Aiko Melendez files counter affidavit on libel case filed against her by ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses

IMAGE 0


Actress and former Quezon City councilor Aiko Melendez filed a counter affidavit on the libel case filed against her by ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses yesterday, May 30, at the fiscal's office of Malolos, Bulacan.


Pormal nang nag-file kahapon, May 30, sa Malolos Fiscal's Office sa Bulacan ng counter-affidavit ang aktres na si Aiko Melendez.

Ito ay bilang tugon sa kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Kasamang nag-file ni Aiko ang isa sa kanyang legal counsels na si Atty. Peter John Javier, ang partner ni Atty. Adel Tamano sa law firm nito.

Sa interview sa kanya ng Tweetbiz Insiders at In The Limelight na ipinalabas ngayong gabi, May 31, sa GMA News TV Channel 11, inihayag ni Aiko ang kanyang saloobin tungkol sa ginawa niyang pagpa-file.

"We always want this to end in such a way na maayos lahat.

"Pero siyempre we have to prove it na, you know, I still stand by my ground that I did not do anything to malign anyone.

"So, we will prove that," sabi ni Aiko.

Matatandaang nagsampa ng kasong libelo si Mayor Meneses laban kay Aiko at ilan pang tao sa Prosecutors Office ng Malolos Regional Trial Court noong Abril 28. (CLICK HERE to read related story.)

Ito ay dahil sa diumano'y mga malisyosong pagkuwestiyon ni Aiko sa kanyang pagkalalaki, na nagmula diumano sa direct messages sa Twitter account ng aktres at ng kaibigan nitong bakla.

Nakasaad diumano sa nasabing online conversation ang planong magpakalat ng blind item para sirain si Mayor Meneses. (CLICK HERE to read related story.)

Pati ang kaibigan ni Mayor Meneses na si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, na nadawit din sa nasabing eskandalo, ay nagsampa rin ng kasong libelo laban kay Aiko.

Tulad ng mga naunang interview ni Aiko, muli niyang sinabi na handa niyang harapin ang kasong ito.

"Haharapin ko po yung libelo po na pinayl po sa akin ng ex-boyfriend ko na si Mayor Patrick Meneses at ng kanyang kaibigan na si Mayor Enrico Roque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Haharapin ko po iyan hanggang saan po kami makarating," sabi niya.

PERSONA NON GRATA. Kung meron mang gustong iapela si Aiko, ito ay ang resolusyong inihain ng 21 alkalde ng Bulacan para ideklara siyang persona non grata sa lalawigan.

Ayon sa mga alkaldeng pumirma, suporta raw nila ito kina Mayors Meneses at Roque.

"Alam naman po ng mga mayors na wala pong basis... wala po akong sinabing masama about Bulacan.

"Gusto ko lang pong iparating sa inyo, hindi pa po ako guilty," sabi ni Aiko.

Gayunpaman, sa phone-patch interview kay Aiko ng Tweetbiz noong isang linggo ay ibinalita nitong nakapag-taping siya ng ginagawa niyang teleserye sa isang bayan sa Bulacan dahil ang mayor daw nito ay hindi kasama sa mga nagsusulong ng persona non grata sa kanya.

Sa kanilang tumitinding legal battle, ito naman ang stand ni Aiko sa posibilidad na magkaayos sila ni Mayor Meneses sa labas ng korte:

"Hindi, kung open siya, di sana hindi na ito natuloy.

"Malalim na po kasi ang naidala po [nito sa akin], lalung-lalo na sa anak ko po [11-year-old son Andre].

"Pasensiya na po. Siguro magiging kakampi ko na lang is ang Diyos, ang katotohanan."

OGIE DIAZ. Samantala, kasama rin ni Aiko sa Malolos ang kaibigan niyang TV host at manunulat na si Ogie Diaz na idinawit ni Mayor Meneses sa libel case.

"Wala ngang ideya si Ogie kung bakit nadawit ang pangalan niya sa demandahan ng mag-ex.

"Kahit ako nagtataka kung bakit ako nademanda," sabi ni Ogie.

"Isa siyang sorpresang dumating sa akin na na-mention lang doon sa inaakusa nilang DM [direct messages] yung pangalan ko.

"Yun na, libel na. E, wala naman akong isinusulat.

"Wala rin naman akong pinakakawalang statement sa TV.

"Hindi ako nakikialam, hindi ako nakikisawsaw na parang bawang," himutok pa niya.

Hindi naman maiwasang maawa ni Aiko sa pagkakadamay sa kaso ng kanyang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakaawa si Ogie Diaz kasi, I mean, people don't know na he's part of the demanda now," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN