Jericho Rosales dreams of an international career; plans to study filmmaking abroad

IMAGE 0


"Sana makaabot ako sa Hollywood or makagawa ng ibang pelikula," actor-singer Jericho Rosales says. "Unti-unti, nagkakatotoo yun. Before nung makagawa ako ng film sa Malaysia, nag-film kami sa Brussels, nagpunta ako ng Korea, kahit sa mga soaps ko na-feel ko 'yon—for me, little steps, para sa akin, big achievement na yun."


Nagmistulang mini-concert ang launching ng aktor na si Jericho Rosales bilang endorser ng Advil Liqui-Gel pain reliever kaninang hapon, April 12, na ginanap sa opisina ng Wyeth sa Makati City.

Bukod kasi sa formal launching ay umawit din si Echo (nickname ni Jericho) ng mga kantang "And I Love Her," "Beautiful In My Eyes," "Bumuhos Man Ang Ulan," "'Di Bale Na Lang," at "Change The World," na labis namang ikinatuwa ng mga bisita at empleyado ng nabanggit na pharmaceutical firm.

Pagdating sa kanyang huling dalawang awitin ay tinawag pa ni Echo ang miyembro ng kanyang dating banda na Jeans para samahan siya sa maliit na stage at tulungan siyang libangin ang mga manonood na nagkumpol sa function hall.

BIG CAREER PLANS. Masaya si Echo sa kasalukuyang itinatakbo ng kanyang showbiz career. Bukod kasi sa napapanood siya sa ABS-CBN primetime series na Green Rose, patuloy rin ang pagdating ng mga endorsement deals kay Echo.

Excited naman si Echo sa nalalapit na premiere sa U.S. ng pelikulang Subject: I Love You.

Nakatakdang magtungo ng Estados Unidos si Echo sa katapusan ng buwang ito para i-promote ang nasabing pelikula, isang action-drama at romance film na base sa ILOVEYOU virus na kumalat noong taong 2000.

Ang nasabing virus—na kumalat sa buong mundo at umabot maging sa Pentagon, CIA, at British Parliament—ay nagmula sa Pilipinas at sinasabing nagsanhi ng bilyon-bilyong pinsala sa mga computer system.

"Itong trip to L.A., at the end of the month, sana it could open doors not just for me but para sa mga kapwa nating artista na Pilipino dito," pahayag ni Echo.

Hindi itinanggi ni Echo na pangarap niya na makagawa pa ng maraming international films kung mabibigyan siya ng sapat na pagkakataon.

"Sana mabigyan ako ng break," ngiti ni Echo. "Sana may makapansin sa atin dun na producer o kung anuman. Kahit mag-audition ulit ako, I would! Gagawin ko ulit 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Echo: "But I will never leave my career here in Manila kasi nandito talaga yung puso ko, e. But if God tells me to expand, sige, dun muna ako. But I'll make sure na hindi ko mapapabayaan yung trabaho ko dito."

Kung local film projects naman ang pag-uusapan, tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap at pagsuri ni Echo at ng kanyang manager na si Angeli Valenciano ng mga materyal at scripts para mahimay nilang mabuti ang proyektong iniaalok.

"Yes, may offers. But at the moment, pinag-aaralan talaga naming mabuti whether it's a big commercial project or an independent project, which, by the way, hindi pa ako nakakagawa ng independent na pelikula," kuwento ng aktor.

Nabanggit din ni Echo ang plano niya na mag-aral ng filmmaking bago matapos ang taong ito.

"Na-realize ko na meron akong skill sa pagdi-direct. I directed a couple of music videos, very simple ones, and gusto ko lang i-explore at i-enhance. I want to go to New York and to study there habang may pinapalabas na show dito," pahayag ni Echo.

STILL CLOSE WITH CESCA. Muli ay nilinaw ni Echo na walang namamagitan sa kanila ng Malaysian actress na si Carmen Soo sa kabila ng mga balita na nakikita silang magkasama tuwing nandito ang banyagang aktres.

"We're friends," diretsong sambit ni Echo.

"Siya yung tipong kaibigan ko na naging kaibigan din ng mga tita ko at ng manager ko. Whenever she's here, magdi-dinner kami or magla-lunch kami kasi kailangan talaga, and that's how Malaysians or Singaporeans are, di ba?

"Pag pumupunta ako sa Singapore or Malaysia, hindi puwedeng hindi ako ilalabas ng mga kaibigan ko dun, and iba silang mag-isip—ano man yung isyu mo, wala na 'yon, tapos na 'yon."

At dahil walang present girlfriend si Echo ay hindi maiwasan na pag-usapan ang kanyang mga dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't wala na sila ng showbiz reporter na si Cesca Litton ay nananatiling close pa rin ang dalawa at madalas nga ay nakikita pa rin silang magkasama sa labas.

"I think Cesca and I have reached a point na talagang okay kaming dalawa," sabi ni Echo.

Kumpara sa mga dating nakarelasyon ni Echo, katulad nina Kristine Hermosa at Heart Evangelista, kay Cesca lang siya patuloy na naging malapit sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

"Iba lang siya mag-isip. Ano siya, e, resonable... I'm not saying na yung iba hindi. Mabilis lang siguro siya mag-accept ng mga bagay. 'Tsaka siguro this time, mas mature ako ngayon na na-explain ko nang maayos kung anong nangyari sa amin," sabi ni Echo.

Alam naman ni Echo na hindi posibleng maging malapit pa rin siya sa lahat ng mga dating nakarelasyon katulad ng kung anong meron sa kanila ngayon ni Cesca.

"Siyempre, yung iba hindi na kayo puwedeng chummy-chummy, and respeto na rin 'yon, and I can understand that," sabi ng mahusay na aktor.

"Ano lang kasi, nasa sa 'yo yun, e, kung okay ka lang din, tsaka depende sa intensiyon mo at gusto mong paratingin, di ba? E, ako, pag ganun, meron akong... I'm not saying na advice ko sa lahat 'to, pero the best na maging kaibigan mo is yung ex mo, kasi kilala ka na, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN