Lovi Poe is escorted by childhood friend Neil Ferreira to Deadline premiere

IMAGE 0


"Magkaibigan na kami dati pa, ngayon lang kami nagkasama uli," says Lovi Poe about her childhood friend, Neil Ferreira, who escorted her to the premiere night of her indie film Deadline.


Matapos ang kanyang deklarasyon kamakailan na siya ay "open and can date anyone," dumating si Lovi Poe sa premiere night ng kanyang indie film na Deadline na may kasamang escort.

Nakuhaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lovi at ang kanyang escort sa red-carpet screening na ginanap sa SM North The Block noong Linggo ng gabi, April 3.

Isa si Lovi sa mga bida ng indie film tungkol sa journalists na pinapaslang dahil sa kanilang matapang na pagpapahayag tungkol sa mga katiwalian sa gobyerno. Kasama niya sa pelikula si Tirso Cruz III na siyang gumanap bilang corrupt na gobernador. Sina Allen Dizon, TJ Trinidad, Ina Feleo, at Luis Alandy naman ang gumanap bilang ibang mga journalists.

Noong una ay ayaw magsalita ni Lovi tungkol sa kanyang escort dahil "shy" raw siya. Pero kinalaunan, nagbigay rin siya ng impormasyon tungkol sa lalaking kasama niya.

Ayon sa kanya, ang kanyang kasama ay ang kanyang childhood friend na si Neil Ferreira.

"Magkaibigan na kami dati pa, ngayon lang kami nagkasama uli," ani Lovi.

Handa na ba siyang magpaligaw?

"Hindi naman ako ligawin," ani Lovi. "I don't want to go beyond friends. I just want to have fun."

Matagal nang nali-link si Lovi kay Ronald Singson, ang ex-congressman na na-convict para sa drug trafficking sa Hong Kong. Isang taon at anim na buwang pagkakabilanggo ang parusa na ipinataw sa dating kinatawan ng Ilocos Sur.

May contact pa ba si Lovi kay Ronald?

"Basta, what you see is what you get," sagot niya.

NEIL WANTS TO RETURN TO SHOWBIZ. Bago pa pumasok si Lovi sa showbiz, magkakilala na raw sila ng kanyang escort sa premiere ng Deadline.

Sinabi ni Neil nang gabing iyon, "I'm just here accompanying Ms. Lovi Poe. I wish her good luck. I want to see her indie film."

Nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung may plano siyang ligawan si Lovi, sinabi ng binata, "We'll just keep it that way. We're just friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Neil Ferreira ay graduate ng Consular and Diplomatic Affairs mula sa College of St. Benilde. Ipinakilala ni Lovi si Neil sa kanyang manager na si Leo Dominguez dahil may planong magbalik-showbiz ang binata.

Napanood dati si Neil sa mga GMA-7 TV shows tulad ng Love to Love (Season 9), Now and Forever at I Luv NY. Pagkatapos ng kanyang showbiz stint, nagtrabaho naman siya sa Bureau of Immigration.

BEST ACTRESS. Samantala, masayang-masaya si Lovi Poe sa pagkakapanalo niya ng ikatlo niyang Best Actress trophy mula sa iba't ibang award-giving bodies.

Noong Sabado, April 2, kinilala si Lovi para sa kanyang mahusay na pagganap sa Cinemalaya film na Mayohan. Natanggap ni Lovi ang parangal na Best Performance By An Actress in a Leading role for Drama sa 8th Golden Screen Awards na ginanap sa Teatrino, Greenhills.

Nanalo na siya bilang Best Actress para rin sa Mayohan sa 6th Cinemalaya samatalang ang isa pang Best Actress trophy ay galing sa 58th FAMAS Awards para sa indie film na Sagrada Familia.

Nag-e-expect ba si Lovi na makakuha muli ng parangal para sa kanyang bagong indie film na Deadline?

"No naman, I don't expect na every time na gagawa ako ng movie...hindi naman ako nag-e-expect palagi. As long as I do my best and give my heart talaga."

Nilarawan ni Lovi ang kanyang karakter sa pelikula na idinirehe ni Joel Lamangan.

"I'm a journalist here and I fight for the rights of other people because napatay rin ang boyfriend ko dito, played by Luis Alandy."

Ayon kay Lovi, maganda ang layunin ng advocacy film na ito. "Ito ay para mabuksan lahat ng tao sa mga totoong pangyayari. 'Wag tayong matakot sa mga powerful na people katulad nila.

"I got to work with real journalists and they told stories about what's really happening. Dun ko nakuha yung kailangan kong paghugutan ng lakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may magreklamo sa movie, tayo naman we live in a free country. May kanya-kanya tayong opinion and we can do anything we want."

Magkakaroon ng special screenings ang Deadline sa iba't ibang universities sa Pilipinas. May plano rin na magkaroon ng mga screenings na suportado ng National Union of Journalists of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines and the Asian Congress for Media and Communication.

Nakatakdang magkaroon ng grand premiere night ang Deadline sa June 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN