Mo Twister not offended by Rhian Ramos's decision to hire legal counsel

IMAGE 0


"Hindi naman siya naghahanap ng abugado. Parang binigay lang as adviser. At marami namang endorsements si Rhian, marami siyang projects outside GMA na kailangan talagang alagaan. You know, the best thing to do is really to give the right answers. And the right answers could come probably from professionals," says Mo Twister about the decision of Rhian Ramos's camp to hire a legal counsel.


Usap-usapan pa rin ang pagkuha ng abugado ni Rhian Ramos para sumagot sa isyu ng breakup ng aktres at ng TV host at radio jock na si Mo Twister.

Si Atty. Lorna Kapunan ang kinuhang legal counsel ng GMA Artist Center para kay Rhian. (CLICK HERE to read related story.)

Sa lumabas na balita rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinuha raw nila ang serbisyo ni Atty. Kapunan para sa legal issues na kakaharapin ng aktres kaugnay ng mga endorsement nito.

Maaari raw maapektuhan ang mga endorsements ni Rhian ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Mo, lalo na yung may morality clauses dito.

Ayon naman kay Atty. Kapunan, plano niya ring kausapin si Mo tungkol sa isyu nila ni Rhian.

Naniniwala raw kasi siyang maaayos pa ang lahat nang hindi umaabot sa korte.

Pareho naman daw "intelligent and rational" individuals sina Mo at Rhian.

"We are looking at talking to Mo seriously. I have guested in his show twice, and I think he's a very rational person.

"And I think if we talk to him, emphasize to him the importance of not damaging other people's reputations, he will also appreciate [Rhian's position].

"So we're still hopeful that, in the end, this will be settled out of the court because the parties naman are intelligent and rational people," paliwanag ni Atty. Kapunan.

DJ MO REACTS. Kahapon, May 17, hindi maiwasang itanong kay DJ Mo ng co-hosts niya sa Juicy Express—daily showbiz talk show ng TV5—ang tungkol sa pagkuha ng abugado ni Rhian.

Si Cristy Fermin kasi ay nagpahayag ng pagkontra sa bagay na ito.

Aniya, "Ako, kaya kong tanggapin yung panghihingi ng pieces of advice sa isang lawyer.

"Pero kung gagawin mo yun sa isang paraan para lang mang-intimidate ka at makaganti ka, hindi ako pasable dun."

Kaya hiningi ni Cristy ang reaksiyon ni Mo sa pagkuha ng kampo ni Rhian ng legal counsel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro just for advice," sambit ng radio-TV host.

"Ayoko naman sana yung mga tao, i-give too much sa pagkuha ni Rhian ng lawyer. Kasi sa lawyer na assigned, I think, ng GMA para sa kanya.

"Hindi naman siya naghahanap ng abugado. Parang binigay lang as adviser.

"At marami namang endorsements si Rhian, marami siyang projects outside GMA na kailangan talagang alagaan.

"You know, the best thing to do is really to give the right answers.

"And the right answers could come probably from professionals."

Bagamat sinasabi ng ilan na may iba pang reason sa pagkuha ng abugado ni Rhian, iba naman ang pananaw ni Mo dito.

"Pero again, I think hindi si Rhian ang kumuha dito. It was assigned to her.

"Ginagawa niya lang yung gustong gawin ng employers niya.

"At ang employer niya, yung GMA. So, huwag naman sanang isisi kay Rhian," sabi ni Mo na nagdi-deklara pa rin ng pagmamahal niya sa dalaga.

Hindi ba siya nao-offend dito?

"No, I'm not offended by any means at all," sagot ni Mo.

"At yung lawyer naman niya ay isang kaibigan ko.

"So, this is something just to help us mediate about the issues."

Naging kaibigan ni Atty. Kapunan si Mo dahil kay Hayden Kho Jr., na kliyente ng abugado sa kasong isinampa rito ni Katrina Halili.

Samantala, nagpadala ng text message ang corporate communications department ng GMA-7 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang ituwid daw ang isyu.

Sinabi nilang walang anumang partisipasyon ang network sa pagkakaroon ng legal counsel ni Rhian.

Ang maikling statament ng GMA-7: "The decision to hire a legal counsel was not made by GMA Network. It was a personal decision of Rhian and her family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN