Rhian Ramos's legal counsel hopes to settle issue between the actress and Mo Twister out of court

IMAGE 0


"Two parties here had shared a past together and we are hopeful that this matter will be settled and will not be again enlarged out of proportions. Sana on the part of both sides, mag-cool down muna sila," says Atty. Lorna Kapunan about her client Rhian Ramos (in photo) and Mo Twister.


Kahapon lang, May 13, nagkaroon ng pagkakataong magkita sina Rhian Ramos at Atty. Lorna Kapunan.

Si Atty. Kapunan ang siyang napili ng GMA Artist Center na maging legal counsel ng Kapuso star.

Ang abugada ay matatandaang siyang counsel ni James Yap sa annulment and settlement ng basketbolista at ng asawa nitong si Kris Aquino.

Dalawang beses na raw nakapunta si Rhian sa Kapunan, Lotilla, Flores, Garcia & Castillo Law Offices, pero ang partners pa lang nito ang nakakausap niya.

Ayon kay Atty. Kapunan, nakuwento ng isang partner sa kanyang law office na nung unang punta ni Rhian sa kanilang tanggapan, mukhang apektado raw nang husto ang young actress.

"When my partners saw her and talked to her, she seemed very distraught because of what Mo had done to her, certainly.

"She was concerned about how it will affect her contracts that had morality clauses.

"But when she came back yesterday [May 12] and met my partner again, she seemed better.

"And I think what she has found out for herself is there is life outside the relationship," pahayag ni Atty. Kapunan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa kanyang opisina sa The Fort, Taguig City, kahapon.

Ayon pa kay Atty. Kapunan, "I understand from my partner, that she has gotten busy.

"Enrolled in fashion school, yoga classes, and all that.

"So, it's I think her way of coping with the situation, while the lawyers are trying to understand what are the legal options should there be no possibility of a settlement between the two."

Kaibigan din daw ni Atty. Kapunan si DJ Mo dahil kay Hayden Kho Jr., na kliyente niya sa kasong isinampa rito ni Katrina Halili.

Kaya naniniwala raw siyang maaayos ito na hindi na aabot sa demandahan.

Iyon din naman daw talaga ang gusto niya dahil personal na isyu nila ito, na puwedeng pag-usapan na lang nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, it will be settled," sabi ng abugado ni Rhian.

"Two parties here had shared a past together and we are hopeful that this matter will be settled and will not be again enlarged out of proportions.

"Sana on the part of both sides, mag-cool down muna sila.

"Kasi ganyan ang mga magkasintahan o sinumang nasa isang relationship, di ba?

"It's as if the whole world or the whole argument becomes their world."

Dagdag pang paliwanag ni Atty. Kapunan, "Kung kaninumang relationship iyan, kung mag-boyfriend, mag-live in, kung mga nag-aaway, kahit sinuman iyan in a relationship—huwag dapat ma-involve ang media and other parties thru Twitter."

Susubukan din daw ni Atty. Kapunan na makausap si DJ Mo dahil ang isa ngang isyu rito ay ang pagti-tweet ng radio jock/TV personality ng mga intimate moments nila ni Rhian na maaring makaapekto sa public image ni Rhian.

(CLICK HERE to read related story.)

Kung patuloy pa rin daw ang pagti-tweet nito tungkol sa kanila ni Rhian, maaring pag-usapan daw nila ng kanyang kliyente kung anong mabuting gawin para hindi na lumala pa ang kaso.

"Then we will advise our client accordingly," sabi ni Atty. Kapunan.

"Kasi right now, ang feeling namin is, this is all done in haze or without thinking.

"But we are looking at talking to Mo seriously.

"I have guested in his show twice, and I think he's a very rational person.

"And I think if we talk to him, emphasize to him the importance of not damaging other people's reputations, he will also appreciate.

"So we're still hopeful that, in the end, this will be settled out of the court because the parties naman are intelligent and rational people."

Pag-ulit ng abugada, "Being intelligent and rational people, they should settle their differences amicably, and if this fails, we will resort to other legal remedies which we are studying to protect our client's interest."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga ipinost ni DJ Mo sa kanyang Twitter account kamakailan lang ay ito: "Someone please tell me not to hit the destruct button. please tell me not yet."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN