Ervic Vijandre admits breakup with Aifah Medina; recalls happy memories with Marian Rivera

IMAGE 0


"No'ng dati kasi, kapag may dini-date ako, 'A, hindi ito kaparehas ni Marian.' Siyempre, aaminin ko, seven years... Ilang taon ako no'ng naging kami? Parang 15? Sa kanya ko na-experience yung boyfriend-girlfriend talaga. Sa kanya ako naging binata, siya yung naging dalaga sa akin," says Ervic Vijandre about ex-girlfriend Marian Rivera.


Ang Captain Barbell ang kauna-unahang regular show ng model-turned-TV-actor na si Ervic Vijandre pagkatapos niyang sumali sa reality show ng GMA-7 na Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Dito unang natunghayan ng publiko si Ervic, pero ang talagang nagpatunog ng pangalan niya ay dahil ex-girlfriend niya si Marian Rivera.

Nitong mga nakaraang buwan, nabalita ang pagkakaroon nila ng relasyon ng dating SexBomb girl na si Aifah Medina. Pero ang latest balita ay nagkahiwalay na sila ng dancer.

Kinumpirma naman ito ni Ervic nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press screening at presscon ng Captain Barbell noong Huwebes, March 24.

"I'm single," sambit ng model turned actor.

Pero umiwas si Ervic na magsalita tungkol sa rason ng kanilang hiwalayan ni Aifah.

Aniya lang, "Mas okey kami na magkaibigan. Pero we still hang out. Mas okey kami na magkaibigan lang."

Tumanggi ring magdetalye si Ervic sa tagal ng kanilang pagsasama ni Aifah bilang magkasintahan.

"Ilang months din kaming nag-date, exclusively dating. Parang gano'n na rin, pero hindi talaga official na ano... Wala kaming date na ano. Pero siya lang ang dini-date ko no'ng mga times na yun," pahayag niya.

Pahapyaw na inamin ni Ervic na ang kawalan nila ng panahon sa isa't isa ni Aifah ang isa sa mga rason ng kanilang breakup.

"Parang gano'n na rin. Medyo hindi kami gano'n kaparehas ng interes," sabi niya.

Wala raw kinalaman ang pagiging dancer ni Aifah sa mga rason ng kanilang hiwalayan, ayon pa rin kay Ervic.

"Ay, hindi. Walang problema doon. Sobrang...hindi ko nga siya nakitang sumayaw. Sayang hindi ko siya naabutan no'ng SexBomb pa siya."

JOINING SHOWBIZ. Base sa trailer ng Captain Barbell, parang natural na lang kay Ervic ang pag-arte. Kinagigiliwan rin siya ng kanyang mga kasama sa cast, pati ang bidang si Richard Gutierrez.

Kahit mismo si Ervic ay hindi makapaniwala sa mundong pinasok niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi," sambit niya. "Hindi ko inisip na mangyayari ito sa akin. Actually, after Survivor, hindi ko nga... Actually, marami ang nagsasabi nga sa akin na eto na nga yung [pagkakataon] para mag-artista.

"Sabi ko, never akong umarte, never akong sumayaw. Never akong nag-join sa kahit na anong ano sa school. So, parang, 'Ano yun? Magmumukha lang akong tanga?'

"E, since na-try ko, trinay ko, nag-enjoy ako. Eto, parang barkada lang kami sa set. Parang family na 'eto ang gagawin mo. Sobrang inalagaan nila ako. Yung mga staff, 'O, ganito lang 'yan, ganyan.' Sobrang parang spoon-feed lang sa akin lahat, na inaalagaan ka.

"So, parang nag-e-enjoy ako na gusto kong i-return yung ibinigay nilang effort sa pagtulong sa akin," saad niya.

Wala raw talagang ideya na papasukin ni Ervic ang showbiz.

"Kasi no'ng time na yun, basketball lang ako. Saka no'ng time na hindi pa ako nagsu-Survivor, ano lang ako, basketball lang ako."

Ipinaalala namin kay Ervic na noong una namin siyang makilala at ma-interview sa isang fashion show sa Quezon City, kung saan isa siya sa models, sinabi niyang kung may acting opportunity na lalapit sa kanya ay willing siyang subukan ito.

"Oo, sinabi ko, puwede rin siguro. Kaya may konting part sa akin na, 'Sige, subukan ko, bakit hindi?' Parang gano'n. Pero hindi talaga para gustuhin talaga," paliwanag niya.

MARIAN RIVERA. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nagku-krus ang landas nila ng dating kasintahan na si Marian Rivera mula nang una silang magkita sa bakuran ng GMA-7.

"Parang nagkagulatan. Hindi ko naman alam na nandoon siya. Parang...aminin ko, parang na-tense ako, di ba? Isipin mo, seven years kong kakilala, seven years kong sobrang ka-close...seven years kong nakarelasyon.

"Pagkita ko, biglang nanlamig ako, pinagpawisan yung kamay ko. Gano'n daw talaga, e," kuwento ni Ervic tungkol sa pagkikita nila noon ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi isinasara ni Ervic ang posibilidad na muli silang magkikita ni Marian. Pero hindi raw niya alam kung manlalamig siya uli at pagpapawisan ang kanyang mga kamay.

"Hindi ko alam kung gano'n uli. Pero madali kong sabihin sa kanya... or magha-hi ako, maghe-hello ako. Pero pag nangyari pala, iba talaga.

"Ang daming tao siyempre na sasabihin, 'Pag nasa GMA ka, paano pag nagkita kayo?' E, di, magha-hi ako."

Nakakaramdam pa ba siya ng kirot sa puso o panghihinayang sa tuwing makikita niya si Marian?

"Sa akin kasi, hindi ko naiisip yung sarili ko," sagot niya. "Ngayon kasi, nakikita ko siya na masaya, successful siya. Okey na ako doon. Ano na ako doon, na parang kapag nakikita kong okey siya sa nangyari sa kanya...

"Ako, kaya ko naman anuhin yung sarili ko. Parang kaya ko lahat. Ang dami ko nang pinagdaanan. So, parang lahat ng the best para sa kanya na lang, di ba? Okey naman ako, nagsu-survive naman ako, parang gano'n."

Aminado naman si Ervic na may mga pagkakataon na hindi niya maiwasan na alalahanin ang mga masasayang alaala nila ni Marian noong sila pa.

"Siyempre, ipinagluluto niya ako pag yung mga sandaling... Alam mo, napaka-hectic ng schedule niya, yung mga sandaling pag nagkita kayo, pagod na pagod, siya naman yung aalagaan mo," sabi niya.

Naaalala pa rin niya yun?

"Oo naman! Siyempre, single ako, kaya naiisip ko yung mga dati," nangingiti niyang sabi.

Aminado naman si Ervic na hanggang ngayon ay naikukumpara pa rin niya si Marian kapag mayroon siyang dini-date o kasalukuyang girlfriend.

"A, oo. Yun ang naging problema ko. No'ng dati kasi, kapag may dini-date ako, 'A, hindi ito kaparehas ni Marian.' Siyempre, aaminin ko, seven years...

"Ilang taon ako no'ng naging kami? Parang 15? Sa kanya ko na-experience yung boyfriend-girlfriend talaga. Sa kanya ako naging binata, siya yung naging dalaga sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, pagka may dini-date ako, hinahanap ko kung ano yung ipinakita niya sa akin dati, di ba?" tuluy-tuloy na sabi ni Ervic.

Nababalita ang pagiging maasikaso ni Marian sa boyfriend nito ngayon na si Dingdong Dantes. Pinatotohanan naman ni Ervic ang ganitong katangian ng aktres.

"Ay, oo talaga. Wife-material siya talaga. Yun din siguro ang nagustuhan ni Dingdong sa kanya," sabi niya.

DINGDONG DANTES. Wala pa raw pagkakataong nagkasalubong at nagkita nang harapan sina Ervic at Dingdong.

"Nakikita ko siya, pero nahihiya naman ako, di ba? Hindi ko naman siya kakilala personally. Kilala ko siya bilang Dingdong Dantes...

"Lilinawin ko lang, kilala ko siya bilang artista, pero hindi ko siya kilala personally. Alangan namang mag-hi ako, di ba?

"Walang ilang o takot. Parang iniisip ko lang, bakit ba ako lalapit sa kanya? Wala akong dapat sabihin sa kanya, bakit ako lalapit?" paliwanag niya.

Pero natuwa si Ervic sa nalaman niyang statement ni Dingdong na bukas ito sa tsansang magkita at magkakilala sila.

"Ako, okey na ako ngayon. Actually, sabihin ko na, thank you, inaalagaan mo talaga. Minamahal mo talaga.

"Sabihin ko, inaalagaan ko 'yan dati. Kung gagaguhin lang o lolokohin, kahit hindi na kami, hahabulin ko 'yan, di ba? Inalagaan ko 'yan, tapos yuyurakan mo lang, di ba?

"Ngayon, nakikita ko naman na masaya silang dalawa. Masaya ako para sa kanila, di ba? Yun lang naman ang sa akin, di ba?" saad niya.

Bukas naman si Ervic sa posibilidad na makatrabaho ang sinuman kina Marian at Dingdong. Trabaho raw ito na hindi niya palalagpasin.

Pero hindi niya lang daw alam kung okey lang kina Marian at Dingdong na makasama siya sa isang acting project.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN