Shalani Soledad's birthday wish: "Sana ay mag-improve pa ako bilang isang host and sana mas tumagal pa ang Willing Willie."

Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg">

Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg">

IMAGE 0


"Ako I would be the first to admit talagang marami pang kelangan na baguhin o ma-develop. So all the comments that I get, I really take it positively para mas ma-inspire pa na baguhin mo, mas ma-inspire ka na galingan mo pa," says Shalani Soledad about her hosting skill.


Noong April 20, Wednesday, ay ipinagdiwang ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad ang kanyang 31st birthday.

Ayon sa kanya, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 24, after ng guesting niya sa Paparazzi ng TV5, ay marami siyang birthday wishes.

"Una, sana ay mag-improve pa ako bilang isang host and, of course, siyempre sana mas tumagal pa ang Willing Willie.

"Number two, sana mas maging effective pa tayo, mas marami pang projects na magawa tayo sa Valenzuela City.

"Siyempre kasama rin na sana makapag-save para I can buy my own house this year.

"And sa lovelife, sana maging masaya," sabi ni Shalani.

Aminado naman si Shalani na hindi pa siya ganoon kagaling na host kaya nasabi niya na sana ay mag-improve pa siya.

"Of course, there's always room for improvement. So, lahat naman ng criticisms...

"Ako I would be the first to admit talagang marami pang kelangan na baguhin o ma-develop.

"So all the comments that I get, I really take it positively para mas ma-inspire pa na baguhin mo, mas ma-inspire ka na galingan mo pa," saad niya.

Sabi niya rin, sana maging masaya ang lovelife niya. So, ibig ba niyang sabihin ay may lovelife na ulit siya ngayon?

"Wala," tanggi ni Shalani.

"Ang ibig kong sabihin, sana maging masaya yung aspect na yun."

Ang huling naging boyfriend ni Shalani, sa pagkakaalam ng publiko, ay si Pangulong Noynoy Aquino.

WILLIE REVILLAME. Simula nang maging co-host ng Willing Willie si Shalani ay na-link na siya kay Willie Revillame. Ano nga ba ang estado ng relasyon nila ng controversial TV host?

"Kami kasi ni Willie... Si Willie kasi makulit, e.

"So what you see on air, that's how we really are, kakulitan. Si Willie kasi mabiro.

"We really enjoy each other's company, ganun lang kami."

Kung wala sila talagang relasyon ni Willie, bakit hanggang ngayon hindi mamatay-matay ang isyu na binilhan daw siya ni Willie ng bahay sa Forbes Park at ng resort sa Batangas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, si Willie na lang ang tanungin ninyo tungkol diyan! So far, nasaan yung bahay? Nasaan yung resort?" nakangiti niyang sabi.

Pero kung sakaling bibigyan siya ng mga ganoon ni Willie, tatanggapin ba niya?

"Ang gift naman kasi basta't sincere ang pagkakabigay, of course, di ba? It's the thought that counts. Hindi kelangan na mamahalin, basta't ibinigay sa 'yo," sagot ni Shalani.

WORK OUTSIDE WILLING WILLIE. Habang hindi pa bumabalik sa ere ang Willing Willie, ano muna ang mga pinagkakaabalahan niya?

"Well, I did catch up on my legislative work. Yung mga hindi pa naire-report, pina-pass natin. That's one.

"Tapos ngayong Holy Week, siyempre nandiyan yung Visita Iglesia natin, nagdarasal tayo kasama yung family.

"And then I'm into jogging now. So far, nakaka-two days na kami, sana magtuloy-tuloy."

WILLING WILLIE CONTROVERSY. Hindi pa rin humuhupa ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Willing Willie, na nag-ugat dahil sa pagsasayaw ng "macho-dance routine" ng isang anim na taong gulang na batang lalaki sa programa.

Ano nga ba ang masasabi ni Shalani tungkol sa isyung ito?

"My stand and my appeal, ang gusto ko lang sabihin, sana yung issue tingnan ito based on facts. Look at the facts and let's all be objective.

"Let us not base our comments, our judgments based on our affiliation, based on our relation.

"So, sana dun tayo mag-base sa facts kasi may involved na bata dito. Meron din involved na show dito," saad niya.

May mga nagwo-worry na baka maapektuhan ang political career ni Shalani dahil part siya ng Willing Willie. Instead na makatulong daw ang show sa kanya ay baka makasira lang. Ano ang comment niya tungkol dito?

"My stand has always been the same in terms of policy-making, decision-making, legislative work.

"And pagdating naman sa Valenzuela, hindi natin kinakalimutan yung trababo natin. Hindi natin kinakalimitan na tayo ay isang konsehal. So, tuloy-tuloy naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So sana, pagdating ng... Given the chance ulit sa mga susunod na election, sana ma-appreciate ulit ng mga kababayan natin yung trabaho naman na binabalik natin.

"And in terms of Willing Willie, masaya kasi kami sa show e. Nakakapagbigay kami ng saya, nakakapagbigay kami ng inspiration.

"And may mga tao kaming natutulungan. And yun, hindi natatapatan ng pera pag may tao kang napapasaya na pag-uwi nila ng bahay, meron silang pera na pambili ng ulam, meron silang pera na pampaaral.

"And ako, natutuwa ako that I am part of the program."

Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg">


Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg"> Willing Willie."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25428/shalani-soledads-birthday-wish-sana-ay-mag-improve-pa-ako-bilang-isang-host-and-sana-mas-tumagal-pa-" data-desc="Shalani on Willing Willie controversy: "Look at the facts and let's all be objective."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/f1efd521f.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN