MTRCB expects to come out with a decision on Willing Willie case by end of May

IMAGE 0


"Meron tayong appeals committee na nasa OP [Office of the President]. Puwede nilang itaas pa rito. Pero di natin minamadali at pinag-aaralang mabuti para lahat na punto na ating madesisyunan, masasabi nating nadesisyunan ayon sa batas," says MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares about the ongoing hearing on the case of Willing Willie, which is hosted by Willie Revillame (inset).


Ayon sa report ng GMA News, inaasahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na makapaglalabas na sila ng desisyon tungkol sa kontrobersiyal na March 12 episode ng Willing Willie sa katapusan ng Mayo. Sa naturang episode ay pinagsayaw ang isang anim na taong gulang na batang lalaki na parang macho dancer kapalit ng P10,000.

Sa isang radio interview, sinabi ni MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares na sapat na ang mahigit isang buwan upang maayos nilang matalakay ang tungkol sa isyu pati na ang mga punto ng iba't ibang sektor.

"In the case of the TV5 program, we expect to come out with a decision by the end of May. Like all of you, we want to resolve this soonest, but we have to follow a legal process," sabi ni Llamanzares.

Idinagdag pa ng MTRCB chairperson na ang TV5 at ang Willing Willie ay maaaring gamitin ang kanilang karapatan upang humingi ng reconsideration sa anumang desisyon na manggagaling sa Office of the President—kung sa palagay nila ay unfair ang magiging desisyon.

"Meron tayong appeals committee na nasa OP [Office of the President]. Puwede nilang itaas pa rito. Pero di natin minamadali at pinag-aaralang mabuti para lahat na punto na ating madesisyunan, masasabi nating nadesisyunan ayon sa batas," saad niya.

Iginiit din ni Llamanzares na ang MTRCB ay magiging patas dahil ang mga miyembro nito ay konektado sa lahat ng major TV networks.

Sinabi rin niya na hindi nila isi-single out ang host ng Willing Willie na si Willie Revillame sa kanilang imbestigasyon, dahil ang mandate nila ay sumasakop lamang sa TV network at sa programang inirereklamo.

Nagbigay naman ng pahiwatig ang MTRCB chairperson na posibleng kasama sa magiging penalty ang pagpapataw ng multa o suspensiyon, na ang kahabaan o katagalan ay depende sa deliberasyon ng MTRCB board members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The MTRCB has no power to sanction an individual, only the network or the show. The MTRCB can impose a suspension if merited," sabi ni Llamanzares.

Dagdag pa niya, "Puwede ring may multa, puwede ring suspension of the network itself. Hindi ko sinasabi na ito ang magiging hatol sa kanila."

Sa ngayon, dalawang linggong hindi mapapanood sa ere ang Willing Willie pagkatapos mag-pull out ang halos lahat ng kanilang advertisers.

NETWORKS AGREEMENT. Samantala, sinabi rin ni Chairperson Llamanzares na may plano siyang magpatawag ng isang conference kasama ang lahat ng TV networks at industry players para magkaroon sila ng kasunduan kung paano itatrato ang mga bata sa mga programa sa telebisyon.

Aniya, "Kahit may batas diyan, kailangan ng solid agreement with industry players kung ano ang magiging alituntunin sa pagganap ng bata sa TV... Pag may batas sabi kailangan sundin 'yan ... Pero pag may agreement parang usapang seryoso, nagkaroon ng handshake ang member, sila mismo voluntarily pinapasok ito at alam ang pinapasok."

Kinumpirma rin ni Chairperson Llamanzares ang meeting niya kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad, na co-host ni Willie sa Willing Willie.

"We had a good meeting. Of course, there was concern on her part because she is part of the show. But I can give a reassurance that we will be fair. The MTRCB has many checks and balances, and cannot rely on the opinion of just the chairwoman or just a few. We will not risk our reputation by favoring just one group," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN