Ynez Veneracion denies pregnancy rumors; remains vague about her relationship with Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu

IMAGE 0


Sexy star Ynez Veneracion insists she Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu are just friends. Yes, they keep in touch but it's not true that she was in Maguindanao when she dropped out of the public eye a few months ago. "Matigok tayo dun! Hindi ako dun nakatira... Kasi based ako sa Manila," she says.


Pagkatapos mawala ng ilang buwan, lumitaw na rin si Ynez Veneracion nang dumalo ito kahapon, April 8, sa story conference ng bagong programang Ang Munting Heredera ng GMA-7 Telebabad.

Kaagad na sinalubong ang dating sexy actress ng tanong tungkol sa balitang pagbubuntis umano nito, pero kaagad niyang itinatanggi.

Na-link si Ynez sa Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu at sa kainitan ng isyung iyun biglang nawala ang aktres dahil buntis daw ito.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ynez nang pumutok ang balitang iyun at tumanggi na itong magsalita. Nangako lang ito na magbibigay siya ng statement sa tamang panahon.

Patuloy itong pina-follow up ngunit hindi na sumasagot si Ynez sa aming tawag.

Kahapon lang ito nagpakita at proud na proud sa kanyang pagiging payat. Paano raw siya nabuntis kung sexy pa rin siya?

"Tingnan n'yo ang payat ko, di ba? Sabi nila seven to eight months buntis daw ako," pakli ni Ynez.

Kaya raw siya nawala ng matagal-tagal dahil gusto niyang maiwasan ang mainit na kontrobersiyang kinasangkutan niya.

"Medyo nagpahinga muna ako sa dami ng isyung nakakabit. Sabi ko magtatago na muna ako. Pumunta muna ako sa Dubai. Nagpunta ako ng Guam, nag-show muna ako dun tapos nang bumalik ako dito, siyempre after the show kailangan nang magpahinga," pahayag ng aktres.

Pagdating sa isyung pagkakaroon nito ng relasyon sa Maguindanao governor, malabo ang sagot ng aktres kung talaga bang naging sila o hindi.

Ayon sa aktres; "Yung Governor, oo, we're friends," sabay bitaw ng malakas na halakhak.

"Friends, alam mo naman, ganun talaga. Close kami. Mabait kasi siya. Sobra. Sa lahat naman ng artista na name-meet niya ganun siya. e. Sa akin masyado siyang mabait.

"Special? Itatanong ko sa kanya, special ba? Hindi! Tingin ko naman kasi kumbaga nagtrabaho ako sa kanya dun sa kanila, tapos dun na nag-umpisa. Kung minsan nagkikita-kita pag nandito siya. Hanggang ngayon naman mabait siya!" aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin niya masagot nang maayos kung posibleng na-involve siya romantically sa naturang pulitiko.

"Para sa akin, hindi. Pero siyempre yung mga, alam mo yun. Kaya lang hindi pa din talaga ready dahil unang-una, alam mo yun, meron pa siyang kinakaharap, di ba?

"So, sinabi ko din sa kanya na hindi ka pa ready, hindi naman ako ready. Mas maganda na yung ganito na lang, di ba? Kumbaga, magkaibigan tayo, close tayo, minsan kumakain sa labas. Okey na yun sa amin," sagot ni Ynez.

Kung sakaling maging sila, hindi naman daw siya agree na magpakasal dahil sa kultura raw ng mga Muslim na posibleng magkaroon ng maraming asawa.

"Isa din yun sa reasons kung bakit ayoko. Sinabi ko sa kanya yun, nung medyo nagpu-propose na. Sinabi ko na parang hindi yata ako okay. Sabi ko, kasi nga, Muslim, di ba? Kapag nagkaroon na ng asawang iba, siyempre, masasaktan ako.

"Tingin ko ang hirap, Muslim kasi 'yan, e. Di ba sila, as long as kaya nilang suportahan yung mga asawa, di ba kumbaga, may una, pangalawa, pangatlo? So, ako, ayaw naman natin ng ganun, di ba? Parang gusto naman natin [to be] the only one, hindi lang No. 1, but the only one," ayon sa kanya.

Magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon at may komunikasyon pa rin daw sila. Pero hindi raw totoong tumira siya sa Maguindanao.

"Matigok tayo dun! Hindi ako dun nakatira... Kasi based ako sa Manila," bulalas nito.

Nagpapasalamat na lang si Ynez sa GMA-7 dahil binigyan daw ito ng pagkakataong makabalik sa trabaho.

May mahalagang papel daw siya rito sa Ang Munting Heredera kasama sina Mark Anthony Fernandez, Carmina Villarroel, Katrina Halili, Camille Prats, at Ms. Gloria Romero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN