Sarah Geronimo has a new admirer in CamSur Governor L-Ray Villafuerte's son

IMAGE 0


Reports have it that Sarah Geronimo is being courted by the son of CamSur Governor L-Ray Villafuerte, Miguel (inset). According to TV Patrol, 22-year-old Miguel is a Political Science student in New York. Could he be the non-showbiz guy whom Sarah wishes to have for her next boyfriend?


Laman ngayon ng balita ang diumano'y panliligaw ng binatang anak ni Camarines Sur Governor Luis Raymund "L-Ray" Villafuerte na si Miguel Villafuerte sa Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Matatandaan na kamakailan lang ay naging usap-usapan ang "first heartbreak" ni Sarah sa dati niyang kasintahan na si Rayver Cruz. Ito ay buong idinetalye nina Sarah at Rayver sa March 2011 issue ng YES! Magazine. (CLICK HERE to read related story.)

Pero tila patapos na ang kabanatang ito sa buhay ni Sarah, at ang isa sa mga posibleng dahilan ay ang espesyal na pagtingin ng 22-year-old print model para sa kanya.

Sa katunayan, sa March 22 premiere night ng Catch Me... I'm In Love, ang pelikula ni Sarah kapareha si Gerald Anderson, ay nagpadala pa umano ng bulaklak si Miguel para sa young singer-actress.

Sa exclusive interview ng TV Patrol na ipinalabas kahapon, March 30, nagpasalamat si Sarah sa gesture na ito ng binata. Subalit inamin niya na hindi pa sila personal na nagkakakilala ni Miguel, na kasalukuyang nag-aaral ng Political Science sa New York.

Hindi naman "stranger" si Sarah sa pamilya Villafuerte dahil noong nakaraang taon ay lumabas pa ang Pop Princess sa tourism plug ni Gov. L-Ray para sa CamSur.

Samantala, sa ulat naman na lumabas sa PEP Scoopbox kaninang hapon, March 31, hindi raw kaila kay Miguel ang pagiging mahigpit ng mga magulang ni Sarah. Alam din daw ito ni Gov. L-Ray.

Gayunman, para sa governor, nasa tamang edad na ang anak na binata kaya nasa kanya raw kung gusto nitong ipursigi ang panliligaw kay Sarah.

Sa YES! March 2011 issue, mariing sinabi ni Divine Geronimo, ang ina ni Sarah, na dapat ay magtapos muna ng pag-aaral ang anak at tupdin nito ang ilan pa niyang pangarap bago siya mag-boyfriend. Kung susundin ito ni Sarah, aabutin ng mga apat o limang taon pa bago niya sagutin ang sinumang manliligaw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi naman ng 23-year-old singer at box-office star, sa YES! din, na kung sakali, ang gusto niyang maging boyfriend ay hindi taga-showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN