Ehra Madrigal sympathizes with sister Michelle on breakup with Jon Hall

IMAGE 0


"Iyon siguro yung image ni Michelle before... Nagkakataon lang na mas marami siyang nagiging boyfriend sa showbiz, e. Siyempre ang image nung tao, 'Ang bad girl nito!' ganyan. Pero over the years, sobrang nag-mature si Michelle. Nakita ko kung paano siya nag-grow as a person," says Ehra Madrigal (in photo) about the "bad-girl image" of sister Michelle.


Bilang kapatid, naapektuhan si Ehra Madrigal sa pag-iyak ng younger sister niyang si Michelle Madrigal sa guesting ng huli sa StarTalk last week, March 26.

Sabay na nag-guest sina Michelle at Jon Hall sa Saturday showbiz talk show ng GMA-7 at pinag-usapan dito ang tungkol sa kanilang breakup. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Ehra ay nabigla si Michelle: "Hindi siya na-brief. Kasi bini-BBM ko siya after, sabi ko, 'Uy, bakit ka naiyak?'

"Akala lang niya walk-in lang na interview. Kasi normally, lahat [Captain Barbell cast] talaga papasok, parang magpo-promote. Hindi nila alam na ihihiwalay yung segment nilang dalawa [ni Jon] and itatanong pala about sa breakup nila.

"So, nagulat siya. And I think she's still very emotional kasi a few weeks pa lang naman silang nag-break. So, parang siyempre fresh, and siyempre ang tagal na rin nila ni Jon, e. And considering nasa Survivor [Celebrity Showdown] sila and iba yung naging bonding nila doon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ehra sa taping ng I ♥ You Pare sa Boiler Room sa Marikina.

Two years tumagal ang relasyon nina Michelle at Jon.

Sa palagay ba ni Ehra ay hindi pa nakaka-move on si Michelle?

"Well, pareho siguro sila, and since si Michelle ang girl, mas emotional. It's just that ngayon siguro yung time na hindi na muna...

"Kasi hindi sila nagkakasundo kaya mas okay siguro na break na muna sila. And, eventually, pag naging okay... Tingnan natin kung magiging okay ulit sila at magkakabalikan sila," sagot ng sexy star.

Bilang kapatid, gusto pa ba ni Ehra na magkabalikan ang dalawa?

"Siyempre ako, sa lahat ng nagiging boyfriend ni Michelle, hangga't sa maaayos siyempre, mas mabuti na ayusin. Pero yun na nga, kung hindi na nagwu-work out, mahirap din namang pilitin.

"So, mas maganda na rin kasi lagi silang nag-aaway. And ang hirap na pareho sila ng work, pareho pa sila ng management. So, kung hindi na nagwu-work out..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong alaga ni Annabelle Rama sina Michelle at Jon.


EHRA'S LOVELIFE. Kung hindi maganda ang lovelife ni Michelle ngayon, si Ehra naman ay maligayang-maligaya dahil going smoothly daw ang relasyon nila ni Myke Salomon or DJ Myke for seven years.

"Kami pa rin, ang tagal na namin!" sambit ni Ehra.

Bakit ayaw pa nilang magpakasal?

"Hindi pa siya nagpu-propose! Charot lang!" tawa niya.

"Hindi, hindi pa ako handa. Parang kung mag-propose, siguro, long engagement.

"Kasi parang ewan ko, marami pa akong gustong mangyari sa career ko, e. Parang feeling ko, ang dami ko pang gustong gawin, na hindi ko pa naa-achieve yung gusto kong marating sa buhay, parang ganun. Gusto kong ma-maximize ang lahat ng puwede kong gawin sa showbiz."

Hindi ba nila napag-uusapan ni Myke ang tungkol sa kasal?

"Of course, napag-uusapan namin, para siyempre... Ano ba yung relationship namin kung walang patutunguhan, di ba?

"Pero siguro, lalo na ngayon, he's also going mainstream, e, paunti-unti. Hindi lang sa music, bumalik siya sa theater, and he's having offers na kung anu-ano pa yung puwedeng gawin niya."

Nasa Care Divas musical si Myke, at kapani-paniwala siyang Arabo rito.

"He's part of it. So, ang daming nagiging opportunities. And music producer din siya, nagpo-produce siya ng mga album. So, ang dami," banggit ni Ehra.

Paano nila napatagal ng pitong taon ang relasyon nila?

"Sobra lang siguro kaming nagkakaintindihan. Kasi even before ako mag-artista, siya na yung boyfriend ko," sagot niya.

"So, parang feeling ko, kilala na talaga namin yung isa't isa. Nag-grow kami together and even if... Sa seven years, kahit may pinag-aawayan kami, pero sobrang naaayos namin agad lagi, ganun. Napag-uusapan lahat."

Sa tingin ba niya ay sila na ni Myke ang magkakatuluyan?

"Siyempre gusto ko kami na!" mabilis niyang sagot.

DEFENDING MICHELLE. Hindi ba naiinggit sa kanya si Michelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siguro," nakangiting sagot ni Ehra.

"Kasi si Michelle naman, alam ko kahit na ilan rin yung naging boyfriends niya, lahat naman 'yon winu-work out niya.

"Kaya lang siguro, talagang yung mga naging boyfriends niya, hindi lang siguro sila yung para sa kanya. Or, hindi lang talaga nagwu-work out, or nagka-clash.

"And mas younger kasi si Michelle noon. Pero ngayon, mas gusto siguro niya na may mangyari sa career niya.

"And the same with Jon. He's older than Michelle, siguro iba rin yung priorities niya."

Dagdag ng nakatatandang kapatid ni Michelle, "Nagkakataon lang siguro na ganun yung sa kanya... Winu-work out naman niya. Kaya lang siguro, 'yon nga, nagkakaroon ng problema, nagka-clash every time na may boyfriend siya. So, ayun."

Tanggap ba ni Ehra ang sinasabi ng iba na pasaway si Michelle kumpara sa kanya na mabait?

"Hindi naman. Iyon siguro yung image ni Michelle before, but over the years, it doesn't mean naman na... Nagkakataon lang na mas marami siyang nagiging boyfriend sa showbiz, e.

"Siyempre ang image nung tao, 'Ang bad girl nito!' ganyan. Pero over the years, sobrang nag-mature si Michelle. Nakita ko kung paano siya nag-grow as a person.

"Kumbaga, ang hirap kasing i-break pag first impression, ganun, e. Lalo na nakikita pa na ganyan, na hindi naman ibig sabihin na porke marami siyang naging boyfriends, o mas madalas siyang nakikita sa labas, pasaway na.

"Kumbaga, naging ganun lang talaga yung image niya.

"Pero kumpara talaga dati, sobrang laki ng pinagbago ni Michelle. Sobra siyang responsible ngayon, ang bait niya talaga. Nagkataon lang talaga na ganun yung nangyayari. So, 'yon yung parang pagkakakilala kay Mitch," pagtatanggol ni Ehra sa kapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN