Kylie Padilla shrugs off negative comments about bagging lead role in Blusang Itim

IMAGE 0


"I'm very happy with the role. Even though may mga naririnig ako na medyo masakit... Nakuha ko lang daw po ang role dahil kay Papa lang. Pero ano naman po ito, manood na lang sila. Makita nilang pinaghirapan ko rin and I auditioned," says Kylie Padilla about bagging the role of Jessa in Blusang Itim.


Si Kylie Padilla ang napili ng GMA-7 na gumanap sa TV remake ng 1986 film Blusang Itim, na unang pinagbidahan ni Snooky Serna.

Hindi pa raw napapanood ni Kylie ang movie version ng Blusang Itim. Wala na raw kasi siyang mahanap na kopya ng pelikula.

Pero aware si Kylie na malaking oportunidad ang ipinagkaloob sa kanya ng Kapuso network.

Gagampanan niya rito ang papel ni Jessa, isang babae na hindi kagandahan ang mukha. Ngunit kapag isinusuot niya ang mahiwagang blusang itim ay magpapalit ang kanya anyo at gumaganda siya.

"I'm very happy with the role. Even though may mga naririnig ako na medyo masakit," nakangiting sabi ni Kylie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Blusang Itim kagabi, May 9.

Anong mga naririnig niyang "masakit"?

"Tulad po ng nakuha ko lang daw po ang role dahil kay Papa lang," sabi ng anak ng action superstar na si Robin Padilla.

"Pero ano naman po ito, manood na lang sila. Makita nilang pinaghirapan ko rin and I auditioned."

INTRIGUE OVER THE ROLE. Aware din si Kylie na merong nagkukuwestiyon sa pagkakakuha niya ng role sa Blusang Itim over other GMA artists na mas nauna sa kanya, pero siya ang nabigyan agad ng lead role.

"May mga nababasa po ako," sabi niya.

"Ano naman, I just... Hindi po kasi ganoon ang relasyon namin ng other artist na yun.

"It's only the people that are making an issue. So, hindi ko na lang po pinapansin."

Ang tinutukoy ni Kylie ay ang StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati, na sinasabing naging pinakamahigpit niyang kalaban para sa role na Jessa.

"I felt kind of bad noong una," sabi ni Kylie.

"But then, I asked other people. People I'm close to.

"'Maybe it's not her time. Maybe, may mas bagay sa kanyang role.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's what people are saying to me, so medyo I felt okay na.

"Nagte-text naman kami ni Sarah, so there's nothing in between us."

May pressure ba sa parte niya na dapat ay mapantayan o mahigitan nila ang rating ng papalitan nilang serye, ang Alakdana?

"I'll give it all my best and I'll give my whole heart to the show para kahit na po, God forbid, na hind imaging successful, I'm strong enough to make it better," sabi ni Kylie.

HER DAD'S REACTION. Ano naman ang naging reaction ng kanyang Papa Robin sa pagkakakuha niya ng lead role sa Blusang Itim?

"Naka-relax na po siya. Kasi, gusto po niya, may project agad.

"Natatawa nga po ako kay Papa. Kaya sobrang saya nga po niya noong malaman niya. He's always congratulating me.

"Gaya na lang po kaninang umaga, 'Kylie, nakita namin ang billboard mo. Ang ganda-ganda! Congrats, congrats!

"I'm sure, manonood po si Papa. Kasi po, pagkatapos po ng Eat Bulaga! at the same time, Happy Yipee Yehey!"

Ang Happy Yipee Yehey! ang noontime show na kinabibilangan ng stepmom ni Kylie na si Mariel Rodriguez sa ABS-CBN.

Critic ba niya ang ama when it comes to her acting?

"Tingnan po natin... Kasi, hindi pa naman po niya nagagawa sa akin," nakangiting sagot ni Kylie.

LEADING MEN. Masaya naman daw si Kylie na sina Carl Guevara at Frank Magalona ang napili ng GMA-7 na maging leading men niya sa Blusang Itim.

Si Carl ay dating underwear model, samantalang si Frank naman ay anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at Pia Magalona.

"I'm so happy na sila ang mga naging leading men ko because they are both nice," sabi ng young actress.

Nakapag-bonding na rin daw sila ng kanyang dalawang kapareha kahit paano sa ginawa nilang workshop.

"Tingin ko po, mapapaganda pa namin ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, we're on the same level of understanding na to communicate sa set, siyempre.

"When we're rehearsing the lines, kailangan we know each other and we're comfortable with each other.

"I think we're comfortable with each other."

KISSING SCENE. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Kylie kung magkakaroon siya ng kissing scene. Pero, kung kailangan, willing naman daw siyang gawin ito.

"Kung kinakailangan po. Kung nakuha po ako sa eksena, kung na-touch po ako, siguro po, okay naman," sabi niya.

Hindi ba siya pinagbabawalan ng kanyang ama tungkol sa mga eksenang ganito?

"Siguro po yung soft lang. Yung smack lang.

"Kasi po, kung magkakaroon po ng ganoon, that would be my first kiss, ever."

Sa screen or in real life?

"In real life," sagot ni Kylie.

"Yes po, that would be my first kiss.

"If ever man po, sasabihin ko muna kay Daddy. Ipapakita ko ang eksena sa kanya."

SUITORS. Tinanong ng PEP si Kylie kung ano ang reaksiyon niya na tila may takot agad ang mga guys na gustong manligaw o pumorma sa kanila ng kapatid niyang si Queenie Padilla dahil ang ama nga nila ay si Robin Padilla.

"Siyempre po, nakakaawa po sila!" natatawang sabi ni Kylie.

"Pero mabait naman po si Papa. Hindi naman po siya yung mambubugbog or something.

"And, yun nga, malaman niyang walang malisya yung mga lalaking manliligaw or may planong manligaw."

ALJUR ABRENICA. Kinuha na rin namin ang pagkakataon para ipalinaw kay Kylie kung ano talaga ang meron sa pagitan nila ng nali-link sa kanyang si Aljur Abrenica.

"Can I start from the beginning?" pakiusap niya.

"The beginning of the story is, noon pa po, Al-Kris... Kagaya ng Dyesebel, nanonood na ako ng Aljur and Kris.

"Nagkataon po that we both came to the same workshop sa GMA, yung Wushu workshop and that's where we met.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, on my birthday, noong January 25, pumunta po siya. Medyo do'n po umingay.

"Kasi siyempre, si Aljur, may Machete noon. The spotlight was on him.

" At siyempre, pumunta sa birthday ng anak ni Robin, siyempre malaking ano na yun.

"And then, nakita kami sa Starbucks na kasama naman ang manager ko with few other brothers and sisters.

So, dun lumaki."

Nakita raw si Aljur na dumalaw sa taping nila ng Dwarfina noon sa Fairview?

"Opo, dumalaw po siya. Nagdala po siya ng pagkain," pag-amin ni Kylie.

Nanliligaw ba si Aljur sa kanya, or sila na?

"Hindi naman po bawal if your friends come to visit, di ba? And we we're both busy kasi noon at nagkataon na may time siya, pumunta siya.

"Pero hindi po siya nanliligaw, that's true.

"Mukha lang nanliligaw kasi nagpunta sa taping, but we're just friends," diin niya.

Nakapunta na ba siya sa bahay ni Aljur?

"Hindi pa po," nakangiti niyang sabi.

May lumabas na tipong hindi boto ang ama niya kay Aljur. Totoo ba ito?

"Kasi po, sa Islam, wala pong ligawan.

"Kung sakali pong gustong manligaw ni Aljur, pinapaalam niya lang.

"Yung ganoon lang. Parang advice ng typical na ama.

"At saka, nag-meet na po sila, I don't think that's true.

"Tingin ko, okay naman si Papa sa kanya. It's just that, yun nga, kasal muna!" natatawa niyang paliwanag.

If ever, mas okay rin ba sa kanya na wala na lang ligawan, kasal na agad?

May ilang segundo bago siya sumagot.

"I'm a girl. Masarap magpaligaw!" tawa ni Kylie.

"Pero it's okay. I'll work first. Career muna."

RELIGION. Tinanong din ng PEP si Kylie tungkol sa estado ng relihiyon na kinaaniban nila ng kanyang kapatid na si Queenie. May balita kasi na na kesyo tinalikuran na raw nila ang pananampalatayang Islam.

Isang bagay na itinanggi naman agad ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Islam pa po," giit niya.

"Magulo na po kasi. Yun nga, yung pag-aartista namin, kinakailangan na magsuot kami ng medyo revealing na kagaya nito.

"E, noong nag-uumpisa pa kami, medyo balot pa.

"Pero kinailangan na po kasi hindi na po puwedeng tumanggi dahil yung mga binibigay sa aking character, siyempre, medyo galing abroad. Hindi po kailangang palaging balot."

Mas naging lamang ba sa kanya ang makilala pa bilang isang artista kesa sa pagiging Muslim?

"When it comes to my hitsura. But my faith, it's still strong," sagot niya.

Pero sinabi rin ni Kylie na hindi muna raw siya aktibo sa mga gawain ng Islam ngayon.

Katuwiran niya, "Feeling ko po kasi, I'll be a hypocrite if I follow and say... Pero Islam pa rin po ako."

Ano ang naging reaction ni Robin sa naging desisyon nila ni Queenie tungkol sa kanilang relihiyon?

"Sabi po niya, huwag pong kalimutang magdasal. Kasi, yun po ang pinakaimportante, just pray all the time.

"Mama and Papa ko ang nagsasabi no'n. Silang dalawa."

CHURCH WEDDING. Tinanong din namin si Kylie kung ano ang reaction niya na naudlot ang church wedding ng daddy niya at ni Mariel Rodriguez dahil hindi sila pinayagan ng simbahang Katoliko.

"I'm sure na matutuloy po 'yun. Not just now.

"There's a right timing for everything. I'm sure, maa-allow pa rin.

"It's love, e. Love conquers all and God is love. So, you know..."

Hindi naman daw naapektuhan ang ama niya at si Mariel na hindi natuloy ang kanilang church wedding.

"Hindi po talaga. Sobrang saya nga po nila. Walang epekto sa kanila.

"Basta they're in love and sobrang happy."

Happy ba siya for her dad and Mariel?

"Very, very, very... lalo na for Papa," nakangiting sagot ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN