Willie Revillame supporters stage rally in front of MTRCB office; psychologist says 6-year-old contestant victim of "child abuse"

IMAGE 0


The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) grants the request of Willing Willie's camp to file its position paper on the controversial March 12 episode of the show. The show is hosted by Willie Revillame (main photo), who is represented by Atty. Leonardo de Vera (inset).


Kasabay ng ginawang meeting na pinangunahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaninang hapon, Abril 12, isang rally rin ang ginawa ng mga taga-suporta ng host ng programa na si Willie Revillame sa harap mismo ng tanggapan ng ahensiyang ito ng pamahalaan.

Iba't ibang miyembro ng fans club ng TV host ang kumanta ng kanyang mga kilalang awitin, sumigaw upang ipakita ang kanilang suporta sa Willing Willie, at naghintay sa harap ng opisina ng MTRCBsa Timog Avenue, Quezon City.

Nandoon din ang mga miyembro ng WW.Girls, ang mga co-host ng programa na sina Sugar Mercado, Aimee Hart, Baby Saya, at ang Willing Willie co-host na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Ang pagdinig ng MTRCB ay kaugnay pa rin ng kontrobersiya na dulot ng ilang ulit na pagsayaw ng anim-na-taong-gulang na si Jan-Jan Suan ng "macho-dance routine" sa programang Willing Willie.

Kasama sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at iba pang mga nongovernment organization.

Hindi naman inimbitahan sa meeting na ito ang mga kinatawan ng TV5 at Wil Productions dahil hindi pa naman ito pagdinig sa kasalukuyang isyu sa Willing Willie.

Ayon sa ulat ng primetime newscast ng TV5, ang Aksyon, na ipinalabas kanina, napagbigyan ang bagong kahilingan ng kampo ng Willing Willie na maghain ng kanilang panig sa susunod na pagdinig sa Abril 19 sa ilalim ng MTRCB Hearing and Adjudication Committee.

Ang komite ay binubuo na ngayon nina Atty. Noel del Prado, Nilo Busuego, at Ma. Carmen Syquia-Musngi.

Matapos magprotesta ang kampo ni Willie laban sa unang mga nahirang na miyembro ng komite, nagbuo ng bagong kumposisyon si MTRCB chair Grace Poe Llamanzares upang ipakitang "fair at impartial" ang lupon.

ANTI-WILLING WILLIE.Samantala, nagkaroon din ng kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kahapon, Abril 11, ang mga grupo na kumukondena sa insidenteng nangyari sa Willing Willie noong Marso 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinihiling nila na kumilos ang kagawaran upang mapahinto na ang programa.

Subalit ayon sa isang Facebook fan page na "Para Kay Jan-Jan," sinabi umano ni KBP Chairman Hermano Basbano na hinihintay na lamang nila ang paliwanag ng kampo ni Willie at ng TV5 na magpapatunay na hindi nila na-violate ang Broadcast Code.

SENSITIVITY TO CHILD'S FEELINGS. Matatandaan na sa ulat na inilathala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Abril 11, inihayag ng abogado ng Wil Productions na si Atty. Leonardo de Vera ang pagkadismaya ng kanilang kampo sa pagkuha ng DSWD sa serbisyo ng kilalang child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang.

Ayon sa abogado ng Wil Productions, nauna nang magbigay ng opinyon si Dr. Carandang tungkol sa isyu bago pa man niya makapanayam si Jan-Jan.

Subalit sa pulong kanina, muling sinabi ni Dr. Carandang na "emotional abuse" ang nangyari sa bata noong sumasayaw siya sa Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa ulat ng Aksyon, sinabi ng child psychologist, "As a human being na may respeto sa bata, sasabihin ko na, 'Teka muna, puwede bang itigil muna natin? Kasi, parang tayo lang ang sumasaya pero 'yong bata nahihirapan, umiiyak, hindi sumasaya.' Sensitivity to the child's feelings because, partly, that's emotional abuse."

Nakasama rin umano ang pagbibigay ng pera matapos magsayaw ng bata.

Ani Dr. Carandang, "Hindi lang siya in-abuse na 'masama ang ginawa sa akin', kinomplicate pa ng pera. 'Binigyan ako ng pera, dapat masaya ako.'"

Pinabulaanan din niya ang akusasyon na maaaring maging biased siya dahil may kaugnayan siya sa kalabang network ng TV5.

"The reason I'm involved has nothing to do with Willie or Channel 5 or any channel. Isang rason lang—ang bata," sabi ni Dr. Carandang sa isang panayam.

Dagdag niya, "My whole life has been dedicated to respect and dignity of the Filipino child."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, muling nilinaw ng MTRCB na ang ginawa nilang pagdinig ay hindi para sa kaso ng child abuse.

Sinabi rin ng ahensiya na hindi lamang Willing Willie ang kanilang iimbestigahan. Maaari rin nilang suriin ang iba pang programa pagkatapos ng kasong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN