Iza Calzado's boyfriend startled by her outrageous makeup in I ♥ You Pare

IMAGE 0


"E, kung sa lalaki nga, nakikipag-kissing scene ako, di ba? I mean, kahit hindi ko boyfriend, pero kapag eksena sa pelikula or TV show, pumapayag naman ako. So, why not kung sa kapwa ko babae?" replies Iza Calzado when asked if she is willing to do a kissing scene with a another actress.


Natatawang ikinuwento ni Iza Calzado sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa reaksiyon ng boyfriend niyang si Atticus King sa itsura niya bilang si Tonette sa I ♥ You Pare.

Isang tunay na babaeng nagpapanggap na bakla/gay performer si Iza sa papel na unang ginampanan ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa naturang romantic-comedy series ng GMA-7 na pinagbibidahan din ni Dingdong Dantes.

"Minsan kasi, umuwi ako na naka-makeup pa, nandoon siya [Atticus], tapos parang nagulat siya, sabi niya 'My God, what did they do to you?!'

"Hindi naman siya nandiri, parang medyo ilang lang, medyo pormal habang magkausap kami. Tapos nung nagtanggal na ako ng makeup, 'tsaka pa lang kami naging friends ulit!" ang tumatawang kuwento ni Iza nang bisitahin ng PEP ang taping niya sa Marikina Hotel and Convention Centre sa Marikina City kahapon, April 15.

Hindi raw kasi nakakapanood si Atticus ng show ni Iza kaya nagulat ito nang nakita ang outrageous makeup ng aktres.

Since Holy Week na sa susunod na linggo, naitanong namin kay Iza kung saan niya balak pumunta. Aniya, pupunta sila ni Atticus sa Palawan next week.

"No, hindi kaming dalawa lang, marami kami," banggit niya nang itanong din namin kung sila lang ni Atticus ang magbabakasyon.

FROM GAY TO LESBIAN? Since nagkukunwaring gay ang role niya sa I ♥ You Pare, papayag kaya siya kung tomboy naman ang role na i-offer sa kanya sa isang project?

"Yeah, pero yung lipstick lesbian," sagot ni Iza, na ang ibig niyang sabihin ay yung tomboy na hitsurang babae pa rin.

Papayag kaya siya kung may kissing scene siya sa kapwa niya artistang babae?

"Why not? E, kung sa lalaki nga, nakikipag-kissing scene ako, di ba? I mean, kahit hindi ko boyfriend, pero kapag eksena sa pelikula or TV show, pumapayag naman ako. So, why not kung sa kapwa ko babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trabaho lang 'yon. And ako siguro ang pipili kung sino ang makaka-kissing scene ko. At saka yung wala namang tongue, yung kiss na labi lang, walang tongue," sabi niya.

Nabanggit si Marian Rivera na puwede niyang maka-kissing scene since nakatrabaho na niya ang girlfriend ni Dingdong sa pelikulang One True Love, bukod pa sa kumportable na siya rito.


ANG PANDAY 2. Naikuwento rin ni Iza na naging kumportable siya working with Lucy Torres-Gomez sa pelikulang Ang Panday 2.

"Very first niya yun na movie na may speaking lines siya, siya ang gumaganap na mother ko. Nag-shoot na kami last Tuesday. Enjoy naman, kumportable kasi nagkatrabaho na kami sa Sweet Life," kuwento niya.

Kumportable rin daw siya sa iba pang mga aktres na kasama sa Ang Panday 2 na tulad nina Marian at Rhian Ramos, na mga nakatrabaho na rin niya before.

CONTRACT EXPIRATION. May exclusive contract si Iza sa GMA-7 hanggang November this year. Magre-renew ba siya kung matapos na ito?

"Uupuan namin 'yan, pag-uusapan namin, of course with my manager," sabi ni Iza, na ang tinutukoy niya ay ang nagpapatakbo ng kanyang career na si Noel Ferrer.

May offer ba sa kanya ang TV5, kung saan konektado ang kanyang manager?

"Wala akong inupuang meeting na ganyan, so wala akong alam. None that I know of," sabi niya.

Masaya naman daw siya sa Kapuso network.

"Sa sobrang pag-aalaga nila sa akin, bakit naman ako hindi magiging masaya?"

Masaya rin siya bilang isa sa mga co-host ng Eat Bulaga! kaya hindi siya umaalis dito.

"Napakabait nila sa akin, na puwede akong magtrabaho for them anytime, kapag wala akong shooting or taping, na I can go and host for the show if I can. Kahit noon pa naman, na wala pa akong shows, sinasalo nila ako palagi," saad ng aktres.

DIET. Very slim si Iza ngayon. Ayon sa kanya, carbs (carbohydrates) at sugar ang inalis niya sa kanyang diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati raw ay hindi siya kumakain ng pork at puro fish and vegetables lamang. Pero she was informed na importante ang protein sa diet kaya hindi dapat inaalis, kaya bumalik siya sa pagkain ng meat, tulad ng beef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN