PEP EXCLUSIVE: Pia Guanio answers latest issues straight from Vancouver—marriage rumors, kissing photos, Bossing Vic

IMAGE 0


"E, bakit naman magbabago? Kailangan bang magbago ang lahat? Hindi naman, di ba? Why should it have to be ugly? It's nice that a lot of things are maintained," says Pia Guanio about still being close to Vic Sotto despite their rumored breakup.


VANCOUVER, CANADA - Nakunan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host na si Pia Guanio hinggil sa maiinit na isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Habang abala ang buong Eat Bulaga! Dabarkads sa paghahanda para sa show na gaganapin dito sa Sabado, April 23, 7 p.m., Vancouver time (Linggo, April 24, 10 a.m. Manila time), kasabay na rin ang pag-e-enjoy sa kanilang maiksing bakasyon sa maganda at malamig na siyudad na ito, ay sinikap kunan ng pahayag ng PEP ang EB co-host.


IS PIA GETTING MARRIED? Unang isyu ay yung nasulat sa isang tabloid column na diumano ay magpapakasal na siya sa kanyang napapabalitang non-showbiz boyfriend na ang first name ay Steve.

"Ha? Talaga!? Buti pa sila, alam nila. May ganun ba?" natatawang bulalas ni Pia, na sinundan niya ng, "Baka may magpo-propose! Hahahaha!"

Dagdag niyang sagot, wala raw nanggagaling sa kanya na ganung balita kaya hindi niya alam kung bakit may lumabas na gano'n.

Definitely ay wala rin daw kinalaman doon ang kanyang manager na si June Torrejon dahil wala siyang nababanggit dito na kung anuman.

"I hope I can give a reaction to that, pero wala talaga."

Pabirong sabi pa sa amin ni Pia, kung sakaling meron man siyang ia-announce ay isa kami sa mga una niyang sasabihan nito dahil matagal na namin siyang kachika at ayaw niyang masira ang aming friendship.

Manggagaling daw 'yon mismo sa kanya at hindi 'yung mauuna pang magbalita ang ibang tao.

MYSTERY DATE. Ang sunod naming hiningan ng paliwanag sa kanya ay yung kumalat na pictures recently sa Internet.

May isang female TV host na nakunan ng cellphone pictures na nakikipaghalikan sa kasama nitong lalaki sa isang restaurant sa Makati.

Nailathala rin ang mga larawang ito sa PEP noong Linggo, April 17. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi man direktang pinangalanan ng blogger na unang naglabas nito, na si Pia ang babaeng 'yon, ay maaaninag mula sa medyo may kalabuang photos na tila kamukha niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati ang mga ibinigay na clues ng blogger ay halatang patungkol sa kanya.

May ilang showbiz columnists na rin na diretso nang pinangalanan na si Pia ang babae sa mga kumalat na litrato.

Bilang sagot, kaswal na sinabi sa amin ng TV host na last Sunday, April 17, niya unang narinig ang tungkol doon. May ilang staff daw sila sa Showbiz Central na nagbanggit sa kanya.

Pero hanggang doon lang daw 'yon dahil siya mismo ay hindi pa niya nakikita ang nasabing kumakalat na pictures.

Hindi ginawan ng istorya ng Showbiz Central ang naturang isyu, pero tila balak daw ng show na pagsalitain siya at kunin ang kanyang side about the matter. Isa sa mga hosts ng showbiz talk show na ito ng GMA-7 si Pia.

Tinawanan lang daw ito ni Pia at sinabing huwag na lang siya ang pag-usapan sa kanilang show at humanap na lang ng ibang istorya.

Sa PEP, ito ang sinabi niya, sa tonong kaswal: "I don't really care because I try to stay away from those things.

"I'm sorry, pero hindi ako nagbabasa ng mga ganung blogs at ng iba pang online sites, so hindi ko pa talaga nakikita yung pictures.

"At saka I don't have naman to explain myself to anyone. I'm answerable only to myself, to my God, and to my bosses.

"My life is an open book, so hindi ako naba-bother sa mga ganung bagay.

"I don't owe anybody an explanation."

STATUS OF RELATIONSHIP WITH BOSSING. Ang pangatlo at huling isyu na pina-clarify namin sa kanya ay kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Vic Sotto.

Ang Vancouver trip na ito ang first time na nagsama ulit silang dalawa sa biyahe matapos mapabalitang naghiwalay sila last year.

Bilang eyewitness na kasama sa lakad na ito ng grupo, ang writer na ito mismo ay nagtatanong dahil halos palagi pa rin silang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi sila sabay na dumating at nag-check in sa Centennial airport ng NAIA nang umalis ang tropa diyan sa Pilipinas nung Martes, April 19.

Pero sa unang dinner ng Dabarkads dito nung Martes (Vancouver time), sa The Boathouse resto, ay magkatabi silang dalawa ng upuan.

Si Pia pa ang nagsasabi kung ano'ng dapat orderin ni Bossing.

Sa breakfast sa isang café outside the hotel nung Wednesday morning, sila rin ang magkatabi. Kahit kasama nila sa table sina Senator Tito Sotto at Mr. and Mrs. Tony Tuviera, ang big boss ng TAPE, Inc. na producer ng Eat Bulaga!

Maging sa dinner ng grupo kinagabihan sa isang Chinese restaurant ay sina Pia at Vic pa rin ang magkatabi. May mga moments pa na si Pia ang naglalagay ng food sa plato ni Bossing and vice-versa.

In short ay parang ganun pa rin sila ka-sweet sa isa't isa, at ang dating ay tila wala namang nagbago.

Bakit nga ba ganun, samantalang ang alam ng marami ay nakatagpo na ng bagong pag-ibig si Pia?

"E, bakit naman magbabago? Kailangan bang magbago ang lahat?

"Hindi naman, di ba? Why should it have to be ugly? It's nice that a lot of things are maintained," malumanay na sagot ni Pia.

Medyo naguguluhan lang yung ibang tao dahil ang dating ng mga ikinikilos nila ay silang dalawa pa rin.

"Why will you stop yourself from caring about the person, di ba?

"Kailangan ba mag-away kami? Dapat bang maging angry kami towards each other?

"That's not being Christian, because God said love others as yourself.

"In fact, the Bible says love your enemies. Hindi ko sinasabing kaaway ko si Vic, ha?

"I mean, it's to that extreme. How much more yung hindi mo enemy?" paliwanag niya, na wala pa ring diretsong admission na wala na talaga sila ni Vic at meron na siyang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So you just have to read between the lines.

Samantala, masasabing kahanga-hanga ang sitwasyon nila ni Vic dahil napanatili nila ang maganda nilang relasyon.

"Maybe it's because we really have many things in common.

"And just because some things have changed, dapat ba magbago na rin kami towards each other? That's also open to everyone's interpretation.

"At saka yun talaga ang mas iniisip ko ngayon—si God—for you to find peace and happiness."

Happy ba siya ngayon?

"Yes, I'm happy. I'm at peace," mabilis na sagot ni Pia.

Masaya siya kahit may mga tao na mas gusto na silang dalawa pa rin ni Vic? Na hindi pabor na meron na siyang bagong karelasyon?

"Ako, I'm at peace with myself and with everybody. Kung sila hindi, e, problema na nila 'yon.

"Hindi ko na masyadong iniintindi 'yon because love lang nang love dapat.

"Basta ako, masaya ako. Walang makakabasag sa trip ko these days!

"Problema n'yo na 'yan. Pasensiya na kayo, ha? Hahaha!

"Happy na ako. Sana, maging happy na rin sila for me, and I'll be happy for them as well," ang makahulugang last line ni Pia.

Bago pa ito pagmulan ng kung anu-anong reaksiyon ay gusto naming paunahan na kaswal lang ang naging chikahan namin kay Pia habang nandito kami sa Vancouver.

Hindi 'yon pormal na interbyuhan, kundi nakapagsalita lang siya sa amin dahil kampante siya sa amin bilang kaibigan.

Maging saShowbiz Central at "Chika Minute" ng 24 Oras ay iniiwasan niya raw magsalita at mag-react sa mga isyu lalo na kung may kinalaman sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN