Alessandra de Rossi has learned her lessons in life and love

IMAGE 0


"Pakitaan mo lang ako ng ngiti, in love na ako sa 'yo. Yung gano'n. Dati 'yon. Pero siyempre, matanda na ako ngayon. Parang hindi na madaling mabola ang lola mo!" says Alessandra de Rossi.


Natapos man ang pagtatrabaho nilang magkakasama sa ongoing drama series ng ABS-CBN na Green Rose, maganda ang memories ng friendship na nabuo para kay Alessandra de Rossi.

"Yes, oo. Well, friendly kasi kaming lahat sa isa't isa," banggit nga ni Alessandra sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kami ni Jake [Cuenca], matagal na kaming magkaibigan. Si Anne [Curtis], nakasama ko na dati."

What if merong untoward incidents sa set, o hindi magandang ugnayan ng mga nasa cast?

"E, usually, quiet lang naman ako pagka gano'n," aniya.

Ang tinutukoy ni Alessandra—o Alex (palayaw ng young actress)—ay ang mga insidente na hindi nagiging maganda ang working relationship niya at ng sinuman sa ginagawang project.

"May nangyayaring gano'n. Like, siyempre mga personal na issues, nagkakainitan ng ulo, mga ganyan. Usually, pagka ganyan, iniiwasan ko nang makatrabaho 'yon. Some people, yes," sabi niya.

Definitely, wala sa tatlo at iba pang kasamahan niya sa Green Rose ang naging dahilan para umiwas sa mga ito ang young actress na likas na masayahin.

Lalo na nga si Jericho Rosales, na panay ang "I love you" kay Alex kapag nagkukulitan sila habang nagpapahinga sa taping.

"Naku, sobra sa kakulitan!" pagtukoy ni Alex kay Echo.

POLO AND JEREMY. May naging ka-loveteam ba noon si Alessandra na ayaw na niyang makatrabaho sa ngayon?

"Hindi naman ako dumaan sa loveteam talaga," sabi niya.

What about Polo Ravales, na nakapareha niya noon sa isang comedy series at sa pelikula rin?

Nangiti si Alex at sinabing, "A, si Polo? Hindi naman kami loveteam talaga, as in loveteam. Nagkasama lang kami sa isang show. E, siyempre, may kanya-kanya na kaming buhay. Pero friends pa rin kami. Never kaming dumaan sa part na magkagalit kami. Or, maasim kami sa isa't isa."

Pati ba si Jeremy Marquez, na ex-boyfriend ni Alessandra?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For a while, nangangasim kami!" pag-amin ng aktres. "Pero ngayon, sobrang okay kami. Ang tagal-tagal na no'n!"

LOVE LIFE. Kamusta naman ang pakikisama niya sa iba pang Kapamilya actors?

"Okay naman," tugon ni Alex. "Kasundo ko naman... Si Ping Medina, na nasa Green Rose din. Si Coco Martin, na nakasama ko sa Tayong Dalawa. 'Yan, si Jake... yun lang naman, e."

Kamusta naman ang love life niya?

"Zero!" walang kagatul-gatol na sagot ni Alessandra.

Sabi namin, sa ganda niyang 'yon, zero love life?

"Hindi naman ibibigay ni God lahat!" mabilis ding sagot ni Alex, sabay-tawa. "Oo, you can't have it all!"

Biro lang naman daw ang sagot niyang may pagka-"conceited."

"'Kala mo talaga nasa akin lahat, e. 'Kala mo, mayaman, yung ganyan!" natatawa pang pagbanggit ng masayahing aktres.

MARTYR OR STUPID? Kung ihahambing niya ang sarili, iba raw si Alessandra sa ginagampanan niyang character bilang si Geena Rallos sa Green Rose. Saan nga ba patutungo ang character niya sa mahigit na isang buwan pang susubaybayang teleserye?

"Ay, maiinis ka sa kanya, kasi tatanga-tanga talaga sa pag-ibig," sabi ni Alex. "Gano'n siya. Parang wala siyang isang salita. Galit siya, pero mahal niya talaga [si Edward Fuentebella, character ni Jake]. Kahit anong gawin sa kanya... pabugbog siya, gano'n... martir!"

On second thought, sabi rin ni Alessandra, "Pero mapapamahal din siya sa 'yo, kasi gano'n din naman lahat ng babae, di ba?"

Abangan na lang daw ang magiging awakening ng character niya "in the end."

LESSONS IN LIFE AND LOVE. Seriously, bilang siya, malaki naman daw ang in-improve ni Alex sa kanyang sarili.

"Yes! Sobrang mature na ako," sabi niya. "Siguro nga, hindi na ako katulad ng dati na sobrang bilis kong ma-in love."

Ten years ago was different, as far as her love life is concerned.

"Pakitaan mo lang ako ng ngiti, in love na ako sa 'yo. Yung gano'n. Dati 'yon. Pero siyempre, matanda na ako ngayon. Parang hindi na madaling mabola ang lola mo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Has she learned her lessons, in life and love?

"Yes. Oo," tugon niya.

Kahit kailan, nakakaaliw ang pagiging witty ni Alex sa interview.

"Bata pa naman ako, ganito na ako! Chos!" natatawa pa niyang pagbanggit.

Kaya ang anumang usapan, kahit may himig-intriga, ay magiging magaan at malulusutan niya. Tulad ng anecdotes niya about Jericho, na hindi niya maiwasang hangaan noon sa angking kakisigan. In turn, nag-express naman ang binatang aktor ng admiration for her, to the point na para raw itong na-i-in love na kay Alessandra.

"Oo, gano'n lang 'yon," sabi ni Alex. "Katulad nung sinabi niya noon, kung dati 'yon, baka naniwala pa ako. My God! Ang ganda ko! Pero siyempre, natawa lang ako, 'no!"

'Ika nga, maturity has caught up with her, at sinuman ay magiging happy na lang for Alessandra, o kung paano na niya maayos na dinadala ang kanyang sarili ngayon.

"And I'm happy for me, too!" ang sabi niya, sabay ngiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN