Alma Moreno denies separation rumor; reveals she has one-year-old daughter with husband Mayor Fahad Salic

IMAGE 0


"Sorry ho, sorry sa lahat ho ng nagsasabing hiwalay kami—sa Internet at kung sinuman ang nakakalat no'n. Kami pa rin po, awa ng Diyos, at nagpapasalamat ako sa kanya sa suporta niya sa akin," says actress-politician Alma Moreno about rumors that she and husband Marawi City Mayor Fahad Salic are separated.


May mga usap-usapan na diumano'y hiwalay na ang actress-politician na si Alma Moreno sa kanyang bagong asawa na si Mayor Fahad Salic ng Marawi City.

Ikinasal ang dalawa noong March 29, 2009, sa isang Muslim ceremony.

Pagkatapos ng kasal, hindi na halos naging visible si Alma sa showbiz dahil nag-concentrate siya sa pagiging asawa, ina, at konsehala ng Parañaque City.

Pagkatapos ng matagal na panahon ay pumayag si Alma na mag-guest nang live sa The Buzz noong Linggo, April 17, para linawin ang mga bagong isyu sa kanya.

Sinabi ni Alma sa nag-interview sa kanya, ang veteran host na si Boy Abunda, na matagal-tagal na rin siya nang huling lumabas sa telebisyon kaya medyo kinakabahan siya.

Ang unang tanong ni Boy kay Alma ay kung hindi na ba talaga siya magbabalik-showbiz.

"Hindi, nandiyan pa rin ako sa showbiz," sagot ng actress-politician.

"Nagkataon lang na naging konsehal ako ng Parañaque and then, sa awa ng Diyos, naging president ako ng Philippines Councilors League last March 10, yun ang election namin.

"Kung tatanggap po ako, gusto ko soap. Pero kalahati ng buhay mo, nandiyan. So, kung may mag-o-offer man sa akin, siguro yung isang once a week lang na taping, e, okay ako. Kasi po, ang priority ko ay ang pagiging konsehal ng Parañaque.

"Tapos, nanay ako ngayon dahil first time na magkaroon ng babaeng presidente sa Councilors League. So, nanay ako sa lahat ng konsehal sa Pilipinas."

Nanay din daw si Alma sa kanyang baby na si Baby Alfa.

Isang taon na raw ang baby nila ni Mayor Salic.

"Hindi ho alam ng lahat na may baby ako. Nagugulat nga sila. Akala nila apo ko! Sabi ko, hindi. Alma and Fahad siya, actually," banggit ni Alma.


SEPARATION RUMOR. Itinanggi naman ni Alma ang balitang hiwalay na sila ni Mayor Salic.

"Sorry ho, sorry sa lahat ho ng nagsasabing hiwalay kami—sa Internet at kung sinuman ang nakakalat no'n. Kami pa rin po, awa ng Diyos, at nagpapasalamat ako sa kanya sa suporta niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya siguro nasasabi nilang hiwalay kami, dahil nasa Marawi City siya. Ako ho, nandito ako sa Parañaque.

"Wala man ako sa Parañaque, umiikot ako sa iba't ibang lugar.

"Ibig kong sabihin, yun naman po ang napagkasunduan namin.

"Hindi naman niya ako puwedeng patigilin na maging konsehal at maging asawa na lang niya at sumama sa Marawi, hindi ho puwede.

"Lalo na ho sa Marawi, kapag wala siya roon at may nangyayari, pananagutan niya yun. Mahirap ang katungkulan ng mayor."

Masaya ba si Alma ngayon?

"Yes, masayang-masaya ho," mabilis na sagot ni Alma. "Masaya ako sa mga anak ko. Medyo nagkakasakit ako ngayon, sobrang pagod, namamalat, sobrang happy ho ako."

Si Alma ay may mga anak kina Joey Marquez, ang una niyang naging asawa, at ang yumaong si Rudy Fernandez, ang ama ng kanyang panganay na si Mark Anthony Fernandez. Kay Joey, ang dalagang anak na si Win-Wyn ay nag-aartista na rin.

Sa huling tanong ni Boy, ito raw ang tanong na hindi sila nagkalakas ng loob na itanong kay Alma two years ago nang magpakasal ito kay Mayor Salic: Si Alma lang ba ang babae sa buhay ni Mayor Salic? Oo o hindi?

"Ako po? Oo. Oo, ako lang. Ang alam ko ho, ako lang at ako lang ang mahal ng aking asawa," nakangiting sagot ni Alma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN