Edgar Allan Guzman reveals he had a non-showbiz girlfriend when he and Iwa Moto were "on" for a month

IMAGE 0


"So, nalaman [ni Iwa]; nakausap niya yung babae," pagtukoy pa ni Edgar Allan Guzman sa sitwasyon noon, na may love triangle palang namamagitan sa kanila nina Iwa Moto at ng non-showbiz girl. "Pinapili niya ako, kung sino sa kanila. Pinili ko yung non-showbiz... kasi mas matagal [na kami], mas kilala ko."


Na-interview uli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor at TV co-host na si Edgar Allan Guzman, noong Martes ng gabi, April 5, sa RSVP Studio (Sucat, ParaƱaque). Ito ang taping site ng TV5 gag show na Lokomoko U.

At past 10 p.m. ay patapos na ang taping. Nadatnan ng PEP si Edgar Allan, kasama ang iba pang mainstay ng programa, led by Tuesday Vargas, JC de Vera, Rainier Castillo, Empoy Marquez, Long Mejia, Joseph Bitangcol, among others.

"Mainstay din si Alex Gonzaga," sabi ni Edgar, "Wala nga lang po ngayon si Alex; nagti-taping ng Babaeng Hampaslupa..."

Masaya ang former Mr. Pogi '06 winner sa kinabibilangang show ng Kapatid network. Bukod sa Lokomoko U, bahagi rin siya ng pang-Linggong teen variety show ng channel 5, ang Fantastik.

"Ang maganda po sa Fantastik, nakakapag-hosting kami," pagtukoy ni Edgar. "Sa PO5 po kasi (variety show na pinalitan ng Fantastik, aired every Sunday, at 2 p.m.), di namin ginagawa yung opening spiels; may regular hosts na po kasi doon. Dito, kami-kami lang. Kung sino yung part ng show, kami-kami rin po yung nag-i-spiel,"

Naka-isang buwan na si Edgar Allan sa pang-Linggong musical-variety show, na nagsimula noong February 27. Billed as TV5's Teen Stars Meet Their Fans in Fantastik, nagsasayaw at nagsisilbing isa sa mga co-hosts ng programa ang kilala ring indie movie actor, kasama ang mga "pambato" ng Kapatid network, tulad nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Danita Paner, JC De Vera; ang mga pinasisikat na young stars, like Princess Ryan, Diane Medina, at Carla Humphries; at ang grupo ng male teen TV5 hearthrobs, ang "Sakto Boys," na dito kabilang si Edgar Allan Guzman, kasama sina Rodjun Cruz, Lucky Mercado, Joseph Bitangcol, at Rainier Castillo; at iba pang teen-star groups.

Meanwhile, bagong addition naman ang aktor sa Lokomoko U. At maganda ang pagpasok ng young actor-comedian sa programa. Bukod sa "humahataw" raw ito sa ratings ngayon, "Nanalo po kami ng award, sa Gawad Tanglaw (given last March 17). Best Gag show!" masaya pang banggit ni Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa tatlong gag shows ang Lokomoko U (ang dalawa pa'y ang Goin' Bulilit ng ABS-CBN at Bubble Gang ng GMA) na nanalo ng nasabing parangal mula sa mga huradong academician.

"At least, kahit papa'no, kahit bago lang ako dito, kapapasok ko lang..." masayang pagtukoy pa niya.

On a regular Tuesday night taping, masaya ang buong barkada ng Lokomoko U na pinamamahalaan ng actor-director na si Al Tantay. Bukod sa mga datihan at bagong komedyante, maraming baguhang female stars na barkada na rin ng grupo nina Edgar, Rainier, Joseph, at JC.

"Sina Diane Medina, Valeen Montenegro, Tres Marias-Milagring, Luningning, Mariposa," pagbanggit pa niya. "Tapos, [kasama din namin] yung mga anak ni Nadia Montenegro, sina Alyanna Asistio at si Ynna Asistio, yung girlfriend ni Mark [Herras]."

ALL ABOUT JOHLAN. May girlfriend na ba si Edgar Allan?

"Meron po. Si Johlan, ng Sex Bomb [Dancers]. Johlan Veluz," pag-amin niya. "Two years, 8 months na po [kaming mag-on]. Ang tagal na. Two years na po ako [noon] sa showbiz... 2008, nu'ng naging kami po. That time po, nasa Daisy Siete [afternoon soap, on GMA-7] pa ako."

Kumusta ang relationship nila ni Johlan, sa kasalukuyan?

"Okey naman kami. Ganu'n pa rin," sabi ni Edgar.

May mga plano na ba sila para sa immediate future?

"Wala pa naman po. Kasi, may family din siya," ang sabi niya, na natutuwa dahil 'aprub' sa parehong pamilya ang relationship nila ni Johlan.

"Open naman po kami. Legal kami. Pati sa nanay niya, sa kapatid niya."

Inamin din ni Edgar Allan na seryoso siya kay Johlan, bilang nobyo.

"Seryoso ako sa kanya, kasi mabait naman siyang tao. And... alam ko namang hindi niya ako niloloko, so, wala namang dahilan para magloko," sabi pa niya.

Pang-ilan na si Johlan sa naging girlfriend ni Edgar Allan?

"Pang-anim na po siya, pero... lahat 'yon, serious, ha," nangiti siya sa muling pag-amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa high school, wala po akong naging girlfriend, puro aral lang ako," sabi rin ng young actor, na nagtapos sa Rizal High School (in Pasig City), bago napasok sa showbiz, five years ago, simula noong April 8, 2006, bilang grand champion ng Mr. Pogi '06 contest ng Eat Bulaga!

Ayon din kay Edgar, natuto na siya sa mga naging karanasan sa dati niyang pakikipag-relasyon.

"Mahalaga po sa isang relasyon, magkaroon kayo ng 'space,'" sambit niya. "Hindi naman komo kayo, e... kailangan, siyempre, may privacy pa rin. Kumbaga, siya [Johlan], ginagawa pa rin niya yung gusto niya; ako, nagagawa ko pa rin yung gusto ko. Ganu'n kami.

"Kaya pag may kaibigan siya, halimbawa, manonood sila ng sine, o kakain sila [sa labas], okey lang naman. Tiwala naman ako sa kanya, na hindi naman niya ako lolokohin," na aminadong hindi sila magtatagal ni Johlan kung hindi siya naging mas open-minded.

Si Johlan Veluz, para kay Edgar Allan, ang dahilan ng pagiging mature boyfriend niya.

"Dahil sa kanya, mas naging pasensiyoso ako; mas naging maintindihin ako, kesa before, na yun nga, parang seloso [ako]," sabi niya. "Dito [with Jolan], parang naintindihan ko, na gano'n talaga, kailangan makipag-usap ka rin, kailangan may kaibigan pa rin..."

Looking back, masakit para sa aktor ang iba't ibang pakikipag-relasyon, noong teen-ager pa lang siya. Edgar Allan turned 21 years old last year (November 20).

"Oo naman," nangiti uli siya. "Lahat naman sila, siniryoso ko, e. Pero dito [kay Johlan] lang talaga ako tumagal. Gano'n po talaga ako, e, kahit sa family..."

Family consists of his mom, Rosario, and three siblings: Bob James, 28; Michael Vincent, 27; and only sister, Michelle Cindy, 25. Noong 2003 pumanaw ang kanilang ama (Edgar Alenzuela Guzman) na isang negosyante (trader). Thirteen years old pa lang noon si Edgar Allan. With his father's demise, namulat siya sa responsibilidad na kailangang gampanan sa pamilyang naulila sa ama, tulad din ng kanyang mga kapatid na sina Bob (ngayo'y isa sa mga dancers ng Fantastik), Michael at Michelle, parehong call center agents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON IWA MOTO. Sa PEP interview ay nagbahagi rin si Edgar Allan ng ilang detalye tungkol sa naging ugnayan nila ng GMA-7 talent, ang StarStruck finalist na si Iwa Moto.

"One month lang [kami naging mag-on], e... noong 2007. One year pa lang ako [sa showbiz]," banggit niya. "Okey lang naman po. Pero siyempre, baka sabihin niya, ikinakalat ko.

"Sa akin naman po, okey lang," dagdag pa niya. "Ako naman po talaga yung nagloko. Kasi, that time, may [non-showbiz] girlfriend ako... tapos, niligawan ko si [Iwa]. Pero ang akala ko dun sa isang girlfriend ko, wala na kami. Wala nang official break-up.

"So, nalaman [ni Iwa]; nakausap niya yung babae," pagtukoy pa ni Edgar Allan sa sitwasyon noon, na may love triangle palang namamagitan sa kanila nina Iwa at ng non-showbiz girl. "Pinapili niya ako, kung sino sa kanila. Pinili ko yung non-showbiz... kasi mas matagal [na kami], mas kilala ko.

"Si Iwa, oo, mabait si Iwa," seryosong pahayag pa niya. "Kung hindi ako nagloko, siguro, hanggang ngayon, kami pa rin. Pero hindi ko [rin] masasabi. Mabait naman si Iwa."

Ano'ng nangyari sa kanila ng non-showbiz girl na pinili niya?

"Naghiwalay din kami," sabi niya. "Mga weeks lang [uli kami]. Hindi na nag-work out, e. Sa akin, okey lang naman. Move on naman ako agad, e. Kasi nandiyan na yung trabaho."

Higit sa lahat, nariyan na nga si Johlan, na nagpapasaya kay Edgar Allan sa loob ng mahigit dalawang taon na ngayon.

"Sabi nga ni Johlan, 'Alam mo, nakita kitang mag-binata; nakita kitang mag-grow!' Kasi, dati po, payat ako talaga! Pero ngayon, may balat... [may] balbas na ako!" natatawang sabi pa ni Edgar Allan, na totoong inspirado sa ngayon, sa trabaho niya't love life.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN