Isabelle Daza admits downside to being the daughter of Gloria Diaz; sets her sights on TV hosting

IMAGE 0


"Ngayon, I believe na ang mga audience natin ay napakatalino. Hindi lang just because anak ka lang ni ganito, you have the right na meron kang own show. Parang they want you also na makita nilang maghirap ka, to work hard, di ba? Gusto rin nila makita yung talent mo, hindi lang ganitong anak ni ganito. Di ba? I can imagine how difficult it is," says Isabelle Daza.


Ilulunsad na si Isabelle Daza sa Party Pilipinas sa Linggo, April 17, bilang exclusive contract star ng Kapuso network. Susundan ito ng live interview sa Showbiz Central.

Si Isabelle ay anak ng aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz at ng businessman na si Bong Daza.

Anong mga shows sa GMA-7 ang gusto niya pasukan?

" Actually, puwede yung Show Me Da Manny, natatawa ako. Like Bubble Gang, ever since bata ako, pinapanood ko na yun. After ng launching ko, magge-guest siguro ako," saad ng 23-year-old model turned actress sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Balitang ang unang gagawin niya ay isang game show with Manny Pacquiao.

"Actually, gusto kong kumanta, pero ayaw niya sa akin. Dance ako, pangit ako sa pagkanta!" natatawang sabi ni Isabelle.

May plano naman daw ang GMA-7 na bigyan siya ng serye at sitcom.

Sino ang gusto niyang maging first screen kiss kung saka-sakali?

"Wala pa sa isip ko," sagot niya.

How about her dream leading man?

"Yung matatangkad, sina Richard [Gutierrez], si Dingdong [Dantes]," sagot niya.

"Actually, first na problema ko ay height. Hindi ako puwedeng mag-heels. Pag hindi ko naman suot, 5'7" ako, pero matangkad talaga ako.

"Sabi nila mahirap daw ako hanapan ng leading man. Sino ba ang mga taga-GMA na matatangkad? Sina Richard, si Dingdong," aniya.

Gusto raw ni Isabelle ay romantic-comedy ang maging launching movie niya kung siya ang masusunod.

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Non-showbiz ang boyfriend ni Isabelle at almost a year na rin ang kanilang relasyon.

"He's a bit older than me," banggit niya.

Ano naman ang reaksiyon ng boyfriend niya sa pagpasok niya sa showbiz?

"Okey naman, very supportive," sagot ni Isabelle.

"The people around me are the most supportive. Sila yung nagsasabi ng, 'Go, kaya mo 'yan!' Actually, yung mga friends ko, especially si Raymond [Gutierrez], sabi niya makapal na ang mukha ko, kaya ko 'yan. Tawang-tawa kami lagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "I wanna be a good host. Like si Raymond, super-galing niya. Interesting siya pag napapanood sa TV. Nagre-research talaga at nagtatrabaho kaya alam niya ang trabaho niya. Nagpapaturo nga ako sa kanya. Yun, and maybe a bit of acting."

Hindi lang naman hosting ang naka-lineup na projects sa kanya sa GMA-7. Nagkaroon na sila ng ac­ting workshop ni Solenn Heussaff. Hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano ang seryeng gagawin niya, pero matunog ang balitang danceserye ito.

LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER? Naniniwala si Isabelle na gagaling din siyang artista gaya ng kanyang ina na si Gloria Diaz.

"Actually, yung first movie ng mom ko, ang hirap niyang magtagalog. Marami ang may akala na I don't speak Tagalog, but I do, I'm fluent naman.

"Kaya tinatanong ako kung gagawin ko ang movie niya na Pinakamagandang Hayop [sa Balat ng Lupa]. Hindi naman ino-offer, pero tinatanong sa akin.

"Siyempre, mahirap din na i-follow ang step ng mom ko. Dapat iba na ang launching ko.

"Hindi naman sa ayaw, pero mahirap sundan nang exact yung footsteps ng mom ko, di ba? I wanna do my own din," pahayag ni Isabelle.

Nasa GMA-7 ang rights na gawing serye ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

EXPECTATIONS. Hindi ba siya natatakot na mataas ang expectation sa kanya dahil anak siya ng dating Miss Universe?

"Actually, may downside din na maging anak ng... Aside yung sinasabi nila na may showbiz royalty, ganun, people are expecting kasi, 'Ay, hindi kasi magaling, hindi kasi maganda.' Pero hindi yun ang dapat isipin.

"Ngayon, I believe na ang mga audience natin ay napakatalino. Hindi lang just because anak ka lang ni ganito, you have the right na meron kang own show.

"Parang they want you also na makita nilang maghirap ka, to work hard, di ba? Gusto rin nila makita yung talent mo, hindi lang ganitong anak ni ganito. Di ba? I can imagine how difficult it is."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero lagi naman daw na nandiyan ang mommy niya para alalayan siya.

"She gives me unsolicited advice. Kahit hindi ko kailangan ay ibinibigay niya, di ba? Siyempre nandito siya sa showbiz, 35...40 years, lahat na, alam na niya yun.

"Napasabak na rin siya sa mga intriga. Sa mga pagpapa-late ng ibang artista. Dapat alam kong i-carry ang sarili ko para maging okey ang lahat," sabi ni Isabelle.

Stage mother ba si Gloria?


"Kasi stage mother pag sinasabi mo, negative, e. She's protective. For example, FHM, ayaw niya yun.

"Okey lang kasi ayaw ko rin naman yun. Kunwari sa launching ko sa Party Pilipinas, smile daw palagi," kuwento niya.

Sinabi rin ni Isabel na hindi pa siya ready na magpa-sexy sa men's magazines kahit may mga offer sa kanya na mag-sexy pictorial.

"I can be sexy naman for FHM, I'm just little bit scared to do that. Anyway, marami pa naman sexy diyan. Let's give them a chance.

"Tayong mga Pinoy kasi medyo conservative. Sa palagay ko naman, you can be sexy in other ways," saad niya.

BEAUTY CONTEST. Bakit hindi siya sumunod sa yapak ng mommy niya na sumali sa beauty contest?

"Sabi nga ng mom ko, tama na ang isang korona. Okey lang, hindi ko naman naging dream na maging beauty queen. For me, sapat na sa akin ang modelling, studying, also in showbiz.

"I just watched Binibining Pilipinas, so many beautiful women there," banggit pa niya.

Hindi ba pressure sa kanya ang pagsali sa beauty contest?

"Oo," sagot ni Isabelle. "Marami ring intriga rin, e, if you think about it.

"If I join at nanalo ako, sasabihin, nanalo kasi ganito, anak ni Gloria Diaz. Pag natalo, sasabihin nila ganito, ganyan.

"Ever since young ako, hindi ko naman pinangarap 'yan. I wanna set my own goal. Hindi naman kailangan na kung ano ang na-achieve ng mom ko ay gawin ko rin, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DADDY BONG DAZA: Kumusta naman ang daddy niya na si Bong Daza?

"He's good. He's okay," sambit ni Isabelle.

Cooking din ba ang hilig ng daddy niya?

"A, eating, more eating!" tawa niya.

"Matagal na yung girlfriend niya—si Ruby Jacob. Friends sila ng mom ko. Nagdo-double date nga sila."

Wala raw naging problema sa kanya ang paghihiwalay ng parents niya. Masaya pa nga raw dahil doble na ang birthday at Christmas gifts niya nang maghiwalay sila.

"Pati allowance, doble rin!" tawa ni Isabelle.

Close ba siya sa pamilya ng daddy niya?

"Yeah! My Lola Nora [Daza], she just launched her new book. A lot of people don't know na lola ko siya.

"Tinuturuan niya kami before to cook, lemon brazo cake. But I'm more in eating! Hehehe!

"Pero I can cook naman. Mahilig din naman ako magluto, kumain lalo. Pero ang dad side ko talaga ay mga chef—Sandy Daza, Nora Daza, Nina Daza. Ang father ko naman politician before, councilor."

SETTING OWN GOALS. Bago siya pumasok ng showbiz ay tinapos muna ni Isabelle ang kursong Early Childhood Education. Kumuha siya ng pre-med course na Ba­chelor of Science in Human Biology. Naging teacher din siya sa isang pre-school.

How true na kumuha siya nito para payagan na siya ng mommy niya na mag-artista? Naloka raw si Gloria nang malaman niyang gusto nitong pasukin ang showbiz?

"No!" tanggi ni Isabelle. "Actually, ang mom ko, ayaw niya ng pre-med kasi mas gusto niya showbiz. Gagastos siya ng malaki.

"Sabi niya, 'Seventy-five na ako mag-aaral ka pa rin, wala ka na maitutulong sa akin.' Siya talaga yung pushing for showbiz. Sabi niya, 'Showbiz is a job.'

"Ako naman yung naghe-hesitate kasi yung mga actors, tri-media na, di ba? Hosting, singing, dancing, acting...dapat lahat kaya mo. At yung mga friends ko minsan ay hindi na sila natutulog, wala nang time kumain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan daw niya kung saan siya interesado. Dati raw ay interesado siya sa pre-med, ngayon ay interesado na siya sa hosting.

"Yun. Changing your mind. Trying new challenges. Setting different goals," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN