Pilar Pilapil's daughter explains her silence about mom's life-threatening experience

IMAGE 0


This photo of Pilar Pilapil was taken at the presscon of The Vagina Monologues on April 14, a few hours before the actress was reportedly abducted by armed men and stabbed before being dumped in a grassy lot in Antipolo City, according to a police report.


Ayon sa pahayag ni Joey de Leon kanina sa StarTalk TX, April 16, nakausap ng StarTalk TX ang nag-iisang anak ni Miss Pilar Pilapil na si Pia Pilapil hinggil sa nangyari sa kanyang ina. Humihingi daw ng paumahin si Pia sa kanilang patuloy na pananahimik tungkol sa nangyari.

Mismong si Miss Pilar Pilapil na raw kasi diumano ang nakiusap na huwag muna silang maglabas ng anumang pahayag.

In due time ay magsasalita rin daw sila tungkol sa naturang insidente.

Nakiusap si Pia na hayaan munang maka-recover at makapagpagaling ang kanyang butihing ina.

Isinugod sa ospital ang beteranang aktres matapos na magtamo ng maraming saksak sa katawan noong madaling-araw ng Abril 15. Ayon sa police report, hinihinalang biktima ng carjacking ang dating beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN