Jason Abalos says ex-flame Bela Padilla has qualities of an "ideal wife"

IMAGE 0


"Pareho naman naming hindi ginusto—sobrang personal," says Kapamilya talent Jason Abalos about his breakup with actress Bela Padilla.


May komunikasyon pa rin ang dating magkasintahan na sina Jason Abalos at Bela Padilla.

Ito ang inamin ni Jason sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at Startalk nung Biyernes, March 25, sa Misibis Bay Resort na matatagpuan sa Cagraray Island sa Albay para sa taunang Nivea summer event.

"Okay naman kami," sabi ng Kapamilya actor. "Nag-Cebu ako two weeks ago and nagkita pa kami... Nag-uusap pa naman kami."

Almost three years din ang naging relasyon ng dalawa kaya sinabi ni Jason na hindi ganun kadali kalimutan ang lahat ng kanilang pinagsamahan at pinagdaanan.

Sa kasalukuyan ay loveless pa rin si Jason at sinabi niya na bagama't hindi nila seryosong napag-uusapan ni Bela sa ngayon ang posibilidad na magkabalikan sila ay hindi rin naman nila isinasara ang pintuan ng kanilang mga puso para sa isa't-isa.

"Wala naman akong dine-date ngayon so hindi ko rin alam kung anong mangyayari. Pero alam mo 'yon, umaasa pa rin kami na may magandang mangyayari sa aming dalawa," sambit ng batang aktor.

Dagdag pa ni Jason, "Wala akong masasabing pangit kay Bela. Siguro sa lahat, siya yung pinaka ideal wife."

Ayaw sabihin ni Jason kung ano ang dahilan ng kanilang breakup subalit nilinaw niya na walang kinalaman ang paglipat ng kanyang ex-girlfriend from ABS-CBN to GMA-7 noong nakaraang taon.

"Wala naman kaming pinag-awayan na matindi nagkataon lang talaga na kinailangan," matipid na sambit ni Jason.

Masaya naman daw siya sa itinatakbo ng career ni Bela, na huling napanood sa katatapos pa lamang na GMA-7 primetime series na Machete.

"Tiwala ako sa kanya na kung ano man 'yong ginagawa niya, alam kong mas makakabuti sa kanya. Tsaka si Bela kasi hindi siya 'yong basta- basta papasok sa isang bagay na hindi siya handa."

Hindi naman nag-alinlangan si Jason nang aming tanungin kung hopeful pa rin siya na magkakaayos sila ni Bela sa hinaharap at muling magkabalikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako umaasa pa rin ako na balang araw," ngiti ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN