Former StarStruck contender Alvin Aragon and ex-SexBomb Girl Izzy Trazona are engaged, but the couple claim they have never kissed

IMAGE 0


Alvin Aragon and Izzy Trazona plan to marry in 2012. They want to have children but only after they're married: "Actually gusto na rin ni Izzy e, napag-uusapan, gusto na niya pero siyempre [after the wedding]," says Alvin.


From Churchmates to Soulmates...

March 6, 2011 nang mag-propose ang StarStruck Season 1 Avenger na si Alvin Aragon sa dating SexBomb Girl na si Izzy Trazona. At nitong April 1 ay namanhikan na si Alvin sa pamilya in Izzy.

At kahapon, April 9, Sabado, live na nag-guest sina Alvin at Izzy sa StarTalk TX upang ilahad ang kuwento ng kanilang pag-iibigan at nalalapit na kasal.

Nagkakilala ang dalawa dahil pareho silang miyembro ng Victory Christian Fellowship, at ayon sa kuwento ni Izzy...

"Nagtanong na po siya sa akin ng February 16, nagtanong po siya kung puwede na daw kaming maging exclusive. E, hindi po ako makasagot, sabi ko pagpi-pray ko po muna!" ang tumatawang pahayag ni Izzy.

"E, di iyon po, pinag-pray ko po muna sinagot ko po siya nung February 18."

Tinanong naman ng StarTalk host na si Manay Lolit Solis si Alvin kung okay kay Izzy ang pagkakaroon ni Alvin ng anak. May anak kasi si Alvin from a previous relationship sa isang non-showbiz girl.

"Actually nagkita na sila, e. Nagkita na sila noon at saka nagkita sila nang nakaraan sa Galleria at nakapag-usap sila," sagot ni Alvin.

Tinanong naman ng isa pang StarTalk host na si Joey de Leon si Alvin kung paano niya ipinaalam kay Athena (Alvin's daughter) at sa ina ng bata na magpapakasal na siya kay Izzy.

"Actually hindi pa namin nakakausap si Athena personally," sabi ni Alvin. "Nung Wednesday pumunta kami doon kaya lang hindi na sila doon nakatira, nakalipat na sila ng bagong bahay."

Wala kay Alvin ang kanyang anak, nasa pangangalaga ito ng ina at tiyahin ng bata.

"Tapos yung tita niya nag-message sa FaceBook, alam na daw ni Athena, tapos iniimbitahan kami ni Izzy na pumunta kami doon sa bahay nila."

May sariling buhay na rin daw ang ina ni Athena.

"Meron, meron na siyang bagong buhay, may bagong pag-ibig na rin siya," nakangiting pahayag ni Alvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan nila planong magpakasal ni Izzy?

"By 2012. Marami ring preparations, marami pang dapat asikasuhin."

Tinanong naman ang magkasintahan kung ano ang plano nila sa kanilang showbiz careers kapag mag-asawa na sila.

"Tuloy pa rin!" sagot ni Alvin. "Actually magsasama kami sa play, e. Nagpe-play kami ni Izzy, stageplay, theater play, yung Ang Guro. Kasama namin dito si Karel Marquez at yung mommy niya, si Pinky [Marquez]."

Paano kung magkaanak sila agad?

"Actually gusto na rin ni Izzy e, napag-uusapan, gusto na niya pero siyempre [after the wedding]."

Si Alvin naman daw ay hindi pa gaanong napag-iisipan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

"Basta ito munang kasal."

Huminto na si Izzy sa pagsasayaw pero "Nagtuluy-tuloy po yung grace ni God kaya I'm so happy po with my life right now."

Ang mensahe nila para sa isa't isa...

Sabi ni Alvin, "Kasi po nung bago ako manligaw sa kanya sinabi ko yung intensyon ko sa kanya, para alam niya kung bakit ko ginagawa ito, para malinaw. Sabi ko sa kanya ang intensyon ko, 'Gusto kitang maging asawa!'

"Sinabi ko yun sa kanya. Tapos sinabi ko rin na gusto kong maging mataas ang respeto ko sa iyo. So, ayun, hindi ko siya hahalikan hangga't hindi kami ikinakasal."

Ni hindi pa raw niya hinahalikan si Izzy...

"Simula nung nanligaw ako nung January 26 hanggang ngayon, hindi po.

"Pag sinabi po ng pastor na 'Puwede mo nang halikan ang asawa mo,' doon ko lang po hahalikan kasi iyon po yung tama."

Bakit siya nagkaroon noon ng anak?

"Marami pong mga pagkakamali noon, pero... wala pang Jesus."

Sinabi naman ni Izzy na, "Masaya ako na nirerrespeto mo ako bilang isang babae at saka gusto ko rin na magkaroon muna ng kasal bago ang lahat."

"Kasi iyon ang tama," ang mabilis namang sagot ni Alvin.

Binanggit naman ni Joey ang malaking ipinagbago ng pagkatao ni Alvin, na nakilala noon bilang pasaway among the batch 1 ng StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki ba ang nagawa ni Izzy sa pagbabago niya?

"Actually hindi naman talaga si Izzy, e. Ang totoo po, hindi po ako naging mabuting tao noon, hindi naman po lingid sa inyo talagang pasaway po ako. Marami akong na-offend, marami akong nasaktan.

"Actually, gusto ko pong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko po, o mga taong naging... alam mo yun, sa mga taong naapektuhan ng pagiging pasaway ko, makulit or pagiging mayabang, humihingi po ako ng tawad sa inyo. Patawarin ninyo po ako.

"Dahil po nung naging Christian po ako, nakilala ko si Jesus, ang dami hong nabago sa buhay ko."

Paano nila tinanggap ang mga nakaraan ng bawat isa?

"Ako po, sa akin po kasi, ang past kaya nga po past na yan e, ibig sabihin tapos na, huwag na pong balikan. Ngayon na na kay Lord na po kami pareho, meron na po kaming bagong buhay at doon po kami naka-focus at tsaka sa future namin po," ang pahayag ni Izzy.

Sabi naman ni Alvin, "At saka sa ibig sabihin ng love, yung love kasi does not keep a record of wrongs so kung ano yung mga pagkakamali ko noon, ganun din siya, kinalimutan na namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN