Laila Chikadora on jumping from ABS-CBN to TV5: "I just don't see myself blossoming pa in ABS-CBN. Kasi, ang dami na talaga...cream of the crop nandoon na, e. Saan niyo pa ako ilalagay?"

IMAGE 0


Laila Chikadora "forever thankful" to ABS-CBN for giving her a name, and to its president Charo Santos for wishing her well at her new job in TV5.


Kung dati'y siya ang isa sa mga nagtatanong sa mga artista, ngayon ay si Laila Chikadora na ang tinatanong ng mga kapwa niya entertainment reporters.

Naninibagong humarap kanina ang radio jock sa press conference ng bago niyang programa sa TV5 na Lupet, na ginanap kahapon ng tanghali, April 6, sa Cravings Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

"Sa totoo lang, awkward," natatawang sinabi ni Laila nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya ngayong siya na ang nakaupo sa harap ng mga manunulat.

Patuloy pa niya, "Dati kasi, di ba, nakikita niyo akong nagho-host, sumusundot din ako ng mga kuwento sa mga artista. Ngayon, ako naman ang tinatanong.

"Medyo awkward, pero parang nag-uusap lang naman tayo. It's a little bit awkward for me kasi nga mas sanay ako na ako 'yong nagtatanong kaysa sa ako 'yong sumasagot."

Maituturing na bago para kay Laila ang programang Lupet dahil sanay na siyang nagbabalita tungkol sa local showbiz, mapa-radyo man o TV. Sa programang ito, bukod sa pagho-host ay hahaluan pa ito ng kaunting pag-arte.

Nang ipakita ang teaser ng programa bago magsimula ang show, kapansin-pansin ang kakayahan ni Laila sa pagpapatawa.

Ayon kay Laila, nakatulong ang kanyang madalas na panonood ng mga nakakatawang pelikula noon pa sa kanyang gagawin sa Lupet.

"Mahilig talaga ako manood ng mga Tito, Vic, & Joey, Maricel [Soriano], Roderick [Paulate]. Mahilig po talaga ako sa Pinoy films na funny.

"Kaya siguro naging madali na rin para sa akin 'yong mga ganyang bagay, parang mga slapstick kind of comedy.

"Si Palito, si Tito Dolphy, John and Marsha. Hindi ko pinalagpas ang pelikula na hindi ko pinanood 'yon. Kaya naging madali lang siya for me."

MORE OPPORTUNITIES AFTER TRANSFER. Ayon kay Laila, hindi naman niya iniisip na sa kanyang paglipat mula sa ABS-CBN—kung saan naging DJ din siya at host ng dating late night show na Games Uplate—patungong TV5 ay magbibigay sa kanya ng ganitong klaseng oportunidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon nga ay nakakaarte pa siya.

"Ang talagang dream ko lang noong high school ako ay talagang maging DJ. As in, doon lang.

"Gusto ko lang maging DJ, to talk on the mic, because I know talking is the best. So, 'yon nga, 'yon lang," pag-alaala pa ni Laila.

Gayunman, nang magpaalam siya sa kanyang dating mga boss, inamin ni Laila na hangad niya ang paghasa pa ng kanyang kakayahan kaya siya lumipat.

"Paglipat ko ng TV5, nagkaroon ako ng on-cam. Sabi nga ng boss ko when I resigned sa ABS-CBN, 'Sabagay, there's nowhere to go but there.'

"Kasi, sabi ko nga, medyo nararamdaman ko na medyo nagiging stagnant ako nang konti. So, kailangan kong mag-level up, pero konti lang naman.

"Pero pagdating ko nga ng TV5, aside from being the entertainment correspondent that I'm enjoying right now, binigyan din naman nila ako ng new show."

Paliwanag pa ni Laila tungkol sa paglipat niya ng network, "Actually, noong umalis naman ako sa ABS-CBN, sinabi ko rin naman sa kanila na, 'Nandito na lahat ng magagaling, e. Saan ba ako lulugar dito?

"Mahihirapan akong umakyat.'

"Kasi, number one, wala naman akong manager.

"Number two, wala, I just don't see myself blossoming pa in ABS-CBN. Kasi, ang dami na talaga, sabihin na nating, cream of the crop nandoon na, e. Saan niyo pa ako ilalagay? Saan niyo pa ako ilulugar?"

GRATEFUL TO ABS-CBN. Sa kabila nito, hindi daw nakakalimutan ng entertainment correspondent ng News 5 ang mga pagkakataong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

Aniya, "I always say na I'm forever thankful kung anuman ang nangyari sa career ko sa ABS-CBN, because without them, hindi naman ako magiging si Laila Chikadora talaga. Sobrang thankful ako."

Isa pang lubhang ikinatuwa ni Laila ay nang magkita sila ng ABS-CBN President na si Charo Santos sa isang event. Matapos niyang magbigay-galang sa network executive ay kinausap daw siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinawakan niya ang kamay ko at sinabi niya, 'Honestly, what ABS-CBN didn't give you, I'm really hoping and praying na sana, with all sincerity, sana makuha mo lahat sa TV5.'"

Para kay Laila, maluwag sa pakiramdam ang pangyayaring ito.

Sabi nga ng radio jock/TV host/comedienne: "For me, that was closure. Closure talaga sa akin 'yon, na ayon na, pinawalan na talaga nila ako with no bitterness, no nothing.

"It's a very liberating experience for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN