Mo Twister blames Twitter for his feud with Rhian Ramos; denies living in with her

IMAGE 0


"Hindi kami nagli-live in. When I say 'Rhian come home' or 'I wish you could come home,' it's not the structure. Home is Rhian and I—that's how we would refer to it," explains Mo Twister.


"I'm dying!"

Ito ang dramatic na sagot ni Mo Twister nang tanungin kung kumusta na siya ngayon.

Bago raw kasi naganap ang Twitter issue nila ni Rhian Ramos ay maayos ang kanilang relasyon.

"It was better than ever, there were no bad days except now, so it's like dying."

Ginawa ni Mo ang pahayag na ito nang maging sentro siya ng usapan sa Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi kahapon, May 8. Isa si Mo sa hosts ng programa.

Matatandaang nagkaroon ng problema sa relasyon nina Mo at Rhian nang magkasagutan sila sa Twitter noong Tuesday night, May 3. (CLICK HERE to read related story.)

Apparently, nag-react si Mo sa tweet na ito diumano ni Rhian:

"Exactly 1yr of being together, we have broken up. Thank you for loving me. It had amazing moments and I'm sorry.."

Hanggang sa humaba na ang usapan nila na nauwi sa kanilang pag-aaway.

Pero ayon kay Rhian ay hindi siya ang nag-tweet nito at may nag-hack sa kanyang Twitter account.

AMININ. During the show, sinagot ni Mo ang mga tanong ng invited press sa "Presscon Express" segment.

May nagtanong kung bakit hindi sila umamin noon pa ni Rhian na may relasyon sila.

Bagamat matagal nang usap-usapan na may namamagitan sa kanila ay panay ang tanggi ng dalawa tuwing tinatanong sila tungkol dito.

Kung hindi pa nga sila nag-away sa Twitter ay hindi makukumpirma na sila na nga.

"Siguro for a lot of reasons," sagot ni Mo, na namumugto pa rin ang mga mata, marahil dahil sa kakaiyak sa sinapit ng relasyon nila ni Rhian.

"Sa career, I mean hindi naman kailangang lahat ng showbiz relationships inaamin, di ba?

"May mga artista na mag-on, pero hindi naman nila inaamin. Even the biggest celebrities take their time.

"So, siguro it was a timing thing na lang, na we'll wait na lang until we feel that's something na ise-share namin sa lahat ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We just wanted to wait and take our time."

KISS AND TELL. Inamin din ni Mo na si Rhian nga ang tinutukoy niyang babae sa napakahaba niyang pahayag sa TweetDeck, kunsaan sinariwa niya ang sweet moments nila sa iba't ibang panig ng mundo. (CLICK HERE to read related story.)

Pero dahil sa isinulat niya ay marami ang nag-react at sinabing "kiss and tell" daw ang radio ang TV host.

Ano ang reaksiyon dito ni Mo?

"All I want siguro to say is that you know... I'm sorry if any of these things has hurt her family, her fans, yung mga tao closest to Rhian.

"Na this whole Twitter thing was a mistake on both our parts, or an accident.

"I really hope we find a way na yung buwisit na Twitter na 'yan... Na maayos na namin ito kasi it was really the cause of all these."


LIVE-IN ISSUE. Dahil din sa pagsisiwalat ni Mo sa Twitter ng maliligayang araw nila ni Rhian, marami ang nag-conclude na nagli-live in na diumano ang dalawa.

Pero pinabulaanan ito ni Mo.

"Hindi kami nagli-live in," diin niya.

"When I say 'Rhian come home' or 'I wish you could come home,' it's not the structure.

"Home is Rhian and I—that's how we would refer to it.

"Si Rhian's not the type na makikipag-live in kasama ang isang guy na hindi kasal.

"Yung family niya, hindi sila papayag na makipag-live in sa isang lalaki.

"So, yung tinutukoy kong home is us, come home to us."

Ipinaliwanag din ni Mo ang tungkol sa hibla ng buhok sa shower na isinulat niya sa Twitter.

"Actually, I'll be honest that, siyempre, there were times she needs to, you know, use my house for, like, a quick shower or something.

"Kasi halimbawa galing kami sa airport at that time and then... So it's not like... Hindi kami nagli-live in," ulit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng mga pahayag na ito ni Mo, hindi pa rin malinaw kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Rhian.

Kung break na ba sila, o posible pang ayusin ang anumang problema nila.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag si Rhian tungkol sa mga sinabi ni Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN