Court dismisses charges filed against former sexy star Katrina Paula

IMAGE 0


The Quezon City Prosecutor's Office has junked the car theft and homicide charges filed against former sexy star Katrina Paula. Katrina, who is Angeline Samonte in real life, is said to be the girlfriend of suspected carnapper Raymond Dominguez.


Ibinasura ngayong araw, April 5, ng Quezon City Prosecutor's Office ang kasong car theft with homicide na isinampa laban sa dating sexy star na si Katrina Paula.

Ang nasabing kaso ay may kinalaman sa naging pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista noong Enero ng taong kasalukuyan.

Itinuturong mastermind sa krimen ang pinaniniwalaang kasintahan ni Katrina na si Raymond Dominguez—itinuturong pinuno diumano ng sindikatong nasa likod ng malawakang carnapping operations sa iba't ibang parte ng Metro Manila at Central Luzon.

Ayon sa ulat ng GMA-7 News, sinabi ni Assistant City Prosecutor Irene Resurrecion na walang sapat na basehan ang reklamong inihain laban kay Angeline Samonte (tunay na pangalan ni Katrina).

"There is dearth of evidence to indict Katrina since there is nothing in the extrajudicial confession of one of the accused which would directly or indirectly establish that she participated in the crime either as a conspirator, accessory or an accomplice," pahayag ni Resurrecion sa isang six-page resolution.

Maging ang mga nakasama ni Katrina sa kaso na si Julianne Crisostomo ay napawalang-sala rin base sa naging desisyon ng korte.

Si Julianne ay nadawit rin sa kaso bunga ng kanyang kaugnayan sa kapatid ni Raymond na si Roger Dominguez.

Kinatigan ng korte ang naging katwiran ni Katrina at ng kanyang abogado na si Atty. Raymund Palad na walang basehan ang kasong isinampa ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) sa dahilang walang konkretong katibayan ang mga ito para idawit ang aktres sa kasong kinakaharap ni Dominguez.

Ang tanging kaugnayan lang daw ni Katrina kay Dominguez ay ang pagiging magkasintahan nila, at maging ito ay hindi sapat para ipagpalagay na may alam ang una sa mga ibinibentang laban sa boyfriend nito.

"Her mere presence in the picture when the transaction was made or planned or discussed by the group does not necessarily lead to an inference of occurrence with the criminal design to commit the crime," dagdag paliwanag ni Resurrecion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging laman ng balita nung Enero ang magkapatid na Dominguez matapos na madawit ang grupong pinaniniwalaang pinangungunahan ng dalawa sa pagdukot at pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista.

Kasalukuyang nahaharap ang magkapatid sa kasong car theft with homicide sa ilalim ni Quezon City Regional Trial Court Branch 215 Presiding Judge Ma. Luisa Quijano-Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN