), kitang-kita nga na nag-iiwasan sila Michelle at Jon. Hindi sila sabay dumating sa venue at hindi nga in-escort-an ni Jon si Michelle papasok ng sinehan.

Sa restaurant naman kunsaan kumain ang buong cast after ng preview, kahit na nasa isang lamesa lang sila Michelle at Jon, hindi sila magkatabi at hangga't maaari ay nag-iiwasan pa silang magkatinginan.

Sa panayam namin kay Michelle ay napagod na nga raw siya sa paulit-ulit na lang na pag-aaway nila ni Jon.

"Nakakapagod na kasi, 'di ba? It's very hard to concentrate on work kung may problema ka sa personal na buhay. Kita n'yo naman, nagkakasakit na ako lately because stressed ako sa trabaho. Ayoko nang mahaluan pa iyon ng personal problems, kaya we decided to end things. It's for the best," diin ni Michelle.

Pareho raw kasing strong ang personalities nila ni Jon kaya kapag nag-clash sila ay parang sasabog silang dalawa.

"Naging problema lang namin yung constant fighting. Hindi na kasi healthy. Kapag nag-away pa naman kami, pataasan kami ng boses. Nakita n'yo naman sa Survivor Philippines, 'di ba? Noong mag-away kami, parang walang katapusan. Walang nagpapakumbaba sa amin. Palakasan talaga kami ng boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So tama na. Pagod na ako at ayoko nang umiyak. Alam ko na pagod na rin siya sa nangyayari sa amin. So okey na ako and I am moving on. I have to para naman maging happy ako ulit. Ayokong maging malungkot kasi papanget lang ako!" sabay tawa niya.

Pero pinagdiinan nga ni Michelle na wala raw third party involved sa kanilang hiwalayan.

"In fairness, wala namang ibang babae. Ewan ko lang ngayon!" malakas na tawa ulit ni Michelle. "One month na kaming hiwalay, eh. Hindi ko alam kung meron na ba siyang kapalit sa akin or wala pa. Tanungin n'yo na lang siya.

"I know na in the past, ganyan ako. Kapag may nalaman ako na may ibang babae ang boyfriend ko, goodbye na. I hate you na. Pero si Jon, wala naman. Malinis naman siya."

Hindi rin daw totoo na nagkaroon ng bugbugan sa kanila ni Jon.

"Walang gano'n. Walang sakitan sa amin ni Jon. Puro mga exchange of words lang na medyo masasakit. Hanggang doon lang. Never naman umabot sa nagkasakitan kami ni Jon. Grabe na 'yon kung umabot man kami sa pagiging physical sa isa't isa."

Kabilang nga sa mga nakarelasyon ni Michelle sa showbiz ay sila JC de Vera at Victor Neri. Na-link din siya noon kay Marco Alcaraz. Sa naging relasyon niya kina JC at Victor, parehong hindi maganda ang pakikipaghiwalay ni Michelle sa kanila.

Bakit nga ba hindi nagtatagal ang relasyon niya sa isang lalake? Nasa kanya kaya ang problema?

"I don't want to blame myself kasi hindi lang naman ako ang nasa isang relasyon. Dalawa kami. Kung may problema ang isa, kailangan may unawaan, 'di ba? Like what I said, strong kasi ang personality ko. Hindi ko naman mababago iyon. Lalabas at lalabas din kasi 'yan kahit na pigilan mo.

"Nagkakataon lang talaga na may conflict. May ilang bagay talaga na hindi kayo magkasundo. Hindi kayo nagiging compatible. Sa buhay naman, you will never know kung sino talaga ang para sa iyo. Sometimes, you may think na siya na iyon pero hindi pa rin pala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey na raw kay Michelle na maging civil na lang sila ni Jon, lalo na't magkasama sila sa iisang show sa GMA-7. Hindi nga maiwasan na magkasama sila sa taping or maging sa promo ng Captain Barbell.

"Wala namang choice, e. You have to be professional about it. Wala naman akong powers para sabihin na ayoko siyang makasama sa set, 'di ba? For me, I want us to be friends. Yun lang naman ang mabuting paraan. Or maging civil lang kami sa isa't isa. Ang panget kasi na nag-iiwasan kayo sa trabaho."

Wala pa nga raw balak makipag-date si Michelle sa iba. Single daw muna siya.

"Huwag muna naman. Kakatapos lang ng two-year relationship ko. It's only been a month pa lang. Pahinga naman muna. Let me get over it naman. Though unti-unti na akong nakakapag-move on.

"I want to be single right now and enjoy my freedom. Matagal ko ring hindi naranasan ang ganito na walang ibang iniisip na tao. Let me love myself muna before I love somebody else again," pagtatapos pa ni Michelle Madrigal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN