Ian Veneracion works on two teleseryes for different networks: "Kasi hindi naman ako exclusive for both stations."

IMAGE 0


Former child actor Ian Veneracion tapes for I ♥ You Pare on GMA-7, and the soon-to-be-aired na Maria La Del Barrio on ABS-CBN. "MWF doon sa kabila tapos, dati dito [sa I ♥ You Pare] TTHS. Tapos ngayon nag-ayos sila ng schedule dahil nga [pinalitan si Regine Velasquez ni Iza Calzado]. So nung nagpalit, medyo naiba ang schedule, pero naayos rin naman," he says.


Lagarista si Ian Veneracion!

Bukod kasi sa taping niya for I ♥ You Pare ng GMA 7, kasalukuyan rin siyang nagte-taping para sa soon-to-be-aired na Maria La Del Barrio ng ABS-CBN.

Pero wala naman raw conflict ito para kay Ian.

"Hindi, kasi hindi naman ako exclusive for both stations," paglilinaw niya nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon nang tanghali sa Marikina Hotel and Convention Centre sa Marikina City sa taping ng I ♥ You Pare.

Kaya naman ni Ian na mag-taping for two shows on two different networks...

"MWF doon sa kabila tapos, dati dito [sa I ♥ You Pare] TTHS. Tapos ngayon nag-ayos sila ng schedule dahil nga [pinalitan si Regine Velasquez ni Iza Calzado]. So nung nagpalit, medyo naiba ang schedule, pero naayos rin naman," says Ian.

Si Iza nga kasi ang pumalit sa unang female lead ng show, ang Asia's Songbird na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

Nagpaalam naman raw sa GMA ang manager ni Ian na si Ricky Gallardo na gagawa rin ang aktor sa Dos.

"Oo, nagpaalam naman kaagad si Ricky. Tsaka yun, since wala naman akong exclusive na contract sa pareho [GMA at ABS] so okay lang naman. Tsaka sabi ko kahit isang project lang, gumawa kami dahil si Direk Rory is also a good friend, siya yung nag-request."

Si Direk Rory Quintos ang direktor ng Maria La Del Barrio.

GOOD ROLE. Mahaba ang role niya sa teleserye.

"Maganda naman yung role at mahaba."

Hindi kaya mag-overlap ang I ♥ You Pare at ang Maria La Del Barrio?

"Hindi siguro, dapat matagal ang airing nun, e (MLDB). Hindi sila magsasabay."

Bago ang I ♥ You Pare ay nasa Trudis Liit si Ian, sa ABS daw ay matagal na siyang walang project.

"Mas regular sa GMA, mas sunud-sunod ang ginawa ko na puro GMA."

Ang huling movie na ginawa niya naman ay ang Siquijor, produced by BrillanteMendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ba siya dating mga eksena with Regine sa I ♥ You Pare?

"Hindi, actually halos wala. Actually it's one of the reasons kung bakit ginawa ko yung kabila, kasi may time, for example buong January, wala akong taping dito, may time sobrang dalang ng pasok sa script nung character ko."

Si Iza ay kahapon lang niya nakaeksena.

"Si Regine, baka dalawang sequences lang, yung aksidente sa umpisa, that's it."

KIDS. May tatlong anak na si Ian.

"Una boy, 12 years old, then girl, 10 years old, then 4 years old, boy ulit."

Mag-aartista ba ang mga ito?

"Hindi siguro," mabilis na sagot ni Ian.

Bakit?

"Wala lang, ako, parang wala lang, kung ako ang papipiliin sana huwag silang magkakaroon ng hilig, pero kung mahihilig sila sa pag-aartista, wala naman akong magagawa."

PEP also found out na isang lisensiyadong piloto si Ian.

"Nag-flying po ako, I got my license pero hindi ko naman talaga gusto na mag-apply sa mga airlines, kasi laging malayo sa pamilya.

"Tsaka... ang mga tito ko, lolo, lahat puro piloto, e, nakita ko yung lifestyle nila, laging alis nang alis."

Two-year course ang natapos ni Ian sa kursong pagpipiloto. "Private pilot, iyon ang license ko."

At ilang beses na siyang nakapagpalipad ng eroplano.

"Nagre-rent ako ng plane tapos ako ang nagpapalipad, pero never akong nag-apply ng Cebu Pacific or Philippine Airlines, or kahit anong airline, never."

FORMER CHILD ACTOR. Unang sumikat si Ian bilang child actor noon sa Joey & Son na kung saan sila ni Joey de Leon ang mga bida.

Nakita na ba niya ulit si Joey?

"Oo, nakikita ko siya from time to time.

"Tsaka close pa rin kami. Siyempre... tuwing magkikita kami, umiiling lang yun sasabihin, 'Naaalala ko kung gaano katanda na ako,'" natatawang kuwento ni Ian.

Sa ngayon, si Ian naman ang gumaganap na tatay sa telebisyon sa harap ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Laging father roles lately, nag-e-enjoy naman ako."

May negosyo rin siya ng kanyang non-showbiz wife.

"Gumagawa kami ng projects for Maynilad, yung water lines. Kasi ang wife ko, engineer siya, tsaka dati iyon ang business ng parents niya then nagtayo siya ng sarili niyang sariling company.

"Iyon puro water lines, ang Maynilad ang major na kliyente namin. Bale parang kami ang kumukuha ng kontrata para maglatag ng mga tubo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN