Aiko Melendez's camp cries "unfair" to Bulacan mayors' resolution declaring the actress persona non grata

IMAGE 0


"Yung alitan nina Aiko Melendez at Mayor Patrick Meneses, personal 'yan na bagay, e. Hindi na sila dapat makisali diyan," says Atty. Adel Tamano, legal counsel of Aiko Melendez, about the resolution of the mayors of Bulacan to declaring his client persona non grata.


Sumisigaw ng "unfair" ang kampo ni Aiko Melendez dahil sa inihaing resolusyon ng league of mayors ng Bulacan para patawan ng persona non grata ang aktres, na nagbabawal sa kanya na tumuntong at tumanggap ng trabaho sa lalawigan ng Bulacan.

Nag-ugat ang kontrobersiya sa diumano'y paninirang-puri ni Aiko gamit ang kanyang Twitter account sa kanyang ex-boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque. (CLICK HERE to read related story.)

Nauna nang nag-file ng kasong libel ang dalawang alkalde laban sa aktres. Kasunod nito ay hinimok nila ang kapwa nila mayors sa Bulacan para suportahan ang resolusyon na magdedeklara kay Aiko bilang persona non grata sa Bulacan. (CLICK HERE to read related story.)

Sa huling interview ni Aiko Melendez, sinabi niyang handa niyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya nina Mayors Patrick Meneses at Enrico Roque.

Itinanggi niya rin na siya ang mastermind sa planong paninira sa dalawang mayors. Aniya, na-hack lamang daw ang kanyang account. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ngayon nga ay pumalag ng kampo ni Aiko sa aksyon ng mga Bulacan mayors para ideklara siyang persona non grata.

Sa phone-patch interview kagabi, May 9, sa legal counsel ni Aiko na si Atty. Adel Tamano ng showbiz program ng GMA News TV Channel 11, ang Tweetbiz Insiders, sinabi ng abugado na hindi makatarungan ang aksyong ito ng mga Bulacan mayors.

"Nagpadala na kami ng sulat sa 21 mayors," sabi niya.

"Simple lang yung letter namin, ipinapaalala namin doon sa mayors na nag-sign na siguro magandang i-withdraw na nila yung signature nila dun sa resolution because the resolution is unlawful.

"Yung alitan nina Aiko Melendez at Mayor Patrick Meneses, personal 'yan na bagay, e. Hindi na sila dapat makisali diyan."

May mga karapatan daw si Aiko na nilalabag ng naturang resolusyon.

"Kailangan din maalala ng mga mayors na may karapatan ang kliyente ko," paalala ni Atty. Tamano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One of her rights is of course to exercise yung profession niya bilang artista.

"Pangalawa, yung karapatan niyang mag-travel. Ang problema when you're declared a persona non grata, hindi ka puwedeng mag-travel within the province of Bulacan.

"And labag 'yan sa karapatan ng kliyente ko because as we know, bilang artista, she may have to do tapings or shows sa Bulacan."


VICE GOVERNOR DANIEL FERNANDO. Samantala, nakahanap din ng isa pang kakampi si Aiko sa katauhan ng aktor at Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

Tinututulan nito ang pagdedeklara kay Aiko bilang persona non grata sa kanilang probinsiya.

Sa report ng GMA News, nakiusap si Vice Gov. Fernando sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan na bigyan muna si Aiko ng panahon para ayusin ang gusot nito kay Mayor Patrick, at huwag munang ideklarang persona non grata ang aktres.

Ayon pa sa Vice Governor, pare-pareho niyang kaibigan sina Aiko, Mayor Meneses, at Mayor Roque kaya nais niyang makatulong.

"Si Aiko, malapit sa akin, kaibigan ko. Si Mayor Patrick, kaibigan ko.

"Dapat sa kanila mag-usap na lang. Kaibigan nila ako, gusto ko silang pag-ayusin na walang masasaktan," sambit ng Bulacan Vice Governor.

Pero ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang nanindigan na dapat katigan ang nauna nang posisyon ng league of municipalities ng Bulacan na ideklara si Aiko bilang persona non grata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN