Ferdinand Marcos's Aussie daughter axed from Australian reality show

IMAGE 0


Analisa Hegyesi (main photo) was taken out of The Renovators, a reality show in Australia featuring interior designers, after she revealed to the show's producers the identity of her father. Analisa is the daughter of ousted Philippine President Ferdinand Marcos (inset, top) with former swimwear and Playboy model Evelin Hegyesi (inset, bottom).


Tinanggal sa The Renovators si Analisa Hegyesi dahil sa pag-amin nito sa mga producers ng programa na anak siya ng yumaong presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Edralin Marcos.

Ang The Renovators ay isang upcoming home makeover reality show sa Australia. Si Analisa ay ang 40-year-old interior designer na inalis sa contest dahil anak siya ni Marcos.

Si Marcos ay napatalsik mula sa MalacaƱang noong February 25, 1986, dahil sa People Power. Ang People Power, o EDSA 1, ang siyang nagluklok naman kay Corazon Cojuangco Aquino bilang presidente ng Pilipinas.

Nalaman ni Analisa noong Lunes, March 28, ang pagkakatanggal sa kaniya sa nabanggit na show nang makatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa representative ng Shine Australia, ang production company na producer ng The Renovators at Junior Masterchef Australia.

Nakapasa si Analisa sa mahabang proseso ng auditions at interviews, pero inalis siya bilang contestant ng The Renovators nang ipagtapat niya sa mga producer ang katauhan ng kanyang tunay na ama.

News sa Australia ang nangyari sa The Renovators bid ni Analisa, at sa interview sa kanya na lumabas sa The Daily Telegraph UK ay sinabi niya ang kanyang mga saloobin.

"The thing is that I've had to juggle my business and clients to make time for the show after I was asked to audition and was then chosen from hundreds of people around Australia.

"I was chosen on my own merits but then I was dropped due to aspects of my private life which I will not discuss.

"I was told there was a fear, too, attention would be paid to me and not the show and other contestants," sabi ni Analisa sa interview.

Ayon sa mga report mula sa Australia, naniniwala ang Shine Australia staff na unfair ang ginawa kay Analisa dahil hindi raw tama na siya ang magdusa sa mga kasalanan ng kanyang namayapang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ferdinand Marcos ay madalas tawaging diktador o autocrat dahil nagdeklara ito ng martial law sa Pilipinas nang hindi na siya pinahihintulutan ng Constitution na tumakbo ng isa pang termino bilang presidente.

Sa pagdeklara niya ng unpopular martial law, nagpatuloy siya bilang presidente at naging all-powerful ang executive branch, habang ang ibang branches ng gobyerno gaya ng legislative (senate and congress) at judiciary (mga korte at judges) ay nawalan ng tunay na kapangyarihan.

Halimbawa, siya na ang tanging gumagawa ng mga batas at panukala, gaya ng pagdedeklarang krimen ang "gossip mongering" at mga umpukan; at maaari ng makulong ang kahit sino nang di kinakailangan ng warrant mula sa isang judge.

Pinatay din niya ang mga media (diyaryo, telebisyon, radyo), liban doon sa mga pagmamay-ari ng gobyerno, ng kanyang cronies, at ng trusted aides.

Malawak ang pagkondena sa mundo ng deklarasyong ito, na naging sanhi ng pagkakakulong at pagkakapatay ng maraming Pilipino, kasama na si Benigno Aquino Jr., ang ama ng kasalukuyang presidente ng Pilipinas.

Ang People Power ay bunsod ng mga pangyayari sa ilalim ng sinasabing conjugal dictatorship ni Ferdinand Marcos at ng kanyang asawang si Imelda Romualdez Marcos.

Ang pagkawala ni Analisa mula sa The Renovators ay hindi unang pagkakataon na nalagay sa news si Analisa at ang kanyang ina na si Evelin Hegyesi.

Si Evelin ang former Sydney swimwear at Playboy model na nakarelasyon ni Marcos noong 1970. Nang mga panahong ito, asawa na ni Marcos si Imelda at meron na silang tatlong anak, sina Imee, Bongbong, at Irene.

Nineteen years old si Evelin nang magkakilala sila ng dating pangulo ng Pilipinas, at si Analisa ang bunga ng kanilang relasyon.

Analisa Josefa ang tunay na pangalan ni Analisa, at nanggaling ang Josefa mula sa pangalan ng ina ni Marcos, si Josefa Edralin Marcos.

Noong 2004, ang mag-inang Evelin at Analisa ay naging sentro ng imbestigasyon dahil sa akusasyon na may kinalaman sila sa mga secret bank accounts ni Marcos sa Switzerland at Liechtenstein, Western Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga bank accounts na ito ay sinasabing naglalaman ng limpak-limpak na salaping nakaw sa kaban ng bayan.

Malaki ang pagkakahawig ni Analisa kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, ang panganay na anak ng dating Philippine president at kasalukuyang House Representative Imelda Marcos, base sa litrato na kuha ni Robert Rosen na inilabas ng Daily Telegraph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN